》MEANIE《
"Being in a relationship with you for 90 days is the best 90 days of my life!"
In which writer Jeon Wonwoo and artist Kim Mingyu will live under the same roof for 90 days.
Sequence Duology #1 - Finite (meanie ; ongoing)
Sequence Duology #2...
Tumakbo ako sa kwarto ko at hindi namalayan na lumipas na ang oras at tuluyan na akong nakatulog.
▪▪▪▪▪▪♡▪▪▪▪▪▪
Mingyu
Katatapos ko lang magluto at kagaya ng plano ko, naisipan kong mag-barbeque party. Naghanda na rin ako ng soju para you know, hindi kami maging awkward sa isa't-isa kasi ang dami ko talagang gustong itanong sa kanya.
Umakyat ako sa taas at kumatok sa pinto ng kwarto niya pero parang walang sumasagot. And as expected, tulog-mantika nga ang lolo niyo. Wala naman akong balak gisingin kasi mukhang masarap ang tulog niya. Mukha siyang tuta matulog andi I find it cute.
Kinumutan ko na lamang siya at sinuklay-suklay ang buhok at saka binulong, "Hyung bumaba ka mamaya ha. Hinihintay kita sa may pool, love you."
Akmang aalis na ako ngunit biglang nagsalita si Wonu hyung, "Anong sinabi mo?"
"Sabi ko, bumaba ka na at nakahanda na ang pagkain. Mas maganda kako na sabay tayo kakain."
Napakamot siya at nagtanong muli, "Hindi eh may sinabi ka pa eh."
"Ang cute mo, mukha kang tuta matulog. O hyung, masaya ka na?"
Halata namang nagtataka pa rin siya ngunit tumango na lamang. HAHAHAHAHAHAHAHA
Saka mo na lang alamin hyung kapag kaya mo nang suklian.
▪▪▪▪▪▪♡▪▪▪▪▪▪
Naalimpungatan ako at tiningnan ko ang cellphone ko, alas-2 na pala ng umaga. Lasing na lasing na ako. Ito namang si hyung nakatulog na yata. Naisipan kong buhatin (bridal style) siya at dalhin sa kwarto para makatulog na siya ng maayos.
Halos matumba na nga ako. Hindi ko na ma-balanse ang sarili ko ugh.
"Hoy Gyuuggh ang gwapoooohh mo palah kahit maitim kaaahh HAHAHAHAHAHAHA"
"Re-regaluhan kita ng ishang shakong glutaaah kapag shumweldo ako HAHAHAHAHAHA"
Napaka-mapanlait talaga nitong si hyung. Pero kahit ganyan 'yan at kahit kapag lasing lang siya ganyan mahal ko pa rin 'yan.
"I love you hyung."
"Ano? I love you? Diba 'yan shinabi mo kanina shakin nung tulog ako?"
Hindi ko na talaga kaya, *blackout
▪▪▪▪▪▪♡▪▪▪▪▪▪
Wonwoo's entry
Day 1 - Go out on a date.
Ngayon naglipat na kami ng gamit. Hindi ko alam pero gumaan na rin ang loob ko kay Mingyu. Hindi man kami lumabas para sa isang date ay parang mas masaya naman dahil nakapag-bonding kami ng kaming dalawa lang.
Tina-type ko ito habang nag-uusap kami ni Gyu. Syempre kailangan pa ring magtrabaho. Ang ingay ng lalaking 'to sobra pero kanina napagaan niya ang loob ko. Hindi ko alam kung paano ko ito naita-type kasi hindi naman ako ganito. Dulot na rin siguro ng soju?
Alam niyo bang magaling siyang magluto? Talented din pala ang isang ito. Aaminin ko naubos ko 'yung mga niluto niya kasi nga masarap.
Laking pasasalamat ko at may soju, may maidadahilan ako at mas nakilala ko pa siya. Aminado akong suplado talaga ako pero ngayon hindi halata sa pinagsasabi ko rito.
Masaya siyang kasama, oo. Kaso natatakot ako na baka masaktan siya sa tabi ko.
Unang araw pa lamang pero inaasahan kong magiging masaya kami sa mga susunod pang mga araw.
P.S. May sinabi sa akin kanina si Mingyu, hindi ko talaga maaalala. Kung ano man 'yun, sana malaman ko na kasi hindi ako mapakali!
-jww
✧ *ೃ༄ to be continued✧ *ೃ༄
MGA BESH HELP ME! ANO IPAPAGAWA KO SA MEANIE NAUUBUSAN NA AKO NG TASKS HUHUHU
focus kayo kay hao at wonu sa multimedia HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Grabe ang tagal ko na nasulat 'to kaso ngayon ko lang na-update huhu. Labyu ol
Anla malapit na elyxion, di ako makaka-attend sad! I-hi niyo nalang ako kay chanyeol at baekhyun bebelabs
Eto pala ang bagong cover made by yours truly
Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.