13. Lovely

15.4K 383 9
                                    

ITO NA ANG pinakamasayang araw ni Serena. Well, almost. Dream come true para sa kanya ang makita ng malapitan ang crush na si Siwon Choi. Nahawakan pa nito ang kamay niya. Pero nang matapos ang concert at mapansin na mukhang hindi masaya ang kasama niya ay nakonsensya siya. Hindi nagsasalita si Caleb sa kabila ng mga pagkukuwento niya rito tungkol sa sayang na-experience niya.

"May problema ba?" wika ni Serena sa asawa habang naglalakad sila papunta sa parking lot. Kakaunti na ang tao roon. Hindi kasi niya muna ito niyaya na umuwi kaagad pagkatapos ng concert. She wanted to still feel the moment. Nagtagal pa sila sa venue kahit na wala na ang Super Junior roon.

Hindi nagsalita si Caleb. Nakagat ni Serena ang ibabang labi. Na-guilty siya. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit masama ang loob nito.

"Sinabihan na naman kita 'di ba? Ma-o-OP ka lang doon."

"Okay lang iyon. Ako ang nagpumilit na samahan at bantayan ka. I have to suffer it's consequences."

"Eh ano nga ang problema mo?" Tumigil si Serena sa paglalakad para komprontahin ang asawa. Tumigil rin naman ito.

"Alam mo kung ano ang problema ko."

Kumunot ang noo ni Serena. Paano niya malalaman samantalang wala naman itong sinasabi?

"Pabebe ka, ha."

Kumunot ang noo ni Caleb. "Pabebe?"

Nailagay ni Serena ang kamay sa noo. Iba talaga kapag magka-iba ng henerasyon. "Pabebe means nag-iinarte."

"Ako?" Itinuro ni Caleb ang sarili. "Ikaw nga ang pabebe riyan! Halos ibigay mo na ang kaluluwa mo sa Siwon Choi na iyon!"

Humagikgik si Serena. "Siyempre, crush na crush ko siya at---"

"At nalilimutan mo na asawa mo ako." Malamig ang tinig ni Caleb.

Napatitig si Serena sa asawa. Madilim ang mukha nito. Napakunot-noo siya. "Ano naman ito, Caleb? Hindi ko maintindihan."

"Ayoko ng ginawa mo kanina, Serena." Humalukipkip pa si Caleb.

"Iyong pagsigaw ko kay Siwon? Natural lang iyon. I'm a fan girl. Siwon is my KPOP bias."

"At asawa mo nga ako."

"Nagseselos ka," Conclude ni Serena sa nakikita niyang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang asawa.

Nagtagis ang bagang ni Caleb. Pero hindi ito nagsalita. Nagtuloy-tuloy na sa paglalakad ang lalaki. Sa ginawa nito, lalo lang niyang na-confirm na nagseselos nga ito.

Na-amuse si Serena. Matanda na si Caleb para magselos. Mature na dapat ito. At ang nakakatawa pa, sa isang KPOP star pa nito iyon naramdaman! As if naman na papatulan nga siya ni Siwon kahit na maghubad pa siya sa harap nito.

"I don't know if I am going to say sorry for this." Wika ni Serena nang mahabol si Caleb.

"I don't wish for that. Basta 'wag mo na lang na gawin ulit ito."

"Medyo imposible. Pero sige na nga, sorry na. Huwag ka ng magselos kay Siwon. Hindi puwede. Baka mamaya, hindi mo na ako ibili ng lalabas pa niyang album o mga merchandise tungkol sa kanya..."

"Hah! And you even add salt on the wound. Hindi ka na talaga makakaulit sa akin."

Dapat ay matakot si Serena roon. Nabuhay ang fan girl feels niya dahil kay Caleb. Sinuportahan nito ang iba pang hilig niya. Kahit kasi masasabing mayaman pa rin ang pamilya niya, hindi niya nakukuha ang lahat ng luho. Limitado lang ang allowance na ibinibigay sa kanya ng Daddy niya. Kahit ang pera na pinambili niya ng ticket para sa concert ay pinag-ipunan pa niya. Kung sasama ang loob ni Caleb sa mga hilig niya, maaaring hindi na siya nito suportahan. Hindi na niya makukuha ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Pero mas nanaig kay Serena ang amusement kaysa sa takot.

"Infairness, ang cute mo na magselos..." Natawa si Serena pero hindi pa rin si Caleb. Sa halip, tinitignan lang siya nito. Seryoso ang mukha nito.

Doon nawala ang tawa ni Serena. Lumakas ang tibok ng puso niya sa pagtitig ni Caleb. Ikinatakot niya iyon.

"You are married to me, Serena. You are mine. Entirely and exclusively mine..." Nakakapaso ang titig ni Caleb. Pero mas nakakapaso ang pakiramdam ng labi nito na inangkin ang labi niya pagkatapos.

This is not just fear, nasa isip ni Serena habang magkadikit ang labi nila ng asawa. Kung takot at kaba ang lahat, bakit siya namumula? Bakit nag-iinit ang katawan niya? Bakit may pagkakahawig ang tibok ng puso niya nang makita niya ang ultimate KPOP bias niya kanina? Mas malala pa nga iyon. Parang kulang na lang ay tumalon ang puso niya...sa kilig?

Siguro nga ay kilig ang nararamdaman niya. Pero wala naman na masama 'di ba? Asawa niya si Caleb. Mas maganda pa nga kung ganoon. Ibig sabihin lang noon, may pag-asa ang relasyon nila.

Pero kung lalalim ang lahat ng ito, masasaktan mo lang siya. Bulong ng isang bahagi ng isip ni Serena. Hindi niya maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng isang asawa. Hindi siya ang babaeng kailangan ng isang kagaya nito. Hindi niya ito mabibigyan ng anak. Hindi sila magkakaroon ng masayang pamilya...

Pero wala pa naman sila sa point na iyon. Hindi pa rin siya pinipilit ni Caleb. At tama ba na mag-isip siya ng masama sa masayang moment na ito?

Serena let herself feel the moment. Hindi na niya pinigilan ang sarili. Inamin rin niya sa sarili na siguro nga ay nagiging crush na niya ang asawa. Attracted na siya rito kaya ganito ang nararamdaman niya.

Guwapo si Caleb. Bukod pa roon, mabait rin ito. Napakadaling magkagusto at umibig sa lalaking kagaya nito.

Nag-init ang katawan at pisngi ni Serena. Lumala pa iyon nang tumigil sa paghalik si Caleb. Masuyong tinignan siya nito. Napakaganda ng ngiti sa labi nito.

"Wife, you look really lovely when you blush..." wika ng asawa, sabay haplos sa pisngi niya.

Ang tanging nagawa na lang ni Serena ay ang magpasalamat sa "lovely" feeling na binigay rin ng halik at ngiti ni Caleb sa kanya.

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon