Sa ilang taon naming pagsasayaw rito ay ngayon lang nangyari na sabay kaming sasayaw na anim, siguro noon ay hindi pa kami ganoong sikat, pero, ngayon masasabi kong mas maraming dumarayo sa The Shire noong naging anim na ang sumasayaw sa entablado ng The Shire.

Ani ng isa sa nasa top management ay in demand daw kaming anim kaya isa rin 'yon sa rason nila kaya pagsasayawin kaming anim ngayong gabi para sa selebrasyon ng anibersaryo ng The Shire, kaya nga isang linggo lang ang preparasyon namin dahil last minute raw naisip ang ganitong pakulo.

Ibinuka niya ang kanyang nga kamay kaya yumakap kami sa kanya.

"Good luck, Girls!" Aniya at maya-maya pa ay umalis na ito.

Bumalik na kami sa kanya-kanya naming pwesto kanina at hinanda ang sarili namin, narinig na namin ang pag-alarm ng relo na nasa table, 11:40 P.M. na, hudyat na na dalawampung minuto na lang ay sasayaw na kami.

Sinuot namin ang silk robe namin at ang maskara namin at lumabas na kami ng dressing room namin, marami kaming nakasalubong na mga waitress at waiters. Lahat sila ay ngumiti sa amin at nagbigay ng thumbs up.

Nang nasa backstage na kami ay nagtitinginan lang kami, walang nagsasalita dahil bawal na kaming magsalita kapag lumabas na kami ng dressing room namin. Isa kasi lle 'yan sa rules kapag dancer ka, mahirap na at baka may makarinig sa boses namin at makilala kaming anim. Pero, minsan, hindi maiwasan na magkausap kami sa labas pero, sinisigurado naming kami lang ang tao at walang makakarinig ng mga boses namin.

"Are you feeling bored tonight?" Ani Michelle sa mikropono, narinig naman naming may ilang humiyaw na customers.

Ang management lang daw kase at kaming dancers ang may alam na sasayaw kami, hindi ito inanunsyo para surpresa raw. Ang alam lang ng customers ngayong gabi ay magpeperform kaming anim ngunit hindi nila alam na sabay kaming anim sa iisang stage.

"Well, papainitin natin ang The Shire ngayong gabi! Let's all welcome my six goddesses!"

Pumalakpak ang mga customers, "and, oh! Please do remember that, no touching." Ani Michelle.

Biglang umingay ang paligid, mukhang excited na sila dahil sasayaw na kami. Kaming anim lang naman kasi ang may no touching policy sa The Shire, nahubad na namin ang aming mga roba at isinabit iyon sa rack na nasa gilid lang ng backstage.

Nang magdim ang ilaw ay isa-isa na kaming umakyat sa stage at pumwesto, mariin akong napapikit at bumuga ng malalim na hangin. Ako ang nasa gitna dahil sa ako ang pinakamaliit sa kanila, nasa 5'4" lamang ang katangkaran ko, habang ang lima kong kasama ay nasa 5'5"-5'9" ang katangkaran.

Naghiyawan ang mga customers ng nag-umpisa ng umintro ang music na sasayawin namin, pareho kaming lahat na nakatalikod sa madla.

Nag-umpisa nang gumalaw ang katawan namin at mas umingay pa ang paligid ng dahil sa hiyawan ng mga customers ng The Shire, ilang beat pa ng musika at sabay-sabay kaming humarap at doon ko lamang napagtanto na sobrang dami nga talaga ng customers at halos hindi na sila magkasya sa loob ng Club, mula rito sa ground floor hanggang sa third floor ay punong-puno ng mga tao.

Lahat ng mga mata ay sa amin nakatingin, mapababae man o lalaki, pati na rin ang mga katrabaho namin. Mas ginalingan ko pa ang pagsasayaw habang ang mga mata ko ay malayang napagmamasdan ang mga tao sa loob ng Club hanggang sa napatigil ang mga mata ko sa isang mesa na nasa anim ang nakaupong mga lalaki.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko at parang mabilis akong pinagpawisan, nakaupo roon si Alejandro, nasa pinakagitna ang kanilang table at malapit lang sa stage. Kasama niya ang lima pa niyang kaibigan sa mesang iyon.

Nagtama ang aming mga mata, hindi ko alam pero mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Hindi niya inaalis ang mga titig niya sa akin kaya nailang ako, napailing ako sa aking isipan at iwinakli ko na lamang sa aking isipan ang kanyang presensya at ang mga titig nito sa akin.

The Billionaire's Baby Maker (Revised Version)Where stories live. Discover now