Isang Basong Dugo

483 6 0

Bugbog-Sarado si ispen.Sarado ang isang mata niya at halos hindi makadilat ang isa pa.Busarga ang kanyang nguso at panay ang tulo ng dugo mula sa kanyang pangong ilong.

"Anong ginawa mo?? -nanggagalaiti si aling candida na nanay ni ispen 

"Sinuntok mo rin sana ang mga walanghiyang iyon? - Halos maiyak ang ina sa paghihimagsik at tawa sa anak

"Sumusobra na sila."

"Marami sila inay hindi  ko sila kaya " - Wika ni ispen sa marahang tinig.
kumikinig ang mga laman ng binatilyo sa sakit ng bugbog sa buong katawan.Pero may higit na masakit sa nadaramang iyon.At iyon ay ang pagmamaliit  sa pagkatao ,ang pagyapak ng kanyng dangal .

Samantala ay panay ang hikbi ni aling candida habang pinupunasan ang namamagang mukha ng anak.binubundol siya ng kalabit ng kunsensya.naisip ng babae na kung kumpleto sana ang pamilya nila,kung nabigyan sana niya ng ama si ispen, marahil ay hindi ito daranasin ng anak.Mula pagkabata ay lagi nang ginagawang katuwaaan ng mga istambay si ispen.Palibhasa ay manipis ang katawan ng anak.

Paano nga ba lalaki at magkakalaman ang mga masel ni espen gayong ni hindi halos ito makakuha ng gatas mula sa kanyang dibdib.Ibig madurog ng puso ni aling candida.Naalala niya kung paano siyang pinagtabuyan ng mga magulang ni crispin, ang tatay ni ispen.Hindi gaanong mayaman ang pinanggalingang pamilya ni crispin pero malaki ang kaangatan kumpara sa kanya.

At Bakit nga hindi, siya ay pobreng labandera na kailngang magkahapong magbabad sa batya para may ipambili ng pagkain. 

Sa Mismong pamilya pa ni crispin siya naglalabada.Ayaw sa kanya ng mga magulang ni crispin at kauna unawa naman iyon.maykaya ang mga ito.mahirap siya.Nag aaral si crispin.Siya ay ni hindi nakahawak  ng lapis Bukod doon ay may kapintasan ang pamilya ng pinanggalingan niya.Ang sabi ng umampon sa kanya noon ay namundok ang mga magulang niya.Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi na may lahing aso ang tatay nila. 

Ang nanay niya ay nalahian nito kung kaya't pagdating ng kabilugan ng buwan ay nagpapalit raw  ng anyo ang mga ito .Nagiging aso raw.Iyon ang dahilan kung bakit piniling mamundok ng mag asawa. Nabalik sa kasalukuyan ang isip ni alin candida nang umunggol ang anak na tila hinahabol ang paghinga.

Tumulo ang luha ay hinagod niya ang dibdib ni ispen,ang noo ,ang ulo nanginginig ang buong katawan ni ispen.kailngang madala niya ito sa doktor. Pero  paano?? Wala siya ni piso sa bulsa.Napahagulgol na lamang ang babae.Lumipas ang magdamag na halos hindi naidlip man lng si  aling candida. 

Nag-aalala siay sa kalagayan ni ispen.Iniisip din niya ang sitwasyon ng anak.Ang magiging bukas nito.Kung ngayon ay ganito na ang pagtrato dito ng kanilang kumonidad,ano ang kahahantungan nito sa bukas?? Mgiging kaawaawa ito o mamatay-tao dahil hindi nakaya ang kaapihang dinaranas.

 Madaling araw.Nakarining si aling candida ng mga ungol sa tapat ng kanilang pinto.Nagtaka siya.Parang galing sa isang malaking aso ang ungol.Marahan siyang sumilip sa siwang ng pintong binuksan.Muntik nang napasigaw si  aling candida ng makita ang isang malaking asong duguan.Sa buong pagkasindak  niya ay nagsalita iyon.

"Candida.Hindi na ako magattagal ang aking buhay. Tigisin mo ang aking dugo at ipainom sa anak mo.Kailngang masalin sa knya ang aking dugo at magpatuloy ang ating lahi! - Natulala si aling candida .Ilang saglit din na nakatunganga lang siya sa harap ng malaking aso.

"Ako ang ama mo" - Sbi ng aso

"Mamamatay na ako.Kailngang masalin sa anak mo ang aking dugo para siya ay mabuhay" - Nang marinig ang tungkol sa anak. Awtomatikong napalingon si aling candida kay ispen na hanggang sa oras na iyon ay nanginginig pa . Dumalas ang kaba ng dibdib ng babae.

"Ako ang iyong ama candida .bumaba ako rito para makita akyong mag ina.Malapit na ang aking katapusan, ang sabi ng malaking aso

"H-hindi...." - halos walang namulas na salita sa mga labi ng babae pero hindi niya makontra ang utos . 

"Kumuha ka ng ng kutsilyo at itarak mo sa aking leeg.at isahod mo ang aking dugo sa isang baso... ipaubos mo kay ispen .Pagkatapos,sunugin mo ang aking katawan para matahimik na ako ng lubos - Tumalima si candida.Pikit matang sinunod niya ang utos.  

Maya-maya pa pilit niyang pinapa inom kay ispen ang dugong naipon sa baso.Matapos mainom ni ispen ang dugo ay parang nagdahilan lang ang binatilyo.Unti unting nawala ang mga pasa,gasgas, pamamaga at mga sugat nito. 

Katulong si ispen ay naguha sila ng mga panggatong. Inilagay nila sa ibabaw noon ang bangkay ng aso.Binuhusan nila ng gas ang mga kahoy saka sininsihan. Dagling nagliyab ang mga kahoy.kasabay noon ay dinilaan ng apoy ang katawan ng asok. 

Napatigil ng hinga ni candida at ispen ng makita ang puting usok na hugis tao.Naging porma iyon ng isang lalaki.Huminto iyon sa ere ang usok na hugis lalaki. Tila tumingin sa mag ina saka kumaway.Awtomatikong kumaway si candida sa usok na kapagkuwan ay unti unting nawala.

"Inay .... - narining ni candida ang tinig ng ispen.Nilingon niya ang anak.

"Magaling na ako inay....wala na akong nararamdamang sakit!!- masayang sambit ng binatilyo niyakap ng ababe ang anak .

Natuwa siya dahil  nasa anyo ni ispen na malakas na ito .waring isa na itong mandidirigma na kumpleto sa armas,

naglaho ang damdamin niya habgng yakap  ang anakat nakatingin sa huling hibla ng usok na naglaho sa papawirin.Hindi alam ni candida kung malulungkot siya dahil nawala ang palatandaan ng pagkakabugbog ng binatilyo. 

Pero hindi nya alam kung lubusan siyang matutuwa dahil mula sa araw na iyon.Ang kanyang ispen ay hindi na ang dating ispen na anak nya.Si ispen ay direktang tagapagmana na ngayon ng dugo ng kanyang ama.At isa sa mga araw na darating ay lalaba ang lahing pinanggalingan nito . ----Lahing Aso!!!!

A/N : Dont forget to vote guysue :'>

HORROR SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon