Kapitulo. Nuebe

93.6K 3.7K 1.4K
                                    

I told you so

Juan Alfonso Birada's

Siniko ako ni Mamang dahil ilang beses na akong naghihikad. Ala una nang madaling araw nang makauwi ako sa bahay. Naglakad lang kasi ako mula sa national hiway. Pitong kilometro rin ang nilakad ko. Buti nga nakauwi ako ng safe. Nauna pa nga yatang nakauwi si Mona sa akin.

"Fonso, susuntukin na kita kanina ka pa antok na antok diyan!" She whispered at me. Pinilit kong gisingin ang sarili ko. Si Pepe na nga ang nag-drive ng pick – up ko kaninang papunta kami rito dahil antok na antok pa rin talaga ako.

"Alfonso!"

"Opo, Mang. Sorry." I smiled at her. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Tumingin ako sa pari. Malapit naman nang matapos ang misa pero napapapikit ako. Nakaupo kami roon at hindi ka na napigilan, yumupyop ako sa balikat ni Toto. Umidlip ako sandali at nagising nang bigla na lang may sumampal sa akin. Pagmulat ko ay nakita ko si Mamang, galit na siya.

"Nakakahiya ka. Kung nabubuhay ang Papang mo, pagagalitan ka noon dahil natulog ka sa simbahan!" Napakamot ako ng ulo.

"Sorry na, Mang."

"At ikaw naman, Toto, bakit mo hinayaang matulog ang Kuyang mo?"

"Ma, pagod siya. Siguro po nakabira na naman ito kagabi."

"Ang bastos ng bunganga mo. Paiinumin ko kayo ng holy water. Hala, magsitayo na kayo ay magsipagmano kay Father. Sumunod na kami kay Mamang. Papila pa kaming nagmano sa kanya.

"Ang lalaki ninyo na talaga. Natatandaan ninyo bang sa akin kayo lahat nagpakumunyon, kumpil at siyempre iyong binyag ninyo." Nakangiting sabi ni Father Avila.

"Oo nga, Father. Sa kasal kop o, kayo rin ang kukunin naming pari ng fiancée ko."

"Walang kaso, Antonio. Hala, humayo na kayo at naghihintay na ang Mamang ninyo."

"Bye po, Father." Sabi ni Pepe. Tumalikod kami nang sabay – sabay. Inakbayan ko si Pepe at magkasabay kaming lumabas. Si Jufran ay inaalalayan si Mamang. Si Toto naman ang magda-drive ngayon.

"Mang mamay ko susunduin si Pan. Kaka-text niya lang na kasasakay lang daw niya ng bus."

"Bakit nag-commute?" Tanong ko.

"Natutuwa daw siyang makakita ng natutulog na tao sa bus. Minsan nga Kuya, pinakita sa akin iyong phone niya puro pictures noong taong nakita niyang tulog sa bus. Baliw talaga eh. Pero kinikilig ako." Sabi bigla ni Pepe. Nagkatawanan kami. "Trip na trip sumakay ng tricycle iyon. It's a wonder to her."

"Ganyan, iyan, ganyna ang mga babaeng dapat niyong mahalin, iyong ma-aamaze sa inyo." Sabi ni Mamang. Natawa naman si Toto.

"Bakit ba kailangan magpunta ni Pan dito? Hindi naman siya kilala ni Papang." Sabi pa ni Pepe. Binatukan ko siya.


"Ikaw pa rin ang bunso. Napaka mo!" Sigaw ni Toto.

Nakarating na kami sa kotse. Inalalayan ko si Mamang hanggang sa makasakay siya. Si Pepe ang katabi niya sa likod at si Jufran. Ako naman ay sa harap katabi si Toto. Sa sementeryo na kami dumiretso. Habang palapit kami sa puntod ni Papang ay agad kong namataan si Don Paeng. Nang huminto kami ay saka ko nakitang kasama nita si Mona Lisa tapos iyong dalawang babaeng si Nadia at si Celeste.

"Mang." Sabi ni Jufran.

"Okay lang ako. Asawa ko iyan. Mas may karapatan ako." She said.

Sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan. Si Celeste at nagpahid ng luha nang makita ang Mamang.

As long as you love meWhere stories live. Discover now