21.I'm Proud of You

410 32 2
                                    

Napadilat ako ng mata ng naramdaman ang malamig na pagdampi sa mukha ko. Nahihilo parin ako at ramdam kong nanghihina pa ang katawan ko.

"Chi!!" agad na may yumakap sakin ng mahigpit.

"J..Jae.. Anong nangyari?nasaan ako?"nanghihina kong sabi.

"nasa bahay ko"

"bahay mo? bakit?"

"nalason ka ng wistaria, isang makamandag na buhay na halaman.. dinala kita dito para gamutin"

"Wistaria?" natatangang sabi ko. Ayun ba yung pumulupot saking halaman at tinusok pa ako ng napakarami?

"Bakit hindi mo naman sinabi na natusok ka ng tinik nun!? Muntik ka ng mamatay alam mo ba yun!?"para syang tatay ko kung pagsabihan ako.

Hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko naman alam na makamandag pala ang halamang iyon.

"Wag kana ngang magpapadalos dalos! Kapag nakaramdam ka ng kakaiba magsabi kana agad! Kung hindi ko naagapan, baka wala ka na sa mundong ito"

"Sorry.."yan nalang ang nasabi ko.

"Pinag alala mo ko, akala ko mamamatay kana, hindi kita dinala sa hospital dahil alam kong ayaw mo sa injection, mabuti at nakahanap ako ng paraan para malunasan ka"

Napangiti ako sa sinabi nya. Napaka bait talaga ni Jaeward. Alam ko, saglit palang kami nagkasama pero sobra na agad sya mag alala.

"Thank you for saving me"sabi ko at niyakap sya. Natutuwa lang ako dahil niligtas nya ako sa kamatayan. Kung wala sya baka teggy na ako dito.

Yun ay kung pwede akong mamatay dito sa loob ng libro diba? Pero thankful parin ako! Affected man ako o hindi sa real life.

"Kumain ka muna, dalawang araw ka ng tulog kaya siguradong nagugutom kana"

2 days na akong tulog!? Oh mon dieu talagang nakakadrain talaga!!

"Kaya pala nagrereklamo na ang tyan ko hehe"mahinang sabi ko na ikinatawa nya.

"luto yan ng kapatid kong si Tin"inabutan nya ako ng pagkain, isang soup. at dahil gutom na ako ay hindi ko na tinanong kung ano yun.

"nasaan si Tin?"

"Nasa bayan, namimili"

"Sandali? pano mo pala ako nagamot? Natanggal mo na ba yung lason?"sabi ko.

"pinasipsip ko sa mga linta yung lason"

napatigil ako ng sabihin nya yun.

Linta!?

"Hindi ko alam kung may natitira pa kaya mamaya ay ipapasipsip---"

"W..wag na!! uuwi na ako mamaya!"sabi ko.

"Chichi hindi pwede, kailangan matanggal lahat ng lason, gusto mo bang mamatay?"

"Bigyan mo ko ng gamot! ayokong sipsipin ng linta!!"

"Tss.. sana pala hindi kana muna nagising"nakangiwing sabi nya.

"Gamot nalang, please.."pakiusap ko.

Ayoko sa linta!! kadiri!!

"Injection nalang kaya?"

"Jae naman!!"

"Chichi, kapag hindi natanggal lahat ng lason sa katawan mo, mamatay ka, gusto mong mamatay?"

"ayaw.."

"yun naman pala eh"

"tss..Pero uuwi na ako ha? dun mo na sa bahay gawin yung linta ek ek"sabi ko.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now