He really wanted to cry but he can't. He won't. Thinking that no one cares and no one will comfort him.

But then Mingyu felt it. He saw sadness through Wonwoo's eyes. He badly want to comfort him. But he can't. He doesn't know how.

"Bahala na!" sigaw ni Mingyu sa kanyang isipan.

Hinila ni Mingyu si Wonwoo papalapit sa kanya at niyakap. All these time, yakap lang ang kailangan ng nakakatanda na ibinigay naman ni Mingyu.

Imbes na tumigil si Wonwoo sa pagiging malungkot ay parang lalo siyang naiyak. Naiyak siya sa puntong gumagaan ang pakiramdam niya.

Wonwoo felt warm.

He felt secured and

loved.

"Iiyak mo lang 'yan hyung. Andito lang lagi ako sa tabi mo," at iniharap ang nakakatanda sa kanya. Magka-lebel na ang kanilang mga mukha ngayon. Kitang-kita ni Mingyu ang mugtong mga mata ng nakakatanda.

"Hindi kita paiiyakin,"Mingyu whispered then planted a kiss on Wonwoo's forehead.

▪▪▪▪▪▪♡▪▪▪▪▪▪

Wonwoo

"Hindi kita paiiyakin,"Mingyu whispered then planted a kiss on my forehead.

Gago ka Kim Mingyu, bakit ba ng lakas ng epekto mo sa akin to the point na parang gusto nang sumabog ng puso ko?

Hindi tama 'tong nararamdaman ko.

"AT PARA SAAN NAMAN ANG HALIK NA 'YON HA? H'WAG MO TALAGA AKONG PAIIYAKIN KIM MINGYU DAHIL SA ORAS NA GINAWA MO 'YUN HAHABULIN KA NG MGA SUNTOK MAKIKITA MO! TARA NA NGA UMALIS!"

Nang makarating na kami sa bago naming bahay ay halos lumuwa na ang mata ko sa pagkamangha. Malaki itong bahay, tamang-tama lang para sa amin. Ganitong-ganito ang taste ko sa mga bahay, 'yung maaliwalas at makakalanghap ka ng sariwang hangin.

Nagsimula na kami sa paglilipat at pag-aayos ng bahay. Sa sobrang pagod ko ay tumatagaktak na ang aking pawis. Pawis na rin si Mingyu pero bakit parang ang gwapo niya pa rin kahit anong anggulo? Bakit ang unfair naman yata?

"Ugh! Nakakapagod hyung," singhal ni Mingyu habang pinupunasan ang mukha gamit ang kamay.

"Malamang Gyu! Sino ba namang hindi mapapagod kung pati yata kaserola ng lola mo ay dala mo na rin? Ano magpapa-piyesta ka ba ha?," talaga namang inii-stress ako ng unggoy na 'to. Nakakapagod na nga may gana pa siyang gumanyan.

Sa sobrang inis ko ay binalak kong magpahangin muna. Akmang tatalikod na ako nang...

Hinila ako ni Mingyu at pinunasan sa likod gamit ang bimpo.

"Bawal matuyuan ng pawis hyung. Baka magkasakit ka pa."

Tangina oo na, kinilig na ako.

"Date tayo mamaya," walang emosyong yaya ko sakanya.

Don't get me wrong ha! Isa kasi 'yan sa mga request ng readers na nagkataong ako ang naka-receive. Ganito kasi 'yun, araw-araw may task at magse-send iyon sa isa sa amin.

Halata namang kinikilig ang unggoy ngayon aba ang lawak ng ngiti. Kairita!

"Saan ba kasi tayo magda-date hyung? If I know gustong-gusto mo akong solohin," pagbibiro niya.

"Tutal dala mo rin naman ang kaserola ng lola mo, bakit 'di mo na lang ako ipagluto?"

Tumango naman siya at ngumisi na parang bata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FINITE SEQUENCE |meanie ff|Where stories live. Discover now