Welcome

147 2 2

Raq' s POV

Raqs ito oh, wanted boarders dawSabi ni angel habang naka turo sa tarpaulin na nakasabit sa isang gate na nadaanan lang namin.

Kasalukuyan kaming naglalakad nun papuntang school dahil may practice kami para sa foundation day na mangyayari sa susunod na araw sa school.

Oo nga no, teka kukunin ko yung number, late na tayo! - Sabi ko at dali daling kinuha yung number na kalagay sa tarpaulin at sinave ito at umalis na.

Nung mga panahon kasi na iyon ay naghahanap ako ng boarding house na malapit sa school, dahil masyadong malayo ang bahay ng lola ko at masyadong magastos sa pamasahe.

=========================

Pag dating sa school ay nagsimula na ang practice, late na nga kami ni angel. Kanya-kanyang punta kami sa mga pwesto namin at nag practice na din.

Pagkatapos ng practice ay sabay sabay kaming umupo ng mga barkada ko sa bench.

May nakita kaming " Wanted Boarders" tondo kanina - Sabi ni angel sa mga barkada namin

Talaga? Nakita nyo na? Malaki? - Sabi ni joylene, habang nakatingin sakin, habang ang iba naman ay nakikinig lang.

Hindi ko pa nakita eh, tatawagan ko pa yung may ari kung meron pa ba. - Sabi ko at pinindot ang phone ko para tawagan ang number na nakalagay sa tarpuline kanina.

Habang hinihintay na sagutin ang tinatawagan ay kanya-kanya naman kaming chika para sa gaganapin na foundation day.

Hello? - Sabi ng nasa kabilang linya pagkatapos sagutin, tumahimik naman ang barkada at nakinig sa pag uusapan namin ng nasa kabilang linya.

Ay hello po, nakita ko po kasi yung tarpaulin nyo na "Wanted Boarders" Meron pa po bang bakante? - Paliwanag at tanong ko sa babae sa kabilang linya.

Ahh oo meron pa, 1200 per month nak, kasama na ang tubig at kuryente - Sabi nito, tumingin naman ako sa barkada at umagree naman sila.

Pwede po ba tignan mamaya? - tanong ko dito

Oo naman, alam mo naman saan diba? Kung saan nakalagay yung tarpaulin. - Sabi nito,

Opo, salamat po. - sabi ko at pinatay na ang tawag at tumingin ulit sa mga kasama.

Sama kayo? - tanong ko sa mga ito, kahit na alam kong hindi sila sasama dahil mga strikta ang mga magulang nila. Hahaha

Ako sama ako! - taas kamay ni angel, tumango lang ako at inayos ang gamit para umalis na, ganun din si angel, habang ang iba naming barkada ay nag handa na din lumabas ng school.

===================

Pag dating namin doon ay nakangiti kaming pinapasok ng may ari at dinala kami sa kwartong bakante, pagpasok namin ay malaki nga ito.

Mayroong single kama, lamesa, at upuan, pero hindi kasama dito ang cr dahil pang lahatan daw ito. Marami pa itong sinabi at tinuro kung saan pwedeng mag luto, gamit lamang ang uling, etc. Ay huli ay kinuha ko pa din ito at sinabing lilipat ako sa sabado ng gabi.

Sabado ng gabi

Habang nililipat ng kuya ko ang nga gamit ko sa kwarto, ako naman ay nag lilinis at nilalagyan ng mga kurtina ang mga kailngan lagyan.

Ayos kana ba dito? Sinabi mo na kay mama na lumipat ka? - tanong nito habang tinitignan ang sulok sulok ng kwarto.

Oo, okay naman daw, - sabi ko habang patuloy sa ginagawa.

Okay, nandito na lahat ng gamit mo, aalis nako, may pupuntahan pa ako - sabi nito at inayos ang sarili. Pagka alis ni kuya ay tinuloy ko lang ang ginagawa ko, hanggang mapaganda ito at matapos,

Inayos ko ang kama ko at humiga, tinignan ko muna ang cellphone ko kung meron bang nag text bago matulog.

Habang malalim ang aking tulog ay bigla nalang akong hindi magalaw sa hindi malaman na dahilan, maya maya pa ay may biglang pumatong saking matandang babae na naka kulay itim na damit at itim din na belo, wala syang ginagawa maliban sa pag patong sa akin, dahil nga sa takot ay pilit akong nanlalaban hanggang sa magising ako. Pero nung gumising ako ay nawala ang takot at tinuloy ang tulog.

Sinabi ko ito sa may ari kinaumagahan, meron daw palang kwento dito sa boarding house lalo na sa kwarto ng kagawad.

Baka winelcome kalang nak, baguhan ka kasi - Sabi nito sa akin

Simula nun, wala naman nang ibang nangyari sakin pero may mga kwento din yung isa kong kaboardmate tungkol sa kwarto ng kagawad (anak ng may ari) saka sa isa pa din naming kaboardmate. Hahahaha saka ko nalanh ikwekwento mahaba na masyado eh.

End.

Author's noteGuys, this is a true story of mine, hindi naman talaga sya nakakatakot right? Hahahaha gusto ko lang talaga ishare, ngayon lang kasi ulit ako naka update. Hahaha so ayun saka kona ikwekwento yung kay kagawad saka yung isa pa. Btw this happened last September 3, 2017.

HORROR SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon