LESSON 18- Bitch Versus The Original Bitch

4.7K 165 33
                                    

LESSON 18
“Bitch Versus The Original Bitch”


TIGALGAL si Abby sa kanyang natuklasan. Kung hindi si Manong Ernie ang killer, isa lang ang ibig sabihin niyon. Hanggang ngayon ay malaya pa rin ang totoong killer at hindi pa rin ligtas ang mga estudyante ng Santa Clara National High School! Hindi pa tapos ang nangyayaring patayan sa kanilang paaralan. Ngunit kung hindi si Manong Ernie at pumapatay, bakit nito inamin ang krimen na iyon? Bakit nito pinatay si Nicolo? At ang isa pang gumugulo sa isipan niya ay ang listahan ng mga papatayin at pinatay ng killer. Wala doon sina Nicolo at Laira. Ano’ng ibig sabihin niyon?

“Haay!!! Ang sakit sa ulo!” nalilitong napasabunot na si Abby sa kanyang sarili.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan niya si Maira at Marvin. Nag-conference call silang tatlo. Kailangan niyang bigyan ng babala ang dalawa. Hindi na rin niya kayang solohin ang mga naglalarong katanungan sa kanyang isipan kaya sasabihin na niya sa dalawa ang kanyang natuklasan at ang tungkol sa notebook.

Patawarin mo ako kung susuwayin kita, Nicolo… aniya sa kanyang sarili.

“Hello, Abby! Bakit ka napatawag?” tanong ni Maira.

“May kailangan lang akong sabihin sa inyo ni Marvin. Naka-conference ito. Nasa kabilang linya si Marvin.”

“Ano naman 'yon?” tanong ni Marvin.

Bumuntung-hininga muna siya. “Tama ang hinala mo, Maira. Hindi si Manong Ernie ang killer. Hanggang ngayon ay malaya pa rin ang tunay na pumatay sa mga estudyante sa school natin. Hindi pa tayo ligtas sa kanya!” bulalas ni Abby.

“Ha? Paano mo naman nasabi?”

“Mahirap sabihin dito sa phone pero bukas sa school, mag-uusap tayong tatlo. First break time, sa rooftop ng lumang school building!”

-----***-----

PAWISAN at habol ang hininga nang magising si Bridgette ng madaling araw na iyon. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Isang kamay ang humawak sa kanyang balikat na ikinapitlag niya.

“Bridgette?” Si Maika lang pala. Mukhang nagising din ito katulad niya. “Bakit bigla kang nagising?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

“Si Olivia. Napanaginipan ko na naman siya. Humihingi na naman siya ng tulong. Maika, siguro dapat na tayong kumilos. Humingi na tayo ng tulong sa may kakayahan sa ganitong mga bagay. Hindi natin kaya itong dalawa. Malakas talaga ang pakiramdam ko na nahihirapan ang kaluluwa ni Olivia. Kung bakit ay hindi ko alam.” Nababahalang sabi niya.

Tumango si Maika. “Okay. Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa Santa Clara. Tatawagan ko ngayon iyong kakilala kong medium para matulungan tayo.” Bumaba si Maika ng kama ay kinuha nito ang cellphone na nasa maliit na mesa sa tabi ng kama.

-----***-----

KANINA pa lumilipad ang isip ni Abby. Kahit panay ang lecture ng kanilang guro sa uanhan ay hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. Wala doon ang utak niya kundi nasa bagay na kanyang natuklasan. Labis ang awa na nararamdaman niya para kay Manong Ernie at sa pamilya nito. Hindi man niya alam ang dahilan nito sa pag-ako nito sa krimeng hindi nito ginawa ay naaawa pa rin talaga siya dito. Isang inosenteng tao ang nagsakripisyo para sa kasalanan ng iba.

Pero sino nga ba ang killer? Bakit parang malaya itong nakakakilos sa kanilang paaralan? At ano ang motibo nito sa pagpatay?

Kinuha ni Abby ang notebook na ibinigay sa kanya ni Nicolo. Tinignan niya ulit ang listahan ng mga pangalan na naroon. Ano kaya ang basehan ng killer sa pagpili ng mga papatayin nito? Ano ba ang pagkakatulad ng mga pangalan na naroon?

School Trip VWhere stories live. Discover now