Kapitulo. Diecinueve

Start from the beginning
                                    

Bumaba ako. Hindi na ako nagpaalam kay Tim. Pasakay ako nang kotse nang makita ko si Mela sa may front door.

"Anak, bakit gising ka?"


"Wala ako katabi po." Sabi niya. Napabuntong – hininga ako at kinarga siya. Isinakay ko siya sa ikod at umalis na. I drove hanggang sa makarating ako sa lupain ng mga Birada. Napansin kong nag-bonfire sila roon. Nakakatawanan sila. Nag-iinuman pa yata. I saw Papa sitting beside Pepe they were drinking. Bumaba ako.

"Dito ka lang baby ha. Susunduin ko lang si Lolo saka sila Uncles."

"Opo po." Sabi niya. I smiled.

"Pa..." Tinawag ko siya. Tumingin siya sa akin pero di ako pinansin. "Pa, 'wag kang mag – inom. Masama iyan." Wika ko nang makalapit na.

"Oh, kita ninyo? Iyong anak kong pinalaki at minahal ko nang buong puso, nandito tapos surprisingly may pakialam na sa akin."

"Papa naman, don't be like that." Sabi ko.

"Kasi naman Mona, hindi ka umuuwi. Ilang birthday na ba ni Don Paeng ang absent ka?" Tanong sa akin ni Pepe.


"Pa, sa bahay na tayo mag-usap."

"Ayokong makipag-usap sa'yo. Umuwi ka na nga sa La Union." Sabi niya pa. "Doon ka sa ina mo."

"Don Paeng, anong nangyayari?" Nakita kong bumaba si Jufran. Mukhang nagulat siyang nakita ako.

"Oh, nandito ka pala?" Sabi niya pa. "Dumalaw ka ba sa puntod ng Papang?" Tanong niya.

"Hindi pa---"

"Hindi iyan dadalaw roon. Uuwi na iyan nang La Union. Alam mo, Mona, mahal ka namin ng mga kinalakihan mong kapatid, itong mga kapatid mo dito, gusto ka ring mahalin, pero you're making it impossible for us to love you more because you keep on pushing us away."

"Pa naman, alam mo naman kung bakit ako umalis." Sabi ko. "Umalis ako para makaiwas kay Fonso." Mahinang sagot ko.


"What did she say?" Pan asked. Hindi ko napansing naroon na siya ay may dalang hotdog. Sumigaw naman si Pepe.


"Iniiwasan daw niya si Fonso kaya siya umalis ng Paombong at nagpunta kay Ma'am Nadia!"

"Oh! But that's kind of unfair, Mona. Kasi, yes, Fonso treated you so bad, he made a gaga out of you, but then again, your family is here. Uncle Don Paeng misses you everyday but did you even make tawag to him? He isn't Fonso but even you cut him away. He's so sad like seven huhuhuhuhuhu in the end but you don't care na."

"Pa, nami-miss naman kita."

"Nami-miss mo lang ako pero gumagawa ka ba ng paraan para makausap ako o iyong mga kapatid mo?" Tanong niya.


Oo nga. Alam kong kasalanan ko iyon, ako iyong iwas nang iwan but they have to understand that I was only taking care of myself.

"Pa, I was healing my wounds."

"Does that also mean na kakalimutan mo ako? Mona tatay mo ako, kami ang pamilya mo, pero kung umasta ka parang kami ang ibang tao."

Napaluha na ako. I wiped my tears.

"Oh, Mona nandito ka na pala." Sabi ni Mamang Luisa. "Sinusundo ka ng anak mo Paeng, umuwi ka na daw."

"Hindi ako uuwi. Uuwi ako kung gusto ko kesehodang sa kwadra ako matulog hindi ako sasama sa kanya. Ikaw ba naman Luisa, apat na taon kang hindi dinadalaw, tapos pagdating dito may dalang anak, at may bastos pang fiancé, matutuwa ka ba? Kung iyang fiancé mo, tinatawag akong hindi moa ma, pwes umuwi ka na sa saya ng ina mo."


"Ang arte, Paeng ha." Sabi ni Mamang. "Kumain ka na ba?"

"Papa, umuwi na tayo, nagluto ako ng paksiw na pata." Naiiyak ako. Lumabas mula sa bahay si Ross at Sab na may dalang karne ng baboy. Mukhang magba-barbeque sila.

"Si Mona, tara inom!" Sabi ni Sab sa akin.


"Pinaiinom niya si Papa, alam ninyong masama iyon."

"Masama ang loob niya, saka minsan lang naman ito." Sagot ni Sab.

"Go home, Mona. Naghihintay ang fiancé mo!"


"Bakit ba pinaalis ninyo ako?" I hissed. Lumapit ako kay Papa. "Uwi na tayo."

"Ikaw ang unang umalis diba?" Wika ni Papa. "Nakiusap ako noon sa'yo pero dahil mahal kita, hinayaan kita. Hindi ko naman kasi naisip na kakalimutan mo kami. Kaya sige na, umuwi ka na, dito na lang ako kay Fonso, anak ko naman iyon, kahit masama ang loob noon sa akin, hindi niya ako iniwan dati."

"Papa..." Napaluha ako. Nakita kong parating si Fonso kasama si Toto, may dala silang alak saka yelo. Natigilan siya nang makita ako. Pinahid ko ang luha ko. Lumapit ako sa kanya saka siya sinampal.

"Lahat kinuha mo, pati ba naman ang pagmamahal ng Papa ko sa akin?"

"Mona wala akong ginagawa." Matigas na sabi niya.

"Wala? Wala? Lagi namang wala pero tingnan mo kung nasaan ako. Here I am begging for my father to go home with me pero ayaw niya dahil sa'yo! Lahat ba kukunin mo sa akin?!" I hissed at him.

"Lahat kinuha ko, hindi ko man maibalik ng buo at hindi ko matutumbasan kahit kailan pero handa akong pagbayaran." Sabi niya. Lalo akong nainis.


"Pa, uwi na tayo."

"Umuwi ka mag-isa mo!"


"Paeng!" Sigaw ni Luisa. Tumingin lang ako kay Fonso.

"You're so unfair. Apat na taon pero sinasaktan mo pa rin ako. Pa, umuwi na tayo."

"Umuwi ka nga mag-isa mo."

"Let the old man be." Fonso said. Sinampal ko siya ulit.

"Aba, Mona sumosobra ka na!" Sinigawan ako ni Papa. "Apat na taon kang wala, si Fonso nandyan siya, kahit masama ang loob niya, kahit galit siya sa akin, hindi niya ako iniwan, sila ng mga kapatid mo ang nagalaga sa akin noong na-bypass ako tapos gaganyanin mo siya?"

Napatitig ako kay Papa.

"By pass? Heart by pass?"

"That was a year and a half ago." Ross said. "I called you, you were too busy to pick up the phone. We had to through it without you. Two years ago, the horses had this disease, I called you too but you were to busy to talk to me, so don't blame Alfonso for the things he did for Papa or the family kasi wala ka. Someone had to help us, he's our brother and he did nothing but good for us habang ikaw, you were too busy mending your broken heart that you actually forgot about your family. Kami ang pamilya mo kahit na sinaktan ka ni Alfonso dapat hindi mo iyon kinalimutan."

I wiped my tears again.

"Papa, uwi na tayo." I said.

"Mama!" Napalingon ako kay Mela. Tumatakbo siya papunta sa akin. Sinalubong siya ni Pepe.

"Oy, iyong batang cute sa sapa. Alam mo na ba ang pangalan mo?"

"Alam ko naman po talaga palalan ko." Sabi niya.

"Anong palalan mo?" Tanong ni Pepe. Nagpapahid ako ng luha kaya hindi ko siya napagbigyan masyado ng pansin kaya nang ma-realize ko kung anong tinatanong ni Pepe ay huli na, nakasagot na si Mela with feelings pa.

"Mela. Plumela Rafaelle Arandia."

"O TO THE M TO THE G!" Sigaw ni Pan. "That was what Fonso called their first baby Mamang! Plum! Baby Plum! O M G!"

Napalingon ako kay Fonso. Nagtiim ang mga bagang niya.

As long as you love meWhere stories live. Discover now