Ang babaeng walang ulo sa bakanteng lote

383 6 1

Arman POV

Ako si Arman 20 years old , isa akong dakilang tambay sa baranggay namin , di din ako nakatapos ng pag aaral,hanggang 1st year college lang ang tinapos ko , tapos ayoko na ganun lang! 

habang naglalakad ako pauwi sa amin habang bitbit ang isang plastic ng tinapay ay may biglang sumigaw

Pare p*ta tagay na - sabi ng isang kapitbahay namin , kasing tanda ko lang din sya at TAMBAY din

Tang*ina! ang aga aga  inom na agad? pahinga naman  tropa - Sigaw ko sa kanya , ganyan kame mag usap murahan o kung ano ano pa

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si nanay , paalis na 

Anak ikaw na bahala dito sa bahay ! , late nako sa trabaho ko , mag ingat ka pag aalis ka ok?- paalala ni nanay sa akin,

Opo nay!  ingat ka din po - di ako nakatapos ng pag aaral at tambay ako kahit papaano ay marunung pa din akong magkakumbaba  

salamat! - aalis na dapat sya nung bumalik sya at niyakap ko , nagtataka man ay niayakap ko sya pabalik

anak pag uuwi ka ng gabi ay wag kang dadaan sa bakanteng lote ok ?! - paalala uli ni nanay , tango na lamang ang sinabi ko

Pagkaalis ni nanay ay pumasok na ako sa bahay para kumain, kahit late na si nanay ay nagagawa nya pa ding mag luto ng umagahan , kaya mahal na mahal ko yun e 

maya maya pagkatapos ko kumain ay naupo ako sa sofa para manood  ng tv. Hanggang sa diko na namalayan a nakatulog na pala ako 

=============================
=============================

*tok,tok.tok*

nagising ako sa mga katok na galing sa pinto namin

Hapon na pala ? -  tanging sabi ko at humikab tumayo na ako puntahan ang kanina pa kumakatok.

*tok,tok,tok*

Sandalii!! - sabi ko , pag bukas ko ng pinto bumungad sakin ang kababata ko , parang kanina pa inip na inip

oh! bat ka andito? - sabi ko at pumunta ng kusina para uminom ng tubig

bakit? di na ba ako welcome dito? - sabi nya at dirediretso syang pumasok at umupo sa sofa, di pa dun nagtatapos nakataas ang dalawang paa at nakabukas pa ang tv -_- Senyorito sya dito :3

Hindi! - diretsahan kong sabi sa kanya , at tinungga ung isang basong tubig na hawak ko.

Sya si jc, Simula pagkabata ay kame lang ang mag kasama , halos di kame mapaghiwalay ng mga nanay namin ! , mas matanda ako sa kanya ng isang taon , kaya medyo isip bata pa yan -.-

Awts! - kunwaring nasasaktan sya , bakla tlga neto :3

ano ba tlga pinunta mo dito? - Sabi ko at pinatay yung tv , sayang kuryente :3

Yung kapatid kong si ace birthday nya ngayon sabi ni mama papuntahin daw kita , kaya pinuntahan nalang kita - lintaya nya tapos binuksan nanama yung tv :3

Ayoko ! tinatamad ako - ako at pinatay nanaman ung tv

Ayaw mo? - tanong nya tapos binuksan nanaman yung tv

Ayoko nga! - nabwibwiset na sabi ko,tapos pinatay ko ulit ung tv

Sge alis nako! - tumayo na sya at palabas na ng bahay nung may binabanggit sya at pasipol sipol pa

Sayang andun pa naman si Angel! yung crush mo? - sabi nya habanag nakangisi at palabas na ng bahay.

teka teka! andun sya? - di makapaniwalang sabi ko? 

oo - sya at nakangisi pa din 

sge sama ako wait lang bihis lang ako - sabi ko at nagmamadaling umakyat sa kwarto ko

habang si jc naman binuksan nanaman yung tv. :3

pagkatpos ko mag bihis ay umalis na kame.

===========================
===========================

Pagdating naman sa bahay nila jc ay pumasok agad kami 

Ma Andito na si arman - sigaw ni jc sa mama nya

oh arman ! sge kumain na kayo , andun ung birthday celebrant sa bakuran - sabi ng mama ni jc sa akin.

pagkatapos kumain ay pumunta kame ni jc sa bakuran para makisali sa kanila.

maya maya nakita kona si ace

Ace! - sabi ko, napalingon naman sya at pinuntahan kame ni jc

oh! arman buti naka punta ka :) - nakangiting sabi nya , si ace ay mas matanda sa amin ni jc pero di namin sya kinukuya xD 

haha ou nga e andito daw kase si angel - nahihiya kung sabi 

tinawanan lang nila akong magkapatid at niyaya kame ni ace na uminom kasama ung mga kaibigan nya , 

kung ano ano lang pinag usapan namin , hanggang sa lumalim na ang gabi at nagsiuwian na ang ibang bisita ni ace , at ang iba naming kainuman ay tulog na sa kalasingan. bali apat na lang kaming natitira, maya mya pa lasing na lasing na tlga ako at napadesisyonan ko nang umuwi. Balak pa sana nila akong ihatid pero sabi ko kaya ko na .

habang naglalakad ako sa madilim na kalsada ay bigla akong inaihi, dahil sa dikona kaya ay naghanap ako ng pwedeng maihihan , hanggang sa nakita ko ang bakanteng lote at doon umihi

maya maya na naramdaman akong dumaan sa liguran ko na babae, at dahil dun na nahiya ako dahil babae nga ang dumaan sa liguran ko , 

pero ang pagkahiya ko ay napalitan ng pagkasindak . Dahil pag harap ko babaeng nakabistida na lumulutang at higit sa lahat wlang ULOO!!!!!!!!!!

ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!! - sigaw ko at nagtatakbo pauwi sa bahay .

Hanggang sa makauwi nalang ako sa bahay na takot na takot. doon naabutan ko si nanay na hinintay pla ako.

Napatayo sya nung makita ako na maputla 

Anak anong nangyari?  - kinakabahang tanong ni nanay sa akin , pero parang di ako makapagsalita , dahil tanging laman lang ng utak ko e ung babaeng wala ulo

Anak ano sabing nangyari?  - medyo sigaw na ni nanay at malapit nang tumulo ang mga luha

N—-nay ma-may babae wa-wa-walang u-ulo - takot na takot na sabi ko

jusko! Sabi ko naman sayo wag kang dadaan dun - sabi ni nanay at niyakap ako.

Hanggang sa kiniwento ni nanay ang tungkol dun sa babaeng walang ulo at sa bakanteng lote. Ang sabi sabi noong panahon daw ng hapon, meron daw na babaeng pinugutan ng ulo pagkatapos daw raypin.

Simula noon hindi na ako dumadaan doon sa bakanteng lote pag pumupunta ako sa kanila jc .

A/N : Dont forget to vote guysue :'>

HORROR SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon