Chapter Thirteen

2.7K 63 0
                                    



The whole week, naawa yong teacher namin kaya naman half half lang ang naging klase namin at ang remaining hours nagawa lang kami ng project dahil nga tapos na ako wala akong ginawa kundi ang mag cellphone.

Napa salumbaba ako sabay bitaw ng cellphone ko sa desk, nakaka boring na lahat sila busy. Dapat pala hindi ko nalang muna tinapos yong mga projects ko para hindi ako naboboring ngayon.

Napatayo ako at lumapit sa pwesto nila sa may long table nagkikwentuhan sila while doing their projects.

Umupo ako sa unahan nila sabay baksag ng ulo. "Nakaka boring pala." Reklamo ko sakanila.

Tumingin saakin si Natasha sabay ngite. "Naboboring ka? Gusto mo ikaw gumawa ng project ko?" Napa rolled eye ako natawa naman sya.

I fold my arms tsaka yumuko. Nag-iisip ako kung ano ang pwede kong gawin ngayong araw.

Napatingin ako kay Avonne ng bigla syang magsalita. "Samahan nyo ko mamaya, sasauli ko lang hiniram ko na libro sa may library."

Parang bigla akong nagka idea pwede kayang matulog nalang muna ako sa library or just roam around pwede ding magbasa ako pampalipas oras lang. Tumayo na ako at akmang aalis ng tinawag nila ako.

"Oh san ka naman pupunta?" Sita nila saakin.

"Papalipas boredom." Simpleng sabi ko sabay kuya ng library card ko sa bag at naglakad na papunta sa library.

I wear my earphones while walking. Hindi naman ganon kalayuan ang library mula sa classroom namin dahil halos magka lapit langnaman sila ng cafeteria lalampas lang ng kaonti sa quadrangle.

Ibinulsa ko muna ang cellphone at earphones ko bago inabot sa librarian, tahimik akong naglakad dahil ultimo pag lunok ng laway ata ay sisitahin nya pa.

Pumunta ako sa pinaka dulo at pinaka tago na parte ng library para malaya kong gawin ang mga gagawin ko. Pumili muna ako ng mababasang libro kuno sa may romance novel ako pumunta, nagulat ako ng makita ko ang name ni Nicholas Sparks andon yong mga story nya na The Notebook, Message in the Bottles , at A Walk to Remember mga 90's book nya akala ko mga Romeo ang Juliet lang ang novels dito madami din pala.

A Walk to remember lang ang kinuha kong book dahil nong binasa ko ang summary na catch na ako. Binasa ko yong plot ng The Notebook mukhang hindi na happy ending ayaw ng nanay e, tapos yong sa Message in the Bottles parang di pa nakaka move on yong guy, ayaw ko sa ganon di marunong mag move on. The next one caught my attention katabi sya ng A walk to remember, The Last song ang tittle. Medyo nakakarelate ako dahil about sya sa rebellious child na nagsimula dahil nag divorce ang mga magulang nya pero hindi ko na kinuha dahil move on na ako sa past life ko.

Kaya A Walk to Remember sabi sa plot parang bad boy yong guy tapos naging mabait dahil nainlove sya kay Jamie. Umupo ako sa may pinaka malapit na upuan mula sa book shelves.

I was seriously reading it so my emotions got me too. Hindi ko namalayang natulo na ang luha ko onti-onti ng nababasa ang page ng libro. Scam naman tong libro e sabi happy ending kaya pala nalito ako sa chapter one, yon pala kinikwento ni Landon ang love story nila ni Jamie. Eto ang unang beses na nagbasa ako mg libro tapos point of view ng lalaki.

I was quietly crying, when I reached to their wedding alam na ni Landon na mamatay na si Jamie kaya naman nagpakasal sila agad because it was Jamie's dream na magpkasal sila sa simbahan kung saan nagpakasal ang mga magulang nya.

In the end there was a quotation, "Love is like the wind, you can't see it but you."

Parang nag flashback saakin yong moments na tinupad ni Landon yong mga wished nya, seeing the brightest star, stepping in one place but in two places at the same time, and to have a tattoo although Landon just gave her a fake tattoo. Then, the fact na galit si Landon sa Dad nya but he forgot about her pride for Jamie.

Batavian TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon