Dayo

191 3 0

A/N

Sana magustuhan niyo 'to.

Salamat! :)

-x

Sa lugar ng Quezon City sa may baryo isidro. Mayroong isang dayo ang napadpad doon.

Siya si Mario.

Nagmula 'to sa lugar ng Misamis Oriental, sa kasamaang palad ay namatay na ang kanyang mga magulang.

Ilang araw ang lumipas nang nailibing na ang kanyang mga magulang ay nagdesisyon siya na maghanap ng trabaho at mag bagong buhay.

Wala kasi siyang kakilala sa mga kamag anak niya mula roon.

Hanggang sa umabot sa punto na napadpad siya sa Quezon City.

Bagama't ay nirekomenda siya ng kaibigan niya na pumunta roon dahil daw sa lugar na 'yun ay maraming mga naghahanap ng kliyente.

Pagkababa ni Mario mula sa bus ay namangha kagad siya sa mga tumambad sa kanya. Marahil ay ngayon lang siya nakarating sa lugar ng Quezon.

Sakto kasi sa kanyang paningin ang mga nag gagandahang mga restaurant.

Palinga linga siya sa kanyang paligid. Senyales na hindi niya alam ang naturang lugar. Maya maya'y napatingala siya.

Sa isang kahoy na pahaba ang hitsura, ay doon niya natanto na ang lugar na 'yun ay ang baryo isidro.

Dahil sa pagod na rin sa byahe, naisipan niya na lang muna ng matutuluyan. Kahit man lang ng apartment.

Napapakamot na lang siya sa ulo dahil hindi niya kabisado ang lugar.

Umabot ng ilang minuto ang kanyang paglalakad para makahanap ng tirahan

Pero dahil na rin sa pagod at pagkabagot ay napag isipan na niyang magtanong sa isang lalake.

"Boss, may alam ka bang apartment dito sa baryo isidro?" Tanong niya.

Hindi pa 'to nagsalita dahil tila'y parang may iniisip.

Hanggang sa ilang saglit ay tumango ito bilang sagot.

"Maglakad ka lang ng diretso, tapos pag may nakita ka na ng dalawang kalye, sa kanan ka. Pag may nakita kang pulang gate doon. 'Yun na yun, Basta kumatok ka lang."

"Malapit lang naman 'yun kaya mabilis mong makikita." Patuloy pa ng estranghero na lalake.

Lumipas ang ilang segundo niyang pagsasalita ay nagpasalamat naman itong si Mario.

"Sige ho, Salamat." Sinabayan pa niya ng pagngiti.

Ilang minuto rin siyang naglakad. Marami siyang mga tindahan na nadaanan.

Pero bigla na lang siya natigil dahil nabaling ng kanyang paningin ang isang bilyaran.

Napatitig siya sa mga kalalakihang nag bibilliard.

Doon natuon ang kanyang pansin at sinimulang lumapit doon.

Bata pa lang kasi siya ay kinahihiligan na niya ang maglaro ng billiard. Madalas ay one on one pa sila ng kanyang tatay.

Nakapasok siya sa loob ngunit pinagtiningan lamang siya ng mga tao.

Maya maya'y may lumapit sa kanya.

"Brad, marunong ka ba nito?" Napatingin siya sa isang lalakeng may hawak na tako.

"Oo." Matipid na salita niya. Tahimik lang siya na nanunuod sa mga nagbibilliard.

"Sige nga, brad. Tingnan natin kung sino ang mananalo. Tatapusin ko lang 'to."

Mayabang ang naturang lalake na kumausap sa kanya. Madalas kasi itong manalo sa billiard.

HORROR SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon