LESSON 16- Killer's Notebook

5.1K 170 24
                                    

LESSON 16
“Killer’s Notebook”

“O-ONE. N-number one!” Nanginginig at natatarantang sabi ni Gail nang ikasa ng taong iyon ang baril na hawak nito. Napapikit siya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

Iminulat niya ang kanyang mata para tignan si Roxanne. Katulad niya ay umiiyak na rin ito at hindi na nagsasalita. Mukhang alam na nito ang nangyayari. Katulad nito ay parang pinanghinaan na rin ito ng loob. Paano ba naman kasi sila makakatakas dito? Bukod sa napakahigpit ng pagkakatali sa kanila ay hindi pa nila alam kung nasaan ba sila. Hindi ito isa sa classroom ng SCNHS. Sigurado siya doon.

Takot na lang ang lumulukob sa buo niyang pagkatao. Nawala na ang konsentrasyon niya sa pag-iisip kung paano siya makakatakas.

Natatakot din siya kung paano ba sila papatayin. Natatakot siya kung ano ba ang gagawin nito bago sila tuluyang lagutan ng hininga. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong mamamatay ka na pero ayaw mo pa. Nakakatakot. Ganitong takot din kaya ang nararamdaman ng mga binu-bully ko? Naitanong niya sa kanyang sarili.

Isinantabi ng taong iyon ang tatlong box at inilagay sa gitna ang box na may nakasulat na number one. Binuksan nito iyon at itinaktak ang laman. Thumbtacks. Napakaraming thumbtacks pala ang laman ng kahon na iyon!

Dumampot ito ng ilang piraso at pinaglaruan sa isang kamay. “Hmm… Mukhang magiging maganda ang simula niyong dalawa!”

Dala ang ilang piraso ng thumbtacks ay lumapit ito sa kanya. Yumukod ito nang bahagya at hinawakan ang kanyang kamay. Ipinagdiinan nito iyon sa arm rest na para bang sinisiguro nito na hindi niya iyon maigagalaw.

“Bitiwan mo ako! Anong gagawin mo?!” Pagwawala niya.

Ngunit, ano nga ba ang magagawa ng pagwawala niya? Wala silang kalaban-laban dito.

Panay ang sigaw at iling niya habang si Roxanne ay iyak ng iyak.

Hinawakan nito ang hinlalaki niya. Nanlaki ang mga mata niya nang iumang nito ang isang thumbtacks sa kuko niya sa hinlalaki. Isang malakas na pagsigaw ang kumawala sa lalamunan ni Gail nang dahan-dahan na ibaon nito ang thumbtack sa kanyang kuko. Namuo ang dugo doon. Nanginginig ang buo niyang katawan at hindi maipinta ang mukha niya dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman.

Kumuha ulit ito ng isa pang thumbtacks at ang kuko sa hintuturo naman niya ang tinusukan nito. Katulad ng una ay walang kasing sakit ang naramdaman ni Gail. Nagsalo na ang uhog, pawis at luha sa kanyang mukha. Kahit anong gawin niyang pagmamakaawa ay parang bingi ang taong iyon. Bingi sa pagmamakaawa at hinagpis niya.

“Tama na, p-please…” Nanghihinang turan ni Gail.

Halos hindi niya magawang tignan ang kanyang kanang kamay.

“May tatlo pa, Gail. Tiisin mo na lang ang sakit--”

“Hayop ka! Hayop kaaa!!!” Dahil sa samo’t saring emosyon na lumulukob sa kanya ay minura na niya ang taong iyon.

Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kanyang kaliwang pisngi. Nabingi yata siya sa lakas ng sampal nito sa kanya. Tigalgal siya at napahagulhol na lamang. Parang mas gugustuhin na lang niyang mamatay kesa mahirapan ng ganito. Iyong dalawang thumbtacks pa nga lang ay halos mawalan na siya ng ulirat. Ano pa kaya iyong sinasabi nitong tatlong natitira.

Isinunod nitong tinusukan ng thumbtacks ang kuko sa kanyang gitnang daliri. Ayaw sana niyang sumigaw pero hindi niya napigilan. Ramdam na ramdam niya ang pagbaon ng tulis ng thumbtacks sa kanyang kuko at laman!

Matapos iyon ay ang sunod na daliri naman niya hanggang sa matapos na ito sa hinliliit. Hindi na niya maramdaman ang mga daliri niya doon. Nakakakilabot din na makita na may mga nakabaon na thumbtacks sa sarili mong kuko kaya hindi na lang niya iyon tinitignan.

School Trip VWhere stories live. Discover now