32.Shane's Tantrums

379 26 10
                                    

KANINA PA HINDI MAPAKALI si Belle sa sala dahil sa mga binili nyang damit kanina.

Kaya pala wala sya, nag shopping sya kasama si Dre.

"Waahh!! Ano ba kasing bagay sakin!?"iritang sabi ni Belle habang inuusisa ang mga nakalatag na gown sa harap nya.

"Yung violet nga Bee, tsaka kahit ano naman bagay sayo, maputi ka eh"sabi ni Dre na nahihilo narin sa girlfriend nya.

"Eh kasi masyadong pangpatay yata yung kulay e"Belle

"Ikaw bumili nyan.."Dre

"Para san ba kasi?" bored na sabi ko.

"Para sa anniversary ball ng palasyo!! Duh! invited lahat diba!?"Belle.

"Ahh.."yun nalang ang nasabi ko.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto dahil wala rin naman akong gagawin dun.

Sinundan ako ni Churva sa kwarto tapos nagpaikot ikot sya sa kwarto ko.

Wala si Shane dahil kasama sya ni Sean ngayon. Mamamasyal daw sila pero hindi na ako sumama.

Kailangan layuan ko nga si Sean diba?

"Oyt. Churva!" Pinagalitan ko si Churva na kagat kagat si book.

Mabuti at hindi sya nasira at kinagat kagat.

"Tss..pasaway.."

Pinagpag ko si book at binuklat. Doon nabasa ko ulit yung next part.

Dumalo ang dalaga sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Palasyo. Maraming namangha sa taglay nyang ganda at hindi talaga maalis ang tingin ng karamihan lalo na ang mga lalaki sa kanya. Pero isang tao lang ang gusto nyang makita... Ang Prinsipe.

Isinayaw sya nito buong gabi at hindi manlang binigyan ng tyansa ang ibang lalaki na isayaw sya. Ito narin kasi ang gabi na hinihintay ng Prinsipe para aminin ang nararamdaman nya sa dalaga at ayaw nya na magulo ang lahat ayon sa plano.

Bukas na ang anniversary ball. Kailangan masiguro kong makakarating si Merielle para mangyari yung part.

Napabuntong hininga ako ng marealize ang isang bagay.

Kung ganon aamin na pala si Sean bukas. <\3

Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kirot sa puso ko. Siguro hindi nalang ako pupunta bukas no? Masasaktan lang din naman ako sa susunod na mangyayari.

"Arf!Arf!!" natigil ako sa pag iisip ng tumahol si Churva.

Tumutunog kasi yung phone ko na nasa kama kaya tinatahulan nya.

"Ssshh!! quiet Churva!"saway ko at tumahimik naman sya.

Sinagot ko yung tumatawag.

"Chichi?"

Dug.Dug.Dug.

Tss.. abnormal na ako, pati boses nya kinababaliwan ng puso ko >\\<

"Oh Sean? b..bakit?" nagtaka ako dahil may naririnig akong iyak ng bata. Si Shane ba yun?

"Hinahanap ka ni Shane, bigla syang tinopak"sabi nya.

"E..eh? bakit naman?"

"Hindi ko alam! Nasa soccer field kami!dalian mo na bye!"

*hung up*

Napatingin ako kay Book na walang kibo. Hindi ko naman alam kung nandyan sya ngayon o baka nagbakasyon sya~

Hindi ba talaga pwedeng wag akong pumunta? Hindi. Para kay Shane naman kaya ako pupunta, hindi para sa kanya. Tama.

Hindi naman kalayuan ang soccer field dahil malapit lang yun sa park kaya nakarating ako agad.

✔Book ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon