Kapitulo. Diecinueve

90.9K 4.4K 1K
                                    

Plumela Rafaelle

Mona Lisa Arandia's

"Nasaan ang Papa?"

Nagluto ako ng paksiw na pata dahil paborito iyon ni Papa. Baka sakaling kausapin na niya ulit ako kapag nagluto ako. I know that he just missed me kaya ganoon siya. Naiintindihan ko rin naman iyong sentiments niya sa biglaang pagpapaalam kong magpakasal. Alam kong nagtatampo na rin siya sa akin dahil nga apat na taon akong hindi umuuwi sa kanya tapos pagdating ko may apo na siya, may fiancé pa ako. I understand Papa, pero naiintindihan ko rin si Tim – mainit ang ulo niya kaya nakapagsagutan sila ni Papa.

"Nasa mga Birada si Papa." Sagot ni Sabelo na kumakain na. "Nagpunta siya doon. Doon na daw muna siya kay Fonso, sa isa pang anak niyang mahal daw siya kahit di palasabi."

Natigilan ako. Si Ross ay nagpunta rin naman sa hapag pero nang makita niya si Tim ay hindi na siya naupo.


"Kain na." Sabi ko.

"Susunod ako kay Papa kina Mamang." Sabi niya sa akin. Napatatda ako. "Sama ka Sab?

"Nagluto si Mona. We should really eat this." Sagot niya kay Ross.


"Nah, Fonso cooks better. I'll go now." Ngumiti si Sab sa akin tapos kinuha niya iyong plato niya at sumunot na rin kay Fonso.I just watched leave. Mayamaya ay dumating na si Tim at si Biga kasama si Mela.

"Hey, gising ka na." Yumakap siya sa akin. "O bakit malungkot ka?"

"Napagalitan ko." Sagot ni Tim.

"Hala? Bakit?"

"Ayaw kasing mag-dress. Alam naman niyang kakain tayo ng dinner." Sabi ni Biga. "But I told time that it's not really a big deal. Medyo napagtaasan niya ng boses si Mela so she's upset."

"Diba sabi ko makikinig ka kay Daddy?"

"Opo." Sagot naman ni Mela.

"You apologize na to Dad,"


"Sorry, Dad," Ngumiti na si Tim kay Mela at umupo siya sa tabi ni Tim.

"Okay. Next time do what I say, okay?"

"Opo! Eat na po."

"Nasaan ang mga kapatid mo?" Tanong ni Tim sa akin.

"They went to get Papa."


"Ayaw niya talaga sa akin." Wika ni Tim.

"Just give him time, Tim. Nagtatampo lang iyon." Sabi ko pa. He just sighed.

"Fine. Tumawag si Mama, sabi ko mamanhikan na kami."

"Duh, hindi pa okay kay Don Paeng." Sabi ni Biga.

"We will give him time, Biga pero tuloy ang plano. We want to get married by December."

"It's your life." Sabi ni Biga. Kumain na kami. Sa totoo lang hindi ako makakain masyado dahil iniisip ko si Papa. Mukhang galit talaga siya sa akin, pati si Ross ay hindi na ako kinakausap.

Nang matapos kaming maghapunan ay nagtanong si Tim kung saan siya pwedeng mag – work.

Pinapunta ko siya sa porch ako naman ay binihisan na si Mela. Malungkot pa rin siya dahil napagalitan siya ni Tim kanina. Pinatulog ko muna siya at saka ako nagpunta sa rooftop ng bahay. Sa rooftop ay kitang – kita ang lupain ng mga birada. May binoculars roon kaya hindi ko natis na silipin ang nangyayari roon.

I saw a bunch of people outside the house. Siguro nagkakasiyahan sila. I couldn't see Papa. I sighed. Sunduin ko na kaya si Papa? Baka kasi sa ganoon mapilitan siyang kausapin ako.

As long as you love meWhere stories live. Discover now