Days passes like seconds, bukas nga e' huling araw na nang bloody week na isang linggo din akong pinahirapan ng husto. Simula no'ng araw na tinuroan ko ng leksyon ang isa sa mga bampira sa Dining de Night ay medyo humupa narin naman ang gulo sa pagitan ng mga bampira at mga tao. Minsan nga lang ay mayroon parin talagang mga estudyante na nagsisimula ng gulo kaya ano pa nga ba? Edi ayun at hindi natatapos ang araw na hindi sila nababalian ng buto. 'Yon ang napapala nila dahil inuubos nila ang pasensya ko.

"Ayosin mo 'yang paraan ng pag tingin mo saakin bampira." Saad ko sa isang bampira na kaklase ko habang bored akong nakatingin sa labas ng bintana ng classroom namin. Kanina pa kasi siya nakatingin saakin ng masama na ani mo ay gusto niya na akong kagatin ngayon. Well, try me vampire! Baka hindi ka na makalabas ng buhay sa classroom na ito.

Ito na ang pangalawang gabi kung saan kailangang sumabay ng mga estudyante sa schedule na nakalaan para sa mga night class students. Mas mahirap nang magbantay ngayon dahil hindi kagaya ng pang-umagang schedule ay malinaw kong nakikita ang bawat galaw ng mga estudyante. Hindi kagaya ngayo na walang liwanag kaya naman mas nahihirapan akong bantayan sila. Hindi naman kasi malinaw ang paningin ko tuwing gabi hindi kagaya ng mga bampira na ito na ginawang araw ang gabi.

Ilang minuto ay dumating na rin ang professor namin sa chemistry. Hindi naman ako nakinig kagaya ng palagi kong ginagawa. Sa inaantok ako eh! Ikaw ba naman mag bantay ng mag damag sa mga bampira na 'to tignan ko lang kung hindi ka antokin!


Tahimik kong tinititgan ang kabilugan ng buwan mula rito sa gitna ng quadrangle kung saan ako nakahiga ngayon. Alas tres na ngayon ng madaling araw kaya naman inaantok narin ako. Hindi na ako pumasok sa isa ko pang klase dahil siguradong makakatulog lang din naman ako doon.

Itinaas ko ang kamay ko tsaka ko inabot ang kwintas na suot ko. I wonder how long I would still need to finish my first mission? Masyado na akong naiinip sa mga nangyayari.

"A penny for your thought."

Napakurap-kurap ako ng marinig ko ang boses na iyon na sumira sa katahimikan na kanina ko pa eni-enjoy. Napairap ako. Kailan ba magiging tahimik ang buhay ko sa lugar na ito? Bigla-bigla nalang kasing may mga sumusulpot na asungot eh.

"What do you want, president?" Bored na tanong ko tsaka ko itinuon sa kutsilyong hawak ko ang paningin ko.

Maingat kong pinunasan ang blade nito habang hinihintay ko siyang sumugot sa itinanong ko pero sa halip na ganon ang gawin niya ay kumunot ang noo ko ng bigla niya nalang abutin ang kamay ko at sa isang iglap eh nandito na kami kaagad sa—-wait—nasa NBU city ba kami? Bakit naman kaya niya ako dinala rito?

Inilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa aesthetic vibes na dala ng lugar na ito. Ganito pala ka ganda ang lugar na ito kapag gabi?

"Why—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko pa sana nang magsimula na siyang maglakad papalayo saakin.

Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa isang gusali na may nakalagay na café por la noche sa taas. Coffee at night? Umiinom din ba ng kape ang mga bampira? Kaya ba hindi sila inaantok kapag gabi? Napailing nalang ako sa naisip.

"Anong trip mo?" Tanong ko ng i-abot niya saakin ang isang cup ng kape. Sinundan ko siya ng tingin nang maupo siya sa upuang nasa harapan ko. He takes a sip on his coffee na parang wala siyang planong sagutin ang tanong ko.

"You need to take a rest. You've been working since the bloody week had started." Saad niya pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan. Napatingin ako sa kaniya. His features changed a bit. Maybe because he's wearing his eyeglasses again right now na medyo weird tignan dahil sa kulay pula niyang buhok. Para siyang bad boy na nerd gano'n.

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now