Chapter 54: Inlove

Start from the beginning
                                    

Tila parang nabingi tenga ko sa narinig. Tama ba yung narinig ko? o naghahalucinate lang ako?

"Athena sana payagan mo akong l-ligawan ka"
Ba't ako? Ba't sa dinami-dami ng magandang babae sa Academy, ba't ako pa? Hindi nalang si Kristine?

Nagkunwari akong walang narinig at tumawa ko ng peke.

"Luhh! Ace may lagnat ka ba? Wag kang magjo-joke d'yan ng di kapani-paniwala hahah tara na nga" lalakad na sana ko pero hinawakan niya braso ko.

"Bakit? Hindi mo ba matanggap yung narinig mo? Athena? Bakit may mahal kana bang iba? Si Ralph ba?" tumingin ako sakanya at nakita kong umiiyak siya.

Sheettt! Paano ba 'to?

Halaaa.....

"Ace ba't k-ka ba umiiyak ah? At tsaka ba't napunta yung usapan kay Ralph?" sabi ko ng nakakunot ang noo, di ko pinapansin yung mga luha niya pero nanghihina ako. Ayokong madagdagan yung rason niya kung bakit niya ko nagustuhan kaya ayokong yakapin siya para i-comfort. Hindi dapat ako ang gagawa non.

"Kita ko Athena! Nakikita ko kung paano ka tumingin sa kanya! Ano bang nagustuhan mo kay Ralph? Mabait naman ako ah? At siya? Di siya kamahal-mahal!---"

"Wala kang karapatang sabihan si Ralph ng ganyan patalikod! Kamahal-mahal siya kung mamahalin siya ng isang tao! Ang mali lang dito sa pinagsasabi mo. Wala kong gusto sa kanya! Okay?! Saka ba't mo hinayaan lumampas sa pagkakaibigan 'yang nararamdaman mo?! Alam mo Ace? Let's stop this nonsense arguing, mauna na 'ko . Sana magbago yung nararamdaman mo dahil may mahal na 'ko" pabulong kong sinabi yung pinakahuli kong sinabi at tumalikod na at nagteleport.

Nagsinungaling ako na di ko gusto si Ralph, dahil mahal ko na siya. Hindi ko sinabi ang totoo kay Ace dahil baka si Ralph ang pagbuntungan ng galit ni Ace.

Nasasaktan ako sa mga nasabi ni Ace.

'di siya kamahal-mahal!'

'di siya kamahal-mahal!"

'di siya kamahal-mahal!'

Kung hindi siya kamahal-mahal? Bakit mahal ko na siya? Ba't pag nanjan siya di ko maiwasan siyang di tignan? Pag kami lang dalawa lagi akong kinakabahan? Pag di ko siya makita hinahanap-hanap ko siya?

Bakit sa dinami-daming mamahalin eh yung taong nagsabi sa akin ng weak?

Nainlove ako sa lalaking sinabihan ako ng mahina. Masungit siya pero minahal ko ng di ko nalalaman?
Bakit pag mainit ang ulo niya ang hot niya rin----WTF?!!

Ang dumi ng utakkk moo Athenaaa!!

Pero isa lang nasa isip ko ngayon.

I officially accept the fact that I'm inlove with the Fire Prince.

~~~~KINABUKASAN~~~

Kristine's Pov

Nandito kami sa Mall ng Academy para bumili ng gifts para kay Melissa dear hehehe. Kasama ko si Icy, Ethan, Stacey, Aldrin, Athena and Ralph.

Kanina ko pa napapansin na hindi kumikibo si Ralph especially Athena. I accept na si Ralph ang tahimik, oo masyado siyang tahimik pero iba yung pagiging tahimik niya ngayon e.

Ganto kasi pwesto namin...

Ethan Icy Aldrin Stacey
   Ralph Ako Athena

Nakatingin sa kaliwa si Ralph bakas sa mukha ang lungkot? And then si Athena nakatingin lang sa kanan niya at nakakunot ang noo habang tumitingin tingin sa mga nadadaanan namin. Pero nakikita ko siyang pasulyap-sulyap kay Ralph.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess (ON-HOLD)Where stories live. Discover now