LESSON 17- Is It Really Over?

5K 169 24
                                    

LESSON 17
“Is It Really Over?”


AYON na rin sa salaysay na sinabi ni Mang Ernie sa mga pulis, nagawa nito ang pagpatay sa mga estudyante sa SCNHS dahil na rin sa paninisi niya sa mga estudyante doon. Ilang taon na rin kasi ang nakakaraan ay nagpakamatay ang anak niya na nag-aaral doon. Ang dahilan? Bullying. Binu-bully ito dahil anak daw ito ng janitor. Kahit wala namang masama sa pagiging anak ng isang janitor ay ginawa pa rin iyong kalait-lait ng ilang estudyante na nagiging kasiyahan ang pang-aapak ng kapwa. Hindi na kinaya ng anak nito ang labis na pambu-bully ng kapwa nito estudyante kaya kinitil nito ang sarili nitong buhay. Nagbigti ito sa sarili nitong kwarto. Naniwala naman ang mga pulis sa dahilan na iyon ni Manong Ernie. Ngunit isang araw lang ang nakakalipas simula nang umamin ito ay kinitil din nito ang sariling buhay. Dadalhin na sana ng isang pulis si Manong Ernie sa kulungan nito nang agawin nito ang baril ng pulis. Binaril nito ang sarili nito sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Tahimik lang na nakaupo sina Abby, Marvin at Maira sa isang bench sa ilalim ng isang mayabong na puno ng mangga sa kanilang school. Nakatingin sila sa malayo. Malungkot silang tatlo dahil kung dati ay lima sila, ngayon ay tatlo na lang.

“Nakaka-miss din pala sina Laira at Nicolo, 'no?” basag ni Marvin sa katahimikang namamagitan sa kanila.

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ni Maira sa kanyang kaliwa. Hindi ito sumagot.
“Pero maganda na rin na nahuli na ang killer. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay nilang dalawa at ng iba pang schoolmate natin na namatay.” Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang pagpapakamatay ni Manong Ernie sa kulungan.

Napansin niya na para bang ang lalim ng iniisip ni Maira. Siniko niya ito. “Bakit parang ang seryoso mo? May problema ka ba? Hindi ka ba masaya na wala na ang pumatay kina Laira at Nicolo?” tanong niya dito.

Marahang umiling si Maira. “Ewan ko ba… Parang hindi lang ako makapaniwala sa nangyari. Parang may mali, e. Bigla-bigla, umamin si Manong Ernie sa pagpatay sa mga estudyante pero hindi naman niya nasabi kung nasaan sina Gail at Roxanne. Kung siya ang killer dapat masasabi niya kung nasaan ang dalawang iyon, 'di ba?”

Mag-iisang linggo na rin kasing nawawala sina Gail at Roxanne. Walang makapagsabi kung nasaan ang mga ito. Misteryosong nawala na lang daw ang dalawa nang minsang pumunta si Roxanne sa bahay nina Gail.

Napakarami talagang hindi magagandang bagay ang nangyayari sa kanilang paaralan. Sunud-sunod at parang hindi na matatapos. Natapos nga ang imbestigasyon sa patayan, ngayon naman ay dalawang estudyante ng school nila ang nawawala at hindi alam kung ano na ang nangyari sa mga iyon.

Pero may point din ang sinabi ni Maira. Nakakapagtaka nga naman na umamin na si Manong Ernie sa patayan pero ang pagkawala nina Gail at Roxanne ay hindi nito alam.

“Hindi kaya, may bagong killer?” Napatingin si Abby sa sinabing iyon ni Marvin.

“Pwedeng oo. Pero paano kung… hindi si Manong Ernie ang totoong killer?” kay Maira naman siya napatingin.

Nahulog tuloy siya sa malalim na pag-iisip.

“Alam ng killer na nasa akin ang notebook niya kaya mag-iingat ka. Kahit kay Maira o Marvin, 'wag mong sasabihin na nasa iyo iyan. Kapag sigurado ka na kung sino ang may-ari niyan, magpatulong ka sa mga pulis!” Walang anu-ano ay pumailanlang sa isipan niya ang sinabing iyon ni Nicolo bago ito namatay.

“'Yong notebook…” Wala sa sarili na sabi niya.

“Anong notebook?” Nagtatakang tanong ni Maira sa kanya.

“Ha?” Umiling siya at pilit na ngumiti. “W-wala. Ang sabi ko, manghihiram pala ako ng notebook ko sa kaklase ko. Hindi kasi ako nakapagsulat kanina ng notes, e. Sige, aalis muna ako. Maiwan ko muna kayo.”

School Trip VOù les histoires vivent. Découvrez maintenant