Chapter 5

95 1 2
                                    

To my ever bibo cousin. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The parents’ side of the story + Dwayne’s demise of the current situation he landed on.

Cathy’s POV

Isinabay na namin si Ate Minnie sa kotse. Mukhang nakakaramdam na siya na may nangyaring kakaiba kaninang umaga kasi nagmamadali kami kanina umalis para puntahan si Cassie sa mga Vallante.

Ang magaling na bata kasi hindi kami pinatulog. Wala man lang text na makikitulog sa bahay ng mga kaibigang babae o ano. Hindi rin sumasagot sa mga tawag namin.

Muntikan na ngang umalis si Darwin kaninang alas dose y media’t buti nalang napigilan ko, dahil gabi na rin at ilang araw na itong inaatake ng insomnia niya, mag-aalala rin ako sa safety niya pag ganun. Kumuha ako sa medicine cabinet namin ng antihistamine na pwedeng tumulong kay Darwin na makatulog at para na rin ma-alleviate ang discomfort caused by his rhinitis, at iniabot ito sa kanya.

Mukhang gusto niya pang umalma, pero he gave up nalang din. Inassure ko siya na hindi naman ipapahamak nung mga kaibigan niya si Cassie.

Nakatulog na aking esposo pero ako gising na gising parin. Alalang-alala ako para sa bunso ko. At alam kong kapag nakita ko siya, baka mabulyawan ko siya, mapagalitan, o ano.

Kung nandirito lang yun dalawang kuya niya, di siguro kami aligaga tulad ngayon. Hindi ko namalayang nakatulog ako while fervently praying for my youngest child.

Patuloy paring nakikiramdam ang Ate ko, pero di umiimik. Mukhang di nakatiis ang asawa ko.

“Ate, si Aaron at si Cassie na..”

…………………………

“Ano ulit, Dar?”

Natawa si Darwin at inulit ang sinabi.

“HA?! Ah eh, paanong nangyari yon? Parang kahapon lang, walang nobyo si Cas, tapos sila na ni …. Aaron?!” shocked na shocked si Ate.

Pero di nalang ako umimik. Wala ako sa mood pag-usapan ito. Sumang-ayon nalang ako kanina sa pag-uusap ni Dan at Darwin, at alam kong pareho kami ng iniisip ng kababata kong si Arlene, na sana normal ang paglalapit ni Aaron at Cassie.

“Actually, engaged na sila. Pwede mo nang tawaging semi-arranged marriage. Basta Ate. Mahabang storya. Alam ko kasi na nagtataka kami e. Tsaka tahimik ang madaldal mong pamangkin, kaya nabanggit ko ito. Syempre, isa ka dapat sa unang dapat makaalam nito.”

Parang proud pa tong isang to. Hmp. Prinsesa kaya namin yun. Malapit sa puso ko si Aaron, oo, pero bata pa kaya si Cas. Ayoko naman pag-usapan ito with Cas, yun pa, madaldal oo, pero sa mga ganitong bagay tameme ang bata.

My sister nodded understandingly and said no more. Maya-maya, bumaba na siya sa kanto ng paroroonan niya.

Nakarating na kami sa venue ng seminar, and everything went well without hassle. Medyo distracted kami nung husband ko lalo na nung dinner time. We wanted to check on Cassie, but had no time to. So nung pauwi na kami, we phoned her. At pinilosopo lang kami.

Natawa nalang ako sa playful attitude ng bunso namin.

Parang di engaged a! And with that thought naalala ko si Aaron.

Me: Uhmmmm………. Si Dwayne pala? Tumawag na?

Nakakailang, di ako sanay na tawagin ang binata sa first name niya. Si Cassie lang ang tumatawag kay Aaron ng Dwayne eh.

Am I allowed to fall in love with him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon