Chapter 12

84 3 2
                                    

Dwayne’s POV

Ang ganda ng gising ko. Day 1 of panliligaw, check.

Bumangon ako agad, at nagpalit ng pang-jogging. Naghilamos ako at nagmumog. I grabbed my ipod and then my rubber shoes.

After 30 minutes, umuwi na ako. Nagpahinga ako panandalian, and made myself a cup of cappuccino. Hinawaan ako ni Des sa pagkatuwa dito e. We happen to share the same interest when it comes to sweets. Naalala ko noon, nagrereklamo mga kaibigan namin pag nasosobrahan sa pagkatamis ang timpla ni Des sa juice, pati si Jus nagreklamo noon, pero ako? Ikinatuwa ko pa.

“Ehem!” Napalingon ako sa kanan ko, and there stood my ate. “Ganda naman ng ngiti mo dyan.”

Uh oh. Mukha siguro akong tanga na nakatulala sa wala, tapos nakangiti. I grinned at her nalang.

“May magandang nangyari?” I answered with a nod. “Iba talaga ang in-love.” She took her coffee na nasa counter then she left me.

In-love ba talaga ako? Ganito ba yun?

Nung mapatingin ako sa mug, may naalala akong gawin. Ibinalak ko kasi kahapon na itext si Des ng ganitong oras.

Me: Morning my Dessidy, drinking from the mug na?

Just as I expected, nagreply agad siya.

Des: Yup, u?

Me: Yep din, kaya kita tinext.

Napangiti ako sa sarili kong text.

Des: :)

Speechless? This rarely happens. Hmmmmm..

Me: Keep smiling it may brighten someone else’s day. Wag lang sobra baka isiping baliw ka.

Des: ....... Parang naman di nila alam na baliw ako :p

Me: Peace tayo. :D

Naalala ko tuloy yun kagabi. Kinuntsaba ko pa si Neil para sa “surprise” ko kay Des. Panay nga ang lingon niya sa paligid niya e. Hindi niya siguro nakitang nakapark sa di kalayuan ang kotse ko.

I saw her na saglit pinagmasdan yun surpresa ko sa kanya, yun dahan-dahan niyang pag-abot nung rose at inamoy niya which made my heart feel elated kasi feeling ko I earned her sweet smile.

Nakita ko rin siya sa verranda nila. Hinantay ko talaga na buksan niya yung box so that I could hit the send button sa phone ko. Nakita ko siyang tumawa nung nakita niya yun sinend ko sa kanya. I also saw her na medyo nanlaki yung mata dahil sa card, and I think she even lightly touched the mug. I watched her take the things I gave her and went inside their living room.

Yung ngiti niya yun nasa isip ko bago ako makatulog. If making her fall for me would be as easy as making her smile..

Dessie’s POV

Langyang Dwayne to.. Aga-aga pakiligin daw ba ako. Ang harot pa, asarin ka ba naman e. Na-speechless kasi ako sa pinaggagagawa niya.

Gusto ko pa naman patagalin panliligaw drama niya. Eh unang ano palang, halos himatayin na ako sa tuwa. Di bale, kaya ko to, susulitin ko panliligaw niya.

Naniniwala kasi ako na kapag pinaghirapan mo, alam mo ang value, kaya hinding-hindi mo hahayaang mapunta sa wala yun pinaghirapan mo.

Tsaka, parang test din ito. To see if we’re really compatible. Ano yun, kiss lang at medyo naging intimate lang, yun na? Hindi ako ganun noh.

Lastly, I really wanna see what else he would do.

Nilagay ko na as ‘close friend’ si Dwayne sa fb. So agad kong nakita na may bago siyang status after niya ako itext.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Am I allowed to fall in love with him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon