Inilibot ko nalang ulit sa paligid ang paningin ko. So? Ano na? Saan na ako pupunta? Hindi naman ako pamilyar sa bawat parte ng mansyon na 'to kaya papaano ko malalaman kung saan ako pweding kumuha ng mga gamit na maari kung gamitin panlinis sa sugat ko?

Well, hindi naman sa concern talaga ako dito sa sugat ko. Gusto ko lang talagang manatili muna sa mansyon na ito at baka may makuha pa akong impormasyon na makakatulong saakin. Mas mabuti narin siguro na wala ang epal na iyon dito at ng malaya kong masuyod ng tingin itong mansyon niya. Iyon naman talaga ang sadya ko kung bakit ako nagpunta sa lugar na ito eh.

"Yoosh, let's do this." Maglalakad na sana ako para humanap ng mga impormasyon sa mansyon na ito ng pero hindi ko magawa ng bigla nalang may nagsalita sa likuran ko.

"Good evening, young lady." I jolted out. What the!

Nilingon ko kung sino ang nagsalita na iyon at isang matandang babae ang sumalubong sa paningin ko. Nakasuot siya ng isang pormal na kasuotan na parang pang mayordoma at nakangiti din siya ng abot tenga saakin. Just a glance and I can tell you already that she's a nice person. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong hindi kagaya ng mga bampira ang kulay ng balat niya. Don't tell me-she's a human? Tumawa siya ng mahina na ani mo ay nabasa niya kung ano ang ideyang nasa isipan ko ngayon.

"Come and I'll clean your wound, young lady." Nagsimula na siyang maglakad papunta sa isang direksyon na hindi ko alam kung saan papunta. Ilang minuto muna kaming tahimik na naglakad sa isang pasilyo ng mansyon na ito kung saan tanging maliliit na mga ilaw na nakalagay sa tabi ng hallway na dinadaanan namin.

Ilang minuto pa ay huminto kami sa harapan ng isang pintuan na gawa sa isang mahogany. Hindi nalang ako nag salita pa at sumunod nalang ako ng tahimik sa kaniya. Mukhang mayroon ding maitutulong saakin ang ginang na ito ah. Kung nagtatrabaho nga siya para sa Alpha na iyon ay sigurado akong may nalalaman siya tungkol sa alpha at kung su-swertihin ay baka pati ang lokasyon kung nasaan ang mga royal blooded ay maituro niya din saakin. Mas madali iyon kesa magpapansin sa walang mudong alpha na 'yon.

"Nako! Mukhang naubos na ata ang gamot para sa sugat dito na binili ko sa bayan noong nakaraan." Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang may kung ano siyang tinitignan mula doon sa isang kabinet kung saan nakalagay ang mga gamit panggamot.

"Pasensya ka na at palagi ko kasing nagagamit ang mga iyon para linisin ang mga sugat na natatamo ni Se--

"Anong problema nanay Cecelia?" Hindi na natapos ng ginang na ito ang sasabihin niya pa sana ng bigla nalang umepal ang boses na iyon mula sa sulok ng silid na ito. Pareho kaming napatingin sa dirkesyon niya at hindi na ako nagulat pa ng sumalubong sa paningin ko ang seryuso niyang mukha.

Prente siyang nakasandal sa pader nitong silid at walang emosyon na nakatingin saakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Magpahinga ka na at ako ng bahala sa kaniya, nanay." Ngumiti lang naman ang ginang na nakatayo ngayon sa labi ko tsaka siya marahang yumuko.

This old lady--I don't know but she's somehow familiar to me. Sigurado naman akong hindi ko pa siya nakikita noon pero bakit parang pamilyar siya saakin? Weird.

He closes the distance between the two of us tsaka na naman niya hinila ang kamay ko at sa isang iglap, nasa loob na kami ng isang malaki at magarang kwarto. This is three times wider than my room in skyline village. It has a night sky themed at gawa din sa salamin ang kisame na nakatapat sa isang king size bed na nakalagay sa gitna na bahagi nitong silid. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa desinyo ng kwarto na ito. Sigurado akong kapag nahiga ka sa kama na iyon ay matatanaw mo mula sa labas ang buwan at ang madilim na kalangitan. That sure is cool!

"Sit down woman." Rinig kong utos niya. I darted him a deadly glare. Ano bang tingin saakin ng bampira nato? Isang aso na susunod sa mga utos niya? Kunti nalang talaga at may kalalagyan na sa'kin tong mukong na 'to eh!

NIGHT BLOOD UNIVERSITYWhere stories live. Discover now