Kapitulo. Siete

90.3K 3.6K 515
                                    

Damned

Juan Alfonso Birada's

Umuwi kami sa bahay kasama iyong dalawang babaeng iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umuwi kami sa bahay kasama iyong dalawang babaeng iyon. Ayaw na ayaw ni Pepe na makipag-usap sa kanila pero tulad nga ng sinabi ni Jufran ay panahon na para malaman namin ang katotohanan. Sabi ko naman kung magkakaalaman lang rin naman kami, bakit hindi pa kami kay Mamang but then again, lahat kami ay ayaw siyang kausapin tungkol sa bagay na ito. Siguro dahil takot nga kami sa kanya pero sa tingin ko kailangan naming magkaalam para matapos na.

"Upo ho kayo." Sabi ko sa kanila. Ngumiti si Ma'am Celeste. Si Ma'am Nadia ay nakatingin lang sa aming magkakapatid na para bang sinisino niya kami. "May problema po ba?" I asked.

"Tinitingnan ko lang kung sino sa inyo ang kamukha ni Paeng." Sabi ni Ma'am Nadia. "Alam kong narito ang anak ni Paeng."


"Mawalang galang na lang po, paano kayo nakakasiguro na anak ni Don Paeng ang isa sa amin at si Celeste ang nanay namin?" Nababaghang tanong ni Jufran. Alam ko kung anong iniisip niya.


"Sino ba kasi kayo Ma'am Celeste? Ano ninyo ang Papang?" Inis na tanong ni Toto.

"Kaibigan ko ang Papang ninyo. Magkababata kaming dalawa ni Juan noon." Kwento niya. "Kaming apat, si Juan, si Nadia at si Paeng, kami ang magkakasabay lumaki."


"Where does our mother fit in the picture?" I asked them.

"First year high school kami nang lumipat ang pamilya ni Luisa dito sa Bulacan." Si Ma'am Nadia ang nagkwento. "Kasintahan ko na noon si Paeng. Kami ang talagang gusto ng mga pamilya namin para sa isa't isa."

I silently listened to them. I was looking intently at Ma'am Celeste. Ilang beses ko na ba siyang nakita? Bakit pakiramdam ko pamilyar na pamilyar siya sa akin? I sighed. Alam kong nakita ko na siya noon bago ko pa man siya nakita sa litratong ipinakita ni Pepe sa akin, pero saan ko naman siya nakita?

"Oo. Diba may Tita tayo sa Taguig." Sabi ni Pepe. "Si Tita Jocelyn, anak niya si Ate Pau."

"Tapos anong kinalaman ng Papang at ni Don Paeng dito?"

"Dahil bago si Luisa at kakaiba ang ugali, napansin siya ni Paeng noon. Next thing I knew, he broke up with me and he pursued her. Ikinagalit ng pamilya ko ang ginawa ni Paeng pero wala naman silang magawa – wala akong magawa dahil alam kong mahal niya ang Mamang mo."


"So, sila ni Don Paeng ang talagang mag-jowa?" Sabi ni Jufran. Naiiyak na yata talaga siya Magkatabi kami kaya tinapik ko ang balikat niya. Gusto kong sabihin na h'wag niyang isiping hindi siya ang anak ng mga magulang namin. Ilang beses ko nang sinasabi sa sarili ko na hindi ako maniniwala sa kahit anong sasabihin nila sa amin.

'Teka, kung si Mamang at si Don Paeng ang mag-jowa talaga, bakit si Papang ang nakatuluyan ni Mamang?" Tanong ni Toto.

"Hindi rin namin alam." Sabi ni Ma'am Nadia. Umalis si Paeng noon at nagpunta sa Amerika. Akala ko maayos ang usapan nilang dalawa ni Luisa noon. Nagulat na lang ako na pagkatapos ng isang taong pag-alis ni Paeng ay nabalita sa buong Paombong na pakakasalan ni Juan si Luisa. I was really shocked. Celeste and I weren't even invited to their wedding samantalang magkakaibigan naman na kami noon."

As long as you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon