Kapitulo. Veintecinco

109K 4.6K 1.7K
                                    

Baka

Mona Lisa Arandia's

"Bakit nga po, Mama? Papa? Dapat kapag family natutulog sa isang room, sa isang house, sa isang bed saka kumakain sa isang plate."

Nakita kong napakamot ng ulo si Mela.


"Hindi pala plate iyon, table pala iyon, Mama. Papa bakit ayaw mo magtira sa amin?" Tanong pa ulit ni Mela.


Kasalukuyan kaming nasa kwadra ng kabayo. Isang taon na ang nakalipas mula nang maoperahan si Fonso, although nagtutulong siya dito sa kwadra pero hindi pa rin siya pwedeng gumawa ng mabibigat kasi nga baka kung ano naman ang mangyari sa kanya. Hindi na rin siya pwedeng mag-inom ng alak o kumain ng maraming karne.

Tinigilan na niya iyong Ketogenic Diet na ginagawa niya. Vegetarian na ngayon si Fonso at lalo siyang gumwapo dahil doon.

"Friends naman kami ni Mama, Mela, so okay na iyon." Sagot ni Fonso. Napatango lang naman ako. Madalas naulit siya sa Malolos ngayon. Okay na okay naman kasi iyong business nila roon. Tulad ng dati, tuwing Friday ng gabi ay umuuwi sila dito ng mga kapatid niya.

"Ih?! Bakit po sa play school ko iyong Mama saka Papa married saka may ring? Wala namang ring si Mama tapos di naman kayo married." Para bang gigil na gigil na si Mela sa amin ni Alfonso, nagkakatinginan lang naman kaming dalawa. He was smiling. Siya kasi ang may hawak kay Mela habang ako naman ay nakasabay kay Bliss at nagmamando sa mga tao.

"Kasi anak, we are a family but we're not the normal family." Si Fonso ang nagpaliwanag. "Dati kong girlfriend ang Mama mo tapos nag-break kami, kaya ngayon friends kaming dalawa, naging friends kami para sa'yo, so we can be there for you kahit hindi naman kami kasal."

Napakamot ng ulo si Mela.


"Ano ito commercial ng gatas? Ang labo – labo ninyo naman, may anak kayo tapos ayaw ninyong magpakasal. Susumbong ko po kayo kay Lolo."

Bumaba siya sa pagkakakandong kay Fonso at tumakbo papasok ng bahay. Napapailing na lang ako.


"Masyadong matalino iyong anak mo." Sabi ko kay Fonso. Bumaba ako kay Bliss para haplusin ang bandang ilong niya. She stirred tapos ay yumuko.


"Mana sa'yo. Matalino ka rin naman."


"Matalino ka rin naman. Gwapo pa." Tumawa ako.

"Maganda ka rin."

"Jusko pwede ba h'wag na kayong magbolahan sa buhay." Narinig ko si Sabelo. Kalalabas niya lang sa kwadra. "Mga indenial, kita ninyo nga iyong anak ninyo, gigil na sa inyo."

"Manahimik ka." Sabi ni Fonso.Tumindig na si Fonso at nagpaalam na uuwi na sa kanila. Dala niya iyong pick up niya. Hindi kasi siya pinasasakay ni Papa sa kabayo.

Sayang nga, hindi na siya pinapayagan sobrang galing pa naman niya sa pangangabayo. And I kinda missed it.

Bumalik na rin ako sa bahay. Nakita kong nag-uusap si Papa at si Mela. Kasama nila si Ma'am Nadia. Hindi pa rin kami close pero mabait naman siya sa anak ko kaya hinahayaan ko na lang siya.

I went to my room and took a shower, lumabas akong naka-robe lang. Napasilip pa nga ako sa may bintana ko and from there, natatanaw ko iyong pick up ni Fonso na binabaybay iyong pabalik sa kanila. I sighed.

Bakit nga ba kami nag-decide na maging magkaibigan kung tuwing malapit siya sa akin parang palagi akong hindi mapakali? Hindi kasi pwede ang ganito. We're okay being friends. Isa pa, mas tama ito kasi nga nagsimula kami ni Fonso noon as kung anuman kami, hindi kami naging magkaibigan kaya napakadaling nabuwag nang kung anong meron kaming dalawa.

As long as you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon