LESSON 19- Problem Solved?

4.7K 173 79
                                    

LESSON 19
“Problem Solved?”


HALOS buto na lang ang natitira sa isang braso ni Roxanne nang tigilan iyon ni Gail. Nasanay na siya sa lasa ng laman ng tao at dugo. Nasanay na ang kanyang sikmura. Kung noong una ay nasusuka pa siya, ngayon ay hindi na. Kahit papaano naman ay naibsan niyon ang gutom na kanyang nararamdaman.

Umikot ang kanyang mata sa paligid. Ngayong may lakas na siya kahit papaano ang kailangan naman niyang gawin ay mag-isip ng paraan kung paano siya makakatakas.

Dumako ang mata niya sa box na nasa ibabaw ng lamesa. May mga laman nga pala ang box na naroon. Dalawang kahon na lang ang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Baka isa sa mga laman niyon ay magagamit niya para makatakas.

Ang kailangan lang niyang gawin ay makalapit doon. Inusog niya ulit nang inusog ang upuan palapit sa teacher’s table na nasa unahan.

“Makakatakas din ako dito… Makakatakas din ako…” Paulit-ulit na turan niya.

Panay ang usog niya ng upuan hanggang sa napalakas ang pag-usog niya na naging dahilan para matumba ang upuan kasama siya. Malakas siyang napasigaw nang makita niyang babagsak siya. Humampas ang kaliwang bahagi ng ulo niya sa matigas na semento. Narinig pa niya ang tunog ng pagkabasag ng kanyang bungo sa parteng iyon.

Kukurap-kurap ang mata niya habang unti-unting nanlalabo ang kanyang paningin. Ang huli niyang nakita ay ang pag-agos ng dugo niya sa malamig na sahig.

-----***-----

“OO na, oo na. Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin, Abby. Malapit nang matapos ang break time. Sinakripisyo pa namin ni Marvin ang pagkain naman para lang makausap ka.” Medyo naiinis na sabi ni Maira kay Abby.

“Kaya nga. Nagugutom na nga ako, e.”

“Kapag iyang si Marvin nangayayat, kasalanan mo talaga, Abby!”

Alam naman ni Abby na kasalanan niya kung bakit nagkakaganito ang mga ito. Mabilis niyang inilabas ang notebook sa kanyang bag. “Ang notebook na ito ay ibinigay sa akin ni Nicolo bago siya mamatay. Ang sabi niya sa akin ay huwag kong sasabihin kahit na sino na nasa akin ito dahil katulad niya ay manganganib din ang aking buhay,” pagsisimula niya.

“Anong notebook naman 'yan?” tanong ni Marvin.

“Listahan ba iyan ng mga pautang mo?” biro ni Maira. Mukhang lumalamig na ang ulo nito dahil nagbibiro na.

“Ito ay ang notebook ng killer sa school. Nakalista dito kung sinu-sino ang papatayin niya at nakadetalye rin dito kung paano niya pinatay ang kanyang mga biktima. Napulot lang daw ito ni Nicolo. Tignan niyo…” Iniabot niya kay Maira ang notebook at tinignan nito iyon. Nakitingin na rin si Marvin. “Namatay si Nicolo dahil hawak niya ang notebook na iyan. Nang umamin si Manong Ernie na siya ang killer ay kumuha ako ng sulat niya sa bahay nila. Pinagkumpara ko ang sulat ni Manong Ernie sa sulat sa notebook na iyan at malayong-malayo. Hindi si Manong Ernie ang killer!”

“Kung hindi si Manong Ernie ang killer, e, sino?”

“Hindi ko rin alam, Maira. Iyon nga ang kailangan nating alamin sa ngayon. Ang sabi sa akin ni Nicolo, kapag sigurado na ako kung sino ang may-ari ng notebook na iyan ay humingi agad ako ng tulong sa mga pulis. Kaya huwag na huwag niyong sasabihin sa iba na nasa atin ang notebook na iyan dahil baka matulad tayo kay Nicolo! Mapapansin niyo rin na wala sa listahan sina Nicolo at Laira. Iyan pa ang isang gumugulo sa akin.”

“Baka naman ibang tao ang pumatay sa kanila!” ani Marvin.

“Si Nicolo, siguradong si Manong Ernie ang pumatay. Si Laira, hindi ko alam kung ang pumatay din sa kanya ay ang killer na pumatay kina James at doon sa isa pang babae.”

School Trip VTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang