Chapter Twenty

2.6K 45 0
                                    


"Will you be my girlfriend."

Palagi nalang pumapasok sa isipam ko nong time na tinanong ako ni Landon about that. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya natahimik lang ako.

I didn't totally reject him, I just feel that I wasn't ready yet. Parang kakasimula ko palang ayaw ko munang mag take ng risk.

I wanted to be serious now, pero mas gusto ko mag focus muna sa sarili ko, kasi everytime na maiisip ko yong nakaraan I'm still regretting it.

Alam naman ni Landon yon kaya naman naiintindihan nya ako. I like him, noon pa mas lalong ko pa syang nagustuhan nong mga time na nagkakasama na kami. Pero hindi yon sapat na dahilan para mag move forward ako into a relationship.

"Nakapag papirma kana kay Maam Montes?" Napatingin ako kay Avonne na umupo sa may harapan ko.

Kinuha ko ang clearance ko para tignan, halos lahat ay may pirma na department heads nalang ang wala.

"Napapa sana all nalang ako sayo." Pagod na sabi nya. Natawa nalang ako nitong nakaraang araw kasi sinabihan ko na sila na magpapirma na kami kaso sabi nila masyado daw akong nag mamadali edi ako ngayon chill sila cramming.

We only have 2 days left bago magsara ang pasukan but not totally. Deadline para sa mga projects at pirma sa clearance, ang balik namin sa mismong graduation na nagpapractice na din kami every afternoon. Sabay ang ceremony ng boys at girls.

Nakita kong pumasok sila Louisse at Natasha na magkasunod. Pawis na pawis on leave daw kasi si Sir Amores dahil nanganak ang asawa, kaya hinabol pa nila ito.

Tinignan nila kung ilan pa ang hindi nila napapapirmahan, before mag lunch natapos na din sila department nalang din kaya ipinasa na namin sa adviser namin dahil sabay sabay naman na yong pipirmahan ng mga head.

They were so exhausted. Mabuti nalang at nag ring na ang bell, tamad na tamad silang pumunta sa cafeteria.

Pagka dating namin don naka pwesto na agad ang mga boys. Nang makalapit ako ay ngumite muna ako kay Landon bago umupo sinuklian nya naman ako ng ngite sabay abot ng sandwich at milkdrink.

Agad namang lumipat ang tingin nila saamin. "Hindi naman napagod at stress yan e." Avonne scoffed as she speak. Tumawa lang si Landon.

I unwrapped the sandwich tsaka kumagad. "Oh gusto mo ba?" Natatawang tanong ko kay Avonne, she just rolled her eyes at me.

Landon is just looking at me while I'm eating. Kaya naman inalok ko sya baka kain ako ng kain tapos sya di pa nakaka meryenda. "Nakakain na ako kanina." Sabi nya saakin. Nagkibit balikat lang ako.

Nagkikwentuhan sila, at para kaming may sariling mundo kaya naman nakisama kami. "Eto si Jaxon may pinupormahan na e." Sabi ni Andree.

Napatingin naman kami kay Avonne na walang reaksyon naging tahimik. "Si Andree nalang talaga ang wala pa." Pang-aasar ni Angelica.

Nangunot ang noo ni Andree sakanya. "Bakit ikaw meron ba?" Inirapan lang sya ni Angelica.

"Match maker kasi ako, Paulo at Louisse," Kinindatan naman agad ni Paulo si Louisse, lumipat ang tingin ni Andree saamin. "Camryn at Landon." Muntik na akong mabulaukan sa sinabi nya. Agad namang tinusok ni Landon ang straw sa milkdrink at inabot saakin. Ininom ko yon at ng malunok ko na ang kanina bumara na pagkain ay medyo umuubo-ubo pa ako.

Napalipat tuloy saamin ang atensyon. "Ano kelan kayo aamin?" Tanong nila saamin. Wala naman kaming aaminin e. Mabuti nga ngayon at medyo lowkey nalang ang ginagawa nilang pang-aasar saamin e.

Umiling lang sakanila si Landon, "Ano hindi parin?" Disappointed na tanong ni Andree pangite-ngite lang si Landon sakanila.

"Ang bagal mo naman." Reklamo pa ni Paulo.

Batavian TearsWhere stories live. Discover now