lumang bahay

624 11 0

December 2012 noon, may family reunion ang kanyang pamilya kaya napag pasyahan namin na mag punta sa reunion (kakakasal palang namin noon) imbes na mag honeymoon ay napag pasyahan namin na dumalo nalang ng reunion. 

Dahil hapon pa naman ang simula ng party ay napag usapan namin na mag ikot muna sa park sa lugar nila at mauna na sa lumang bahay para ayusin ang gamit namin nasabihan na din kame na doon nalang matulog sa lumang bahay kasama ang mga pinsan at kapatid ng asawa ko para daw kung gusto naming mag puyat ay puwede at walang mabubulabog. 

Bago kame makarating sa lumang bahay ay inabot saakin ng asawa ko yung regalo saakin (mahilig mag regalo ang asawa ko kahit walang okasyon at sinabihan ako na isukat ko para makita niya kung kasha ba o hinde. Pagdating sa lumang bahay nagulat ako kase akala ko ay simpleng bahay lang iyon pero hinde pala ang itchura ng bahay ay parang sa mga spanish style na matataas tapos pinag halong cemento at kahoy capis ang bintana at madaming kuwarto..(first time lang akong dinala doon ng asawa ko) 

Nag doorbell kame sa may gate at lumabas si manong care taker at sinabing tamang tama dahil kakalinis lamang niya ng bahay, iginala niya kame sa buong bahay, luma ang itchura sa labas pero sa loob ay medyo modern may aircon ang bawat kuwarto at may mga tv din. Ipinakita nila saakin yung mga kuwarto ng mother in law ko at yung mga kapatid niya..natakot ako dahil sa bungad palamang ng pinto ay may nakikita na akong isang anyo ng tao na naka hood, ang damit niya ay parang gawa sa parang katcha parang yung suot ng mga pari dati na may naka tali pa sa bewang nila, hinde ko alam kung babae yun o lalake. pero binaliwala ko iyon, dahil luma na ang bahay mejo expected ko na na may makikita akong mga ganoon dahil sa third eye ko. 

Ibinigay saamen ng caretaker ang dating masters bedroon isa iyon sa pinaka malaking kuwarto sa bahay na iyon. Pagdating sa kuwarto nag paalam ako sa maliligo lang saglit para pagdating ng party ay presko na ang pakiramdam ko pero nag sabe ako sa asawa ko na huwag umalis ng kuwarto dahil matatakutin ako. 

Pagpasok ko sa kuwarto mejo nangilabot ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingen saakin pero binalewala ko iyon naisip ko na baka dahil sa luma lang yung bahay at matatakutin ako kaya kung ano ano nararamdaman ko. 

Pagkatapos kong maligo ay sinoot ko ang damit na regalo saakin ng asawa ko para ipakita sa kanya at ayos naman ang damit saktong sakto saakin 

Paglabas ko ng banyo nakita kong nanonood ang asawa ko ng tv kaya tinawag ko siya at nag pa cute ako para makita niya na soot ko ang damit na bigay niya saakin, kaagad niyang kinuha yung camera niya para kuhanan ako, 3 bes niya akong kinuhanan ng picture paro nag taka ako dahil yung itchura ng asawa ko ay parang namutla na hinde ko maintindihan. 

Nang tanungin ko siya kung bakit ay ayaw na niyang ipakita saakin yung camera. naisip ko na baka niloloko lang ako ng asawa ko kaya di ko na pinansin, nag paalam siyang maliligo lang saglit kaya nahiga ako sa kama para matulog. 

Ng mga aros na iyon alam kong nakatulog na ako dahil sa tagal ng byahe namin pero nagising ako dahil yumugyog yung kama, akala ko tumabi na saakin ang asawa pero pag tingen ko sa tabi ko ay wala parin siya. Pumikit ulit ako para ipag patuloy ang tulog ko pero yumugyog ulit ang kama inis na bumangon ako dahil baka niloloko nanaman ako ng asawa ko pero laking gulat ko ng pag bangod ko ay ang nakita akong isang matanda naka puti siyang damit at naka tingen saakin habang niyuyugyog ang kama. 

Dahil sa nakakakita ako minsan para matanggal ang kaba o takot ko ay nakikiusap ako sa mga nakikita ko, sinabi ko na "manong, pasenxa na po kayo kung nagambala kayo sa pag dating namin, makikituloy lang po kame dito ng ilang araw wala po kameng sisirain o guguluhin" 

Pagkasabi kong iyon ay bigla ng nawala yung matandang lalake pero takot parin ako kaya hinde na ako nakatulog inantay ko nalang lumabas ng banyo yung asawa ko, 

HORROR SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon