2. Arranged

23.6K 553 14
                                    

"YOU ARE getting married, Serena."

Napataas ang kilay pero hindi na nagulat si Serena sa narinig sa ama. Pagkatapos ng lahat, mas nakakagulat na kasama niya itong mag-dinner ngayon. Kinakausap rin siya nito. Ni hindi na niya matandaan ang huling pagkakataon na nagkasama sila ng ama sa ganoong pagkakataon.

"Who is the unfortunate guy then?"

"Someone from my league," May ibinigay na folder ang ama sa kanya. "Naririto ang mga information tungkol sa kanya. Nakapag-usap na kami tungkol sa kasal. It will be two weeks from now. Civil wedding,"

Tinignan lang ni Serena ang folder. Ibinalik niya ulit ang tingin sa ama. "What's the catch, Dad?"

"Tutulungan niya na makabangon ang SV Electronics. There will be a merging."

"And for me?"

"He is a rich guy. Makukuha mo na lahat ng mga luho mo..."

Hindi nagsalita si Serena. Napaisip siya, makakabuti ba talaga sa kanya kung papayag siya sa gusto ng Daddy niya? Pero bakit pa ba niya iniisip iyon? Hindi naman iyon mahalaga sa kanyang Daddy. Kailanman ay hindi nito pahahalagahan iyon. Kahit mag-inarte pa siya, alam niya na walang makakapigil rito. Sa bahay nila, ang ama ang palaging nasusunod.

Hindi na rin naman dapat na mag-isip ng masama si Serena. Normal na sa pamilya at society na kinabibilangan niya ang arranged marriage. Just two months ago ay nangyari iyon sa socialite na kaibigang si Hayley. Kung nagulat man si Serena, iyon ay dahil parang napa-aga naman ang kaso niya. Twenty two years old pa lang siya. Napakabata pa niya para mag-asawa.

Pero wala namang pakialam sa kanya ang Daddy niya. Hindi na dapat siya magtaka. Ang gusto lang nito ay ang makakabuti rito at sa kompanya. Wala itong pakialam sa nararamdaman niya.

"All right," wika ni Serena at nagkibit-balikat. "Just call me for the other details,"

Nagtaas ng isang kilay ang Daddy niya. "Wala kang reklamo?"

Pagak na tumawa si Serena. "Para naman na papayag kayo kung magrereklamo man ako. Besides, tama kayo. I need a man who will provide all my luxurious needs..."

Nagkibit-balikat ang ama. "Good."

Nagpaalam na ang Daddy ni Serena. Naiwan siyang mag-isa sa dining room. Napabuntong-hininga siya. Tumingin ulit siya sa folder. Curious siya. Ano kayang klaseng lalaki ang pakakasalan niya? Pero ayaw rin naman niyang madisappoint. For all she know, isang matandang mayaman iyon kagaya na lang ng napangasawa ng kaibigang si Hayley.

Hindi na nagpadala si Serena sa curiosity. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya. Nagmulti-task rin siya. Habang kumakain ay nagba-browse siya ng social media accounts niya.

Nagtagal si Serena sa Instagram. Naagaw ng isang larawan na p-in-ost ng kaibigan niyang si Shakira ang pansin niya.

"So proud of my friend @mrsserena_choi . #ConfidentlyBeautifulWithAHeart" caption ng kaibigan sa larawan.

Si Serena nga ang nasa larawan. Naalala niyang nangyari iyon may ilang araw na ang nakakaraan. It was a stolen shot of her taking care of a helpless baby. Nakita niya itong umiiyak sa parking lot ng isang restaurant. Naawa siya sa sanggol. Hindi ito mapatahan ng bata pa man rin na kapatid nito. Tinulungan niya ito. Nilaro-laro rin niya ang sanggol.

Mukhang kumalat na ang larawan na iyon. Pero sigurado siyang hindi iyon galing kay Shakira. Ni-repost lang nito ang larawan. Wala pang isang oras ay nakakuha na kaagad ng isang libong likes ang kaibigan. But then, Shakira is an instagram model. Famous ito kaya hindi na nakakapagtaka.

Pinag-iisipan ni Serena kung ire-repost rin ba niya ang larawan. She had done a good thing. Dapat ay maging proud siya sa sarili niya. But deep inside her, ayaw niya na makita siya na ganoon. Pakiramdam niya ay hindi siya iyon.

Hindi ka mabuting anak, Serena. Sinira mo ang pamilya natin! Bumalik kay Serena ang mga salitang minsan na narinig niya sa Daddy niya.

Hindi mabait si Serena. But in the end, nakita rin naman ni Serena na binuksan ang application na InstaRepost. Ni-repost niya ang larawan.

Ginawa iyon ni Serena hindi dahil sa gusto niyang makita ng buong mundo na mabait siyang tao. She did it because the photo was instagram-worthy.

The Rebellious Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now