(

30 2 0
                                        

(

Mingyu



Masyado yatang napaaga ang paggayak ko para sa pagkikita namin ni Wonu 'bebelabs quoh'? Okay lang sanay naman na akong maghintay. Pumasok na ako sa SEBONGIE cafe, balita ko nga paborito niya dito. Pinili kong umupo sa may tabi ng bintana kasi napakaganda ng view dito.

Iba't-ibang uri kasi ng tao ang aking makikita sa labas. May nagmamadali, naglalakad, tumatakbo, hinahabol, umiiyak, masaya at lalong may nagmamahal. Sa ganitong paraan ay makapagmumuni-muni ako. Laking gulat ko nang mag-vibrate ang aking cellphone. 

Ohemgeeee ang 'bebe quoh' nag-chat hihi

Bakla man tingnan, ganyan epekto mo sa'kin Jeon Wonwoo.

Jeon Wonwoo

active now

I'll be there in 15 minutes. See u later :)

Seen 11:45 AM

omg babe asan ka na ba? 

/message deleted/

can't wait to see u hihi labyu

 /message deleted/

sanay naman talaga akong maghintay basta ikaw

/message deleted/

ok ;)

Seen 11:47AM

Luh ang torpe mo Mingyu! Hanggang d'yan ka na lang ba?

Hindi ko nalaman na lumipas na pala ang oras. Sabi nya 15 minutes ay nandito na siya ngunit, 30 minutos na ang nakalipas hmp. 


Hindi na ba siya sisipot?

Paano kung may nangyari pa lang masama sakanya?

Kung ano-anong naiisip ko ngunit nawala rin naman nang iluwa ng entrance door ang isang binatang mala-adonis ang mukha. Hala ang gwapo. Parehas kaming gwapo, parehas din kami ng suot hihi. We're destined.

Napalitan ng ngiti ang aking mga labi nang makita ko siya. Ugh, ang lakas ng epekto mo sa'kin I heytchu. Wumagayway ako sa kanya, nakita ko siyang papalapit saakin teka 'di pa ako ready. Hindi ko maiwasang ngumiti at the same time parang tumigil sa paggalaw ang mundo ko.

I'll rephrase that. Hindi tumigil sa paggalaw ang mundo ko, in fact naglalakad siya papalapit sa'kin. Naglalakad 'yung mundo ko. (a/n : naalala ko "Mundo" by IVOS  though i'm not a fan hehe)

Alam ko naramdaman niya rin 'yun.

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit nakapabilis naman yata?  

Hindi mabilis sapagkat matagal ko na siyang kilala. Kilalang-kilala. 

Mahal ko siya, matagal na.

Nang maupo na siya sa harapan ko ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha n'ya. Those fox eyes. 

"If eyes could spit, marahil ay basang-basa na ako." Marahil ay ganyan ang hitsura ng kanyang mga mata sa harap ng iba ngunit sa akin, ibang-iba. Marami itong ikinukubli, mapagpanggap, maraming emosyon ang kaya nitong itago.

FINITE SEQUENCE |meanie ff|Donde viven las historias. Descúbrelo ahora