“Yes?”

Tumayo sya at lumipat sa harap. Isa syang batang babae na sa tingin ko ay pinakamatanda sa kanila. 10 to 11 siguro ang edad nya.

“Di ba po ang kay Kuya Duke ay kay Kuya Duke lang? Eh di sa kanya ka lang po at hindi pwede sa iba?” tanong nya at pakiramdam ko ay namula ako ng marinig ang marahan na pagtawa ni Duke. Di ba lagi ko naman sinasabi sa inyo na ang sexy ng tawa nya?

Binitawan nya ang kamay ko at yun ang ginamit nya sa pag-pat ng ulo nung batang babae. “Yup, akin lang sya at hindi sya pwede sa iba.” nakangiting sabi nya at halos sumabog ako sa kilig.

O-M-G!! Napatakip ako ng mukha sa kilig at feeling ko ay sobrang pula ko na. Bakit sobrang effortless lang sa kanya ang pakiligin ako?

“Gusto nyo po ba sya?” tanong ng isa pa sa mga bata na nasa bandang likod. Naku! Kapag sinagot nya pa yan ay baka magtitili na ako dito sa kilig.

Natawa na naman sya, samantalang ako ay hiyang-hiya na. Akala ko ay sasagutin nya yun pero umiling lang sya. Anong ibig sabihin nun? Hindi nya ko gusto?!

“Tama na, kids. Kakantahan ko nalang kayo. What song do you want me to sing?” sabi nya sa mga bata kaya nakalimutan na nila ang unang topic at nagkagulo na sila sa pamimili ng kanta.

Sinimangutan ko sya ng tiningnan nya ako pero nagulat ako ng bigla nya akong kindatan. Pakshet! Bakit nya kailangang gawin yun? Jusko, sobrang illegal na yata ng kagwapuhan nya.

Kinuha nya ang gitara nya sa gilid. Yun yung gitara na ginalaw ko dati at may nakita akong pangalan saka nagalit sya. Hindi ko pa pala sya natatanong tungkol dun pero saka nalang dahil baka masira yung magandang mood nya.

“Bakit yun ang napili mong kanta?” tanong ko sa isang batang lalaki na nag-request ng kakantahin ni Duke.

Namula ang mukha nya at inasar-asar sya nung iba pang mga bata. “Para po yan sa crush nya!” sigaw nung isa at natawa nalang ako. Sobrang nakakatuwa talaga sila.

Tumunog ang gitara ni Duke at mukhang kakanta na sya.

[Grow Old With You - Daniel Padilla]

“I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you”

Nakisabay ang mga bata sa pagkanta sa kanya. Ako naman ay parang natutunaw sa kinauupuan ko dahil sa malalim na pagtitig nya sa akin.

Ngumisi sya ng makita akong halos tuliro na sa pagkakilig sa kanya. Tumingin sya sa mga bata.

“I’ll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you”

Lumapit ako sa kanya saka bumulong.

“Duke, kinikilig ako.” utas ko sa kanya at narinig ko ang bahagyang pagtawa nya sa gitna ng pagkanta nya.

Tuloy pa din ang kantahan ng mga bata pati ang pang-aasar nila sa lalaking nag-request nung kanta.

“I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control”

Para matago ang kilig ko ay nakikanta na din ako. Tumayo pa nga ako at sumabay din sa pagtayo ko ang mga bata at nakikanta din. Halos puro tawanan na ang maririnig kesa sa pagkanta.

“Ang cute nila oh!” tawag ko kay Duke at tinuro ko yung mga bata na sumasayaw din habang kumakanta. Natatawa nalang ako sa kanila.

Ngumiti sya sa akin at tumitig sa mga mata ko habang binibigkas ang huling stanza ng kanta. OMG! I’m melting!

“So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you..”

Nagulat ako ng hindi nya bigkasin ang huling lyrics ng kanta at mas lalo akong nagulat ng bigla syang tumayo at higitin ako papalapit sa kanya.

Napapikit ako at naramdaman ko ang bahagyang pagdidikit ng mga labi namin. Dumilat ako at halos maduling ako sa lapit nya sa mukha ko.

“I wanna grow old with you.” bulong nya sa akin. Iyon ang huling lyrics ng kanta.

Sobra-sobrang kilig na ang nararamdaman ko at napatago nalang ako sa mga balikat nya.

Bumulong ako sa kanya. “Rated SPG yung ginawa mo sa harap ng mga bata.”

*

Comments? <3 #TCAY

P.S: Kitakits sa SM Marilao bukas. Madalang na din ang ud dahil busy haha. xoxo

Thank you kay @AkoyIsangPagong sa cover. Ang ganda talaga!!

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon