12. At The KPOP Concert

15.2K 395 25
                                    

WRONG decision. Iyon ang nasa isip ni Caleb sa buong maghapon na paghihintay nila ni Serena sa venue ng pinaka-aabangan raw nitong concert. Sa tingin niya, siya ang pinakamatanda sa lahat ng kasama nilang nakapila. Kitang-kita rin niya na siya lang ang lalaki. Well, totoong lalaki. May nakasama silang dalawang lalaki sa pila pero parehong may puso na kagaya ni Serena ang mga ito...

"Hindi ka na dapat sumama. Tignan mo at OP ka," wika ni Serena nang makita nito na naiinip na siya.

"OP?" Kanina pa nagsasabi ang asawa ng mga salitang hindi niya maintindihan.

Hindi na rin mabilang ni Caleb kung ilang beses na inirapan siya ni Serena. "Out of place!"

Tumango-tango si Caleb. Siguro kung may nagugustuhan siya sa pagsama niya kay Serena ngayon ay may natutunan siyang mga bagong lengwahe. Napakarami na palang abbreviation ngayon. Hindi siya updated. Pero ang pinaka-nagustuhan niya ay mas nakilala niya pa si Serena. Friendly naman ang dalaga. Ilang beses nitong kinausap ang mga katabi nila. Magaan ang loob nito agad sa mga iyon. FC o nalaman rin niya na ibig sabihin ay feeling close raw kaagad ang mga ito sa isa't isa.

Marami pang hindi naiintindihan na salita na narinig at nalaman si Caleb mula kay Serena at sa mga kasama nila sa pila. OTP, Ship, ELF, Oppa at Unnie ang mga salitang hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang narinig. Mukhang Filipino at birth pero Korean at heart ang mga ito. OP nga si Caleb. Pero tiniis na lang niya ang lahat dahil nakikita niya na masaya si Serena. Balewala na rin na mahal ang ticket na nabili at ginamit niya para sa concert. Sold-out na kasi ang ticket at naghanap pa siya ng kailangang i-bribe para lang makapasok at masamahan si Serena.

Hindi na rin inalala ni Caleb kung um-absent siya sa trabaho ngayon. May problema ngayon ang kompanya niya. Pero sa tingin niya ay mas lalaki ang alalahanin niya kung mas uunahin niya pa iyon kaysa sa asawa. Natatakot siya na may masamang mangyari rito, lalo na at kakaputok lang ng balita tungkol sa bentahan ng drugs sa concert. Mahirap na. Kilala na niyang rebelde ang asawa. Malaki ang chance na gumamit ito noon. It was bad. She has to stay away from it. Poprotektahan niya ito. Hindi puwedeng may masamang mangyari rito.

Hindi pa man nakakalabas ang KPOP group ay mukhang malapit ng mawalan ng boses ang mga kabataan. Parang sasabog na rin ang tainga ni Caleb sa lakas ng tilian na naririnig sa paligid. Halos lahat rin ng kasama nila sa standing area at kahit sa mga nakaupo ay nakataas ang cell phone para ma-capture ang moment. Nagpresinta na lang siya na humawak ng kay Serena dahil gusto niyang maramdaman nito ang moment. Pumayag ito pagkatapos niyang pumasa sa "photography lessons" na binigay nito sa kanya kanina.

Sadyang binigyan ni Serena si Caleb ng lessons para maganda ang makuha niyang mga larawan at maging post-worthy raw iyon sa Instagram at Facebook Feed nito. Sa pagsisimula ng concert ay pinagamit rin siya nito ng Facebook Live para daw ATM o nalaman niyang ang ibig sabihin naman ay At The Moment ang posts nito.

Nahihirapan ng intindihin ni Caleb ang naririnig sa paligid. Pero nang lumabas ang boy group at parang hihimatayin si Serena sa kilig, pinilit niyang intindihin ang lahat. Malay ba niya kung ang mga sinisigaw nito ay mamatay na pala ito? Pero nang maintindihan ang lahat, parang pinatay naman ang puso niya.

"I love you, Siwon! Marry me!" wika ni Serena nang lumabas ang boy group.

Siniko ni Caleb si Serena. "Tumigil ka. Kasal na tayo."

"'Wag kang kill joy," Inirapan pa siya ng asawa.

Napaawang ang bibig ni Caleb. "But I'm just talking about reality here,"

Hindi tumigil si Serena. Sumigaw pa ito nang sumigaw. Nakataas pa ang dalawang kamay nito at ilang beses na winawagayway. Para bang sa ginagawa nitong iyon ay mapapansin nga ito ng crush na ilang dipa lang ang layo mula sa kinatatayuan nila. "Yuhoo, Siwon! Mrs. Choi is here. Your future is here!"

Dapat ay iniintindi ni Caleb si Serena. Fan ito. Gusto nitong mapansin ng matagal na iniidolo nito. Masaya rin siya kapag masaya si Serena 'di ba?

But he wasn't the reason for that happiness...

Nakaramdam ng inggit si Caleb. Sumasama rin ang loob niya. Napilitan lang si Serena na magpasama sa kanya. Masakit para sa kanya na masaya nga ang asawa, pero hindi naman dahil sa kanya.

Gusto ni Caleb na maging dahilan ng saya ni Serena. Pero paano? Mukhang hindi naman siya type nito. Halatang ang gusto nito ay ang mga kagaya ni Siwon Choi. Singkit, maputi, magaling sumayaw at kumanta. Walang-wala siya roon.

Caleb felt insecure with a KPOP star. He felt stupid. Pero sadyang nagiging tanga yata talaga si Caleb basta si Serena ang usapan.

Asawa niya si Serena. Hindi na siya dapat maging possessive pa. Kontrata ang panlaban niya sa pagkahumaling ni Serena kay Siwon Choi.

He felt crazy being like this. Pero siguro nga ay baliw na talaga siya. He was crazy about her...

The Rebellious Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon