LESSON 07- Rooftop's Ghost

6K 198 23
                                    

LESSON 07
“Rooftop’s Ghost”

“JAMES!” Tawag ni Maira kay James nang makita niya itong palabas na ng classroom nito. Break time na at talagang ipinagpaliban na muna niya ang pagkain para lang hintayin ang lalaki sa paglabas nito sa silid-aralan.

Hindi yata siya nito narinig dahil kausap nito ang kaibigan nitong si Ronnie. Nagtatawanan ang dalawa at mukhang masayang-masaya. Muli niya itong tinawag nang naglalakad na ang dalawa sa may corridor. Lumingon ito ngunit nang makita siya ay mas lalo nitong binilisan ang paglalakad.

Kahit parang umiiwas ito sa kanya ay hinabol niya pa rin ang lalaki. Gusto lang naman niya itong makausap tungkol sa panliligaw nito. Kung desidido na ba talaga itong tumigil sa panliligaw sa kanya. Baka kasi nasulsulan lang ito ni Ronnie at hindi naman talaga iyon ang gusto nito. Gusto na rin naman kasi niya si James kaya napakasakit para sa kanya ang pag-iwas nito. Sasagutin naman niya ito talaga pero pinapatagal lang niya ng kaunti at baka isipin nito na madali siyang makuha. Gusto niya na magkaroon ito ng respeto sa kanya kaya ganoon.

Halos tumakbo na siya maabutan lang si James. Mabilis niyang iniharang ang kanyang sarili sa daraanan nito. “James! Mabuti naman at naabutan kita!” May saya sa puso na turan niya. Parang nakumpleto na agad ang araw niya nang makita ito.

Sumimangot si James at hindi man lang nagsalita. Tinabig siya nito pero naging matigas siya.

“Pwede ba, Maira, umalis ka sa daraanan namin?” anito.

Umiling siya. “Hindi! Ayoko. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi tayo nag-uusap!” Kinuha niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. “James, alam kong mahal mo ako. H-hindi mo naman ako liligawan kung hindi, 'di ba? Si L-laira ba? 'Yong kakambal ko? Kung gusto mo, lalayo na ako sa kanya kung iyon ang gusto mo. James, please…” Kulang na lang ay lumuhod siya sa pagmamakaawa dito.

“Ang gusto ko, ako ang layuan mo! Tumabi ka nga diyan at baka mahawaan pa ako ng pagiging sira-ulo mo!” asik nito sabay bawi ng kamay.

Nakagat ni Maira ang ibabang labi niya upang pigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Nasasaktan siya sa mga salitang binibitiwan ni James. Ibang-iba na ito. Samantalang noong nanliligaw pa ito sa kanya ay puro matatamis na salita ang kanyang naririnig mula dito. Kaya naman mas lalo siyang nahulog kay James. Umeksena lang talaga si Ronnie at nakialam.

Tinapik ni Ronnie sa balikat si James. Bahagya nitong hinila ang lalaki palayo sa kanya. May ibinulong ito kay James at nakikita niya ang ngiti nito na parang may ibig sabihin. Patingin-tingin pa sa kanya si Ronnie at naiilang siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Seryoso lang ang mukha ni James.

“Ano?” Iyon lang ang narinig niyang huliong sinabi ni Ronnie.

Tumango si Ronnie at tinignan ako. “Okay, sige. Kung gusto mo talagang mag-usap tayo. Huwag ngayon,” anito.

“Kailan?” bumangon ang saya sa dibdib ni Maira. Atleast, gusto pa rin pala sioya nitong makausap. Nagkaroon tuloy siya ng pag-asa kahit kaunti.

“M-mamayang gabi. Dito sa school.”

“Ha? Bakit naman dito at mamayang gabi pa?”

“Kung ayaw mo, 'wag mo. Hindi kita pinipilit!”

“Sige, sige! Mamayang gabi! A-anong oras ba? Saan dito?” Kahit nag-aalangan ay pumayag na lang si Laira sa gusto ni James. Wala naman siyang magagawa kundi ang umayon sa sinabi nito.

“Ten o’clock. Sa may rooftop ng lumang building. Sige na, umalis ka na! Tara na, Ronnie,” anito at nilampasan na siya ng dalawa.

“Hihintayin kita dito mamaya, James! Salamat!” pahabol na sigaw niya dito.

School Trip VUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum