Kapitulo. Ventitres

Start from the beginning
                                    

"I'm sorry." Sabi ko. "I thought that I was ready." Nakita kong lumuha si Tim pero wala naman siyang sinabi sa akin. Tumalikod lang siya at pumasok sa silid na nakalaan para sa kanya. Mas maigi nang ganito kaysa naman magkasakit pa lalo kami. I tried with him, but then again... How can I? Si Mela lang naman ang mahala para sa akin ngayon.

Bumaba ako para samahan si Papa at Mela. I kissed Papa tapos ay tumabi ako sa kanya at pinanood silang mag-lolo. Naglalaro sila ng sawsaw suka.


"Anak..." Sabi ni Papa sa akin. "Magiging Birada ka pala kapag pinakasalan ka na ni Fonso."

"Pa." Sabi ko. "Wala naman iyon sa plano. I will be here for him pero hindi ibig sabihin noon magkakabalikan kaming dalawa. We can be parents to Mela, pero sa ngayon doon lang iyon." I smiled at him. Hindi nagsalita si Papa.

"Sasama ako bukas, Pa." Sabi ko sa kanya.

"Ako rin naman. Pumayag si Ross na lumuwas ako. Isasama natin si Mela. Mamayang alas sais ang procedure kay Fonso. Kapag nakita ng doctor na may nawala na namang ugat sa kanya, mag – open heart surgery na si Fonso. Hindi naman dapat nangyayari sa kanya ito, napakabata pa ng anak ko." Sabi niya pa. Napabuntong – hininga siya.

"Nag-rapture na kaya nawala iyong ugat, Pa. Maybe he has been experiencing mini – heart attacks pero hindi niya lang sinasabi." Naisip kong matagal na siguro siyang hirap but he chose to stay quiet. Bigla akong nainis kay Fonso. Bakit ba pinaabot niya dito?

Si Papa ay alalang – alala. Si Mela, wala siyang kamuwang – muwang. Nakipag-horsie – horsie pa nga siya kay Sab. Sobrang saya niyang makipaglaro sa lolo at tito niya na nakita na lang namin siyang tulog sa sala pagkatapos naming kumain. Si Tim ay hindi na bumaba mula nang ibalik ko sa kanya ang singsing na suot ko. Nakakalungkot kasi pati yata friendship naming dalawa ay hindi ko na mababawi, sayang na sayang talaga.

Kinuha ko si Mela at iniakyat ko sa silid namin. Pinunasan ko na lang siya habang natutulog. Binihisan ng pajama pero hindi nagising pagod talaga kasi siya. I slept beside her. Nakatulog ako kahit paano, nakatulog ako nang yakap ko ang binigay ni Papa sa akin kanina. Nakakaiyak, nakakalungkot na dumating pa kami sa ganitong sitwasyon.

The next morning, eight pa lang ng umaga ay nag-aayos na kaming lahat dahil aalis na kami. Nagpaalam lang si Mela na pupuntahan sandal si Tim peo kaagad siyang bumalik.

"Mama wala naman si Daddy sa room niya. Wala na din iyong things niya." Sabi ni Mela sa akin. Napalabas tuloy ako ng kwarto para puntahan siya pero tulad nga ng sinabi ni Mela ay wala na roon ang gamit ni Tim, ni hindi ko namalayang umalis na pala siya.

Nakaramdam ako ng kalungkutan pero hindi ko siya pwedeng isipin ngayon. Binalikan ko si Mela sa kwarto. Nakita kong inilagay niya sa bag iyong maliit niyang unan.


"Saan mo dadalhin iyan?"

"Ibibigay ko kay Papa para maging safe siya. Kasi sabi ni Papa Gael, pang safe daw itong pillow ko." Mela went back to her thing. Ngumiti ako tapos ay inayo ko ang buhok niya.

"Pagdating natin doon, kapag pwedeng pumasok kay Papa, kausapin mo siya, sabihin mo nagwewait ka, tapos sabihin mo na papaturo kang mag-horse sa kanya kasi may horse ka na rin kamo sabi ng Lolo Paeng."


"Opo. Galing mag-horse ni Papa, Mama, Tapos bait sa kanya iyong horse na sinakyan namin."

"Oo naman, anak. Super galing ni Papa sa pag-horse talaga."

"Yey! Sige po." Kinuha niya iyong mini bag at saka lumabas ng kwarto. Sumunod ako sa kanya. Sumakay na kami sa van. Magkakaharap kami nila Papa. Si Sab ay nakikipagkwentuhan na kay Mela.


"Ay! Mama... diba si Papa iyong papa ko. Sabi kasi ni Mommy Mari dapat kapag mama, papa, hindi daddy, sabi ni Mommy Faith kapag mama at papa, pwedeng maghingi ng baby brother. Pwede ba akong manghining ng Baby Brother. Kasi birthday ko na. Penge po ng baby brother."

As long as you love meWhere stories live. Discover now