58.Chelsea's Revenge

Mulai dari awal
                                    

"Pero kung titignan, parang si Sean ang humalik sayo eh.. tignan mo nakakulong ka pa sa braso nya" sabi nya.

"sya nga.." sabi ko.

"Omg!! may gusto sya sayo!? Iba ka girl ah!! Ang gwapo ni Sean infairness!!" kinikilig nyang sabi at hinampas ako.

"wag ka nga Ruffie, kita mong pinoproblema ko ang picture na yan eh.."

"Ay sorry naman.." sabi nya at tumikom ang bibig nya.

"Ano ng gagawin mo ngayon?" tanong nya.

"Mananahimik nalang ako, I'm not into fights"

"What!? dapat awayin mo si Chelsea!! Tara sasamahan kita!!"

"Wag na.. wag na Ruffie, tsaka wag ka muna sumama sakin... ayokong magalit pati sayo si Chelsea"

nawala ang determinadong mata ni Ruffie at malamya akong tinignan.

"O..okay.. basta text mo lang ako pag may nangyari ah.." tumungo ako at naghiwalay kami ng landas ni Ruffie.

Naglakad ako sa corridor at pansin ko ang tinginan ng mga tao. Dinedma ko nalang silang lahat pero hindi parin maiiwasan na maramdaman ko ang pagkadown.

Nang maglunch ay pumunta ako ng cafeteria kaso nakita ko si Chelsea sa isang table kasama ang grupo ng babae at ilang lalaki.

Tatalikod na sana ako para umalis kaso napansin agad ako ni Chelsea.

"Oh.. the slut is here.." tumayo sya bigla na may hawak na papel at lumapit sakin.

"Nakita mo na ba yung balita tungkol sayo? Heto marami akong copy para makita mo" nakangisi nyang sabi at binigay sakin ang isang papel na may picture namin ni Sean.

Kinuha ko yun pero hindi ko manlang tinignan, kay Chelsea lang ako nakatingin ng seryoso.

"ang kapal ng mukha si Sean pa talaga ang nilandi nya"

"maganda kasi kaya madaling nakasulot ng boyfriend ng iba"

"Kabago bago lang dito lumalabas agad ang baho at totoong kulay nya"

Ramdam ko ang atensyon ng lahat ay nasa aming dalawa pakiramdam ko tuloy para ako nasa husgado at may nagawang kasalanan. Kada salita na lumalabas sa bibig nya parang isang saksak sa dignidad ko.

"Sinabi ko na sayo diba? wag mo kong kakalabanin?" mataray nyang bulong at tinapunan ako ng juice sa damit.

Parang wala ako sa sarili ko kaya hindi ko pinansin ang basang damit ko. Ito ang unang beses na mabully ako sa school at hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit mabully.

Nag eecho sa tenga ko ang mga bulungan ng tao sa paligid ko at ang mga sari-saring tawanan nila kaya napapikit ako at nagtakip ng tenga.

"Wala kang lugar dito bitch kaya umalis kana"umalingawngaw ang bulong ni Chelsea sa utak ko kaya tumalikod ako at tumakbo pero may yumakap sakin ng mahigpit at pinigilan ako.

"Stop it Chelsea! Gusto mo ba talagang maexpel sa ginagawa mo!?"narinig ko ang boses ni Sean pero nanatiling nakatago ang mukha ko sa bisig nya.

"Wala akong ginagawang masama!!"sandali akong binitawan ni Sean at tinapon sa sahig ang mga papel na may picture namin at tinapunan lahat ng tubig

"What the hell are you doing!?!"sigaw ni Chelsea.

"sasabihin ko sa daddy mo ang ginagawa mo sakin Sean-"Kinuha rin ni Sean ang phone ni Chelsea ng magd-dial ito at binato sa tiles at tinapak tapakan.

"At sasabihin ko din lahat ng kalokohan mo"pagbabanta din ni Sean.

"You okay?"Hinawakan ni Sean ang magkabilang pisngi ko. Wala ako sa wisyong tumungo tungo.

✔Book ApartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang