LESSON 12- Her Name Is...

5.4K 189 42
                                    

LESSON 12
“Her Name Is…”

HALOS magkakasabay na dumating sa rooftop ng lumang school building sina Abby, Maira, Marvin at Nicolo. Nakaupo sila sa sahig at sa gitna nila ay ang cartolina na sinulatan nila ng gaya sa ouija board. May baso sa gitna niyon. Ang tanging tanglaw nila ay ang apat na kandila na nasa gilid ng cartolina.

“Sigurado ba kayong alam niyo ang gagawin natin?” Si Nicolo ang bumasag ng katahimikan na kanina pa namamayani sa kanilang apat.

Tumikhim si Maira. “May pinanood akong video sa Youtube. Ang kailangan lang nating gawin ay ipatong sa baso ang isa nating hintuturo at magko-concentrate tayo saka tayo magtatanong. Ganoon lang.” Isa-isa nitong tinignan ang bawat isa sa kanila. “Ano? Sisimulan na ba natin?”

“Pwede bang magdasal muna tayo bago tayo magsimula?” suggest ni Abby na sinang-ayunan naman ng lahat.

Pumikit silang apat habang pinangungahan ni Abby ang isang panalangin. Matapos ang pagdadasal ay sinimulan na nila ang spirit of the glass. Gaya ng sinabi ni Maira ay ipinaton nila sa baso ang kanilang mga hintuturo.

Huminga nang malalim si Abby dahil bigla na lang nagtaasan ang balahibo niya sa kanyang braso. Hindi niya alam kung dahil iyon sa malamig na hangin sa rooftop o may iba pang dahilan.

“Tinatawag namin ang espiritu ng babaeng nandito sa rooftop… maaari ka ba naming makausap?” Pag-uumpisa ni Maira.

Nagkakatinginan sila. Pinapakiramdaman ang kanilang paligid.

Nanatili ang baso sa gitna. Hindi man lang ito gumagalawa.

“Nandito ka na ba?” tanong ni Maira. Wala pa ring nangyayari. “Nandito ka na ba?” Paulit-ulit na tanong nito.

Napailing si Marvin. “Alam niyo, nag-aaksaya lang tayo ng oras dito. Hindi naman totoo ang spirit of the--”

Napanganga kaming lahat nang mabilis na gumalaw ang baso at napunta iyon sa YES.

“S-sinong gumalaw ng baso? Sino?” Nahihintakutang tanong ni Nicolo.

“Hindi ako!” tanggi ni Abby.

“Lalong hindi naman ako!”

“Tumigil nga kayo!” saway ni Maira. “'Wag na 'wag niyong aalisin ang daliri niyo sa baso. Wala sa ating apat ang gumalaw sa baso. Gumalaw ito dahil kasama na natin ang multo dito sa rooftop!”

Sa sinabing iyon ni Maira ay mas lalo siyang kinilabutan. Palihim niyang iginala ang mata niya lalo na sa madidilim na sulok ng rooftop. Itinigil na lang niya ang ginagawa dahil baka may kung ano pa siyang makita na hindi niya magugustuhan. Nag-concentrate na lang siya sa ginagawa nilang magkakaibigan. Ngunit hindi niya maiwasan ang maging malikot ang mata. Para kasing may naririnig siyang bumubulong sa kung saan. Napasinghap siya nang may makita siyang anino na hugis babae sa likod ni Maira. Mabilis itong nawala nang ipikit at imulat niya ang kanyang mata. Itinuon na lang niya ang mata sa baso.

“Ikaw ba ang multo dito sa rooftop?” tanong ni Maira.

Umalis ang baso ang YES pero pumunta ulit ito doon.

“Sino ka? Anong pangalan mo?”

Umuga nang bahagya ang baso bago ito gumalawa papunta sa letrang O, L, I, V, I at A. Matapos iyon ay muling pumunta ang baso sa gitna.

“Olivia…” Magkakasabay na bulalas nilang tatlo.

Pagkasambit nila ng pangalan na iyon ay biglang nabasag ang baso. Ganoon na lang ang pagsigaw nila nang bigla na lang may lumitaw na babae sa gitna nila. Nakasuot ito ng duguang school uniform. Tumutulo pa ang dugo nito sa cartolina kung saan ito nakatayo. Nakayuko ito at ang tanging nakikita lang niya ay ang bibig nito na para bang may sinasabi pero hindi nila marinig.

School Trip VWhere stories live. Discover now