Food Feeding

152 2 3

"Libreng pagkain para sa mga mahihirap"

Sigaw ng lalaki habang hawak ang mic, habang nakalatag sa harap nito ang mahabang lamesa na punong puno ng mga kanin na nakalagay sa styro at ulam na nakalagay sa baso,

Nagsilapitan naman ang mga batang kalye, mga babaeng buntis na may bitbit na bata sa kabilang baywang, matatandang may hawak na sigarilyo.

"Kuha na kayo, libre lahat ng ito" - Sigaw ulit ng lalaki at wala pang minuto ay nag dagsaan ang mga batang kanina pa naka tingin sa mga pagkain,

kahit ang mga babaeng buntis ay naki-siksik na din, ganun din ang mga matatanda.

Busy naman ang mga kasama ng lalaki sa pag re-repack ng mga panibagong pagkain at pag lalagay sa lamesa,

Masayang tinignan ng lalaki ang mga taong kumakain at paulit ulit na bumabalik para makakain ulit.

"kuha kalang" - nakangiting sambit nito at nginitian ang batang kumuha ulit ng ulam,

habang busy ang lahat ay biglang may tumawag sa lalaki,

"kamusta?"

"Mabuti naman Ms. M, nasarapan ang mga tao dito sa inihanda nating pagkain para sa kanila" - Masayang balita nito kay Ms. M ang founder nila, at muling tinignan ang paligid.

Mas dumami ang mga tao kaya doble time ang ginagawa ng mga kaama nya

"ang mga bata?"

"Ganado din ito sa pagkain kaya magiging maganda ang kinalabasan nito" - sagot nito

Pagkatapos mag-usap ay bumalik na ang atensyon niya sa trabaho at tinulungan ang mga kasama.

Pag sapit ng hapon ay pagod na pagod ang lahat na niligpit ang dapat ligpitin at umalis na para mag handa mamayang gabi.

-------------------------------------

Gio's Pov

"Gio! bumili ka nga dun ng isang kahang malboro, sa kanto para makamura" - utos nito sa anak labing-anim na gulang na nakaharap sa computer.

Pasado alas-dyes na ng gabi pero marami pa ding bata na naglalaro sa kalye at mga lasenggo na nakadisplay sa labas ng tindahan ni aling nena.

Gusto ko sana na doon nalang bumili para malapit kaso kulang yung perang dala ko, 75 pesos ang benta ng sigarilyo kanila aling nena, habang 55 pesos lang sa kanto.

Habang naglalakad ay tinawag sya ng kaibigan niyang si boknoy, kapwa niya batang kalye,

"Hoy, Gio! dota tayo!" - sigaw na yaya nito sa kanya habang nakaupo sa tapat ng bahay nito na pinag tagpit-tagpi lang ng plywood.

"mamaya na! inutusan pa ako ng tatay ko!" - sigaw na sagot ko dito at pinagpatuloy ang pag lalakad,

pagdating sa kanto ay bumili agad ako ng sigarilyo at naglakad na pauwi. Habang naglalakad ay pansing kong iilan lang ang dumadaan na tricycle, maya maya ay may biglang huminto na puting van sa harap ko.

Kinabahan naman agad ako at binalak na tumakbo pabalik ngunit huli na masyado dahil tinakpan na nila ng puting panyo ang mukha ko

at unti-unting pumikit.

----------------------------------

Pag gising ni gio ay nasilaw sya sa ilaw na naka harap sa kanya, tatakpan niya sana ng kanyang kamay ang ilaw ngunit hindi niya magawa dahil nakatali ang mga ito at ang kanya ding mga paa, ngayon nya lang din napansin na nakahiga sya at nakahubad.

HORROR SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon