"Where's my little boy, anyway?" Mama asked while we are having our dinner.

Nakita kong napasimangot si Manang sa tanong ni Mama.

Huminga ito ng malalim at tumigil sa pagkain. "Nilalamig na naman ito. Hindi niya gustong lumabas dahil nakakapagod daw na maglakad, Senyora."

Napailing si Mama sa narinig. "Anong sabi ni Doctora? Alam na ba kung ano ang sakit niya?" Tumigil sa pagkain si Mama at uminom ng tubig. Napatigil rin ako sa pagkain at nakinig.

"Tinawagan ko po kagabi, Senyora, pero ang sabi nito ay wala namang ibang sakit iyong bata. Normal daw ang heartbeat nito. Normal rin ang init ng katawan nito. Nagaalala na ako dahil simula noong limang taon niya ay ganyan na iyan." may bahid na lungkot ang bawat bigkas ni Manang sa mga salitang binibitawan niya.

Ano ba ang problema? Normal naman pala pero bakit ganoon ang nararamdaman niya?

"Pang-ilang Doctor na ito at pare-pareho lamang ang sinasabi nito. Malapit narin ang pasukan. Nakarating na ba ang inorder kong heat packs?"

"Opo, Senyora..."

"Good," nilingon ako ni Mama kaya ngumiti ako sakaniya. "Kumain kang mabuti, hija." anito at tumango naman ako.

Nasa loob ng kwarto ni Tres ngayon si Mama at kinakausap ito. Nasa kwarto na ako at handa nang matulog ngunit hindi ako mapakali sa bumabagabag sa isipan ko.

Tama ba iyon? Normal naman pala siya so bakit siya nilalamig? Atsaka, hindi ko maintindihan kung paano niya nakakayang mag isa lamang sa buong buwan at hindi man lang lumalabas. Sigurado bang normal lang iyon o sadyang tamad lang ang lalaking iyon?

Lumipas ang tatlong araw at dumating rin ang araw na sobrang galak na galak ako. Magaaral na ako! Sa totoong paaralan! Ayos lang na wala akong magiging kaibigan dahil sanay naman ako. Ang gusto ko lang ay ang makakita ng totoong paaralan. Magaaral ng may totoong teacher at may cafeteria! Ayos na ako sa mga bagay na iyon. Masaya na ako.

Nakangiti ako habang nakatingin sa sarili sa salamin. I'm wearing my school uniform. The only thing that I am most bothered was it's very short. My skirt is too short that it scares me to even pick up something on the floor because somebody might see my short underwear!

Kulay dark green ang palda, maging ang ribbon ng blouse ko at puti naman ang blouse ko. Ang vest ko naman ay dark green rin atsaka long white socks naman para sa baba.

Paglabas ko ng kwarto ay natigilan ako ng makita ko si Tres na pababa na sa grand staircase. Sobrang lamya ng paglalakad niya na para bang labag sa loob niya ang ginagawa niya. Sumunod ako at maliliit na yapak lamang ang ginagawa ko para hindi ko maagaw ang pansin niya.

Magulo ang buhok niya at medyo basa pa ito. Nasa balikat niya ang vest niya at wala itong dalang bag. Sinalubong kami ni Mang Tesia. Hinampas nito ang kaliwang balikat niya ng makababa siya at halatang pinapagalitan. May katangkaran siya kaya halata sa kaniyang mas matanda siya ng ilang taon sa akin.

Tinuro ako ni Manang Tesia kaya sumikip ang dibdib ko. Baka ito na nga talaga ang totoo niyang ugali! Malalaman na niyang inampon ako ng Mama niya! Mamaltratuhin na niya ako. Sigurado ako.

Nilingon niya ako kaya nag iwas ako ng tingin. Binaling ko ang tingin ko kay Manang at peke ko itong nginitian.

"Sabay na kayong dalawa! Dalian mo, hija! Baka mahuli kayo sa klase niyo," tapos na akong kumain dahil hinatidan ako ni Ate Melan ng almusal bago ako naligo. Nang makalapit ako kay Manang ay hinawakan nito ang braso ko. "Pakabait kayo roon! Magsumbong kayo kung minamaltrato kayo ng mga kaklase niyo, lalo ka na Synthia. Magiingat ka!" Binalingan niya naman si Tres pabalik sakin. Hindi ako makatingin kaya si Manang lang ang tinitignan ko. "Magkaklase kayo ng tamad na ito sa lahat ng subject niyo kaya siguraduhin mong papasok ito, hija. Siguraduhin mo ring magkatabi kayo ng upuan para mabantayan mo ang kapatid mo." Mahabang paalala nito.

Her Name is SlutTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang