MUM - 7

23 3 0
                                    

Unedited po ang chapter 6 and 7. No time para mag edit eh!......





Continuation.....

Masyadong nakampante si Olivia dahil kahit anong tangka ng kaaway ay palagi niya itong natatalo. Kaya hindi niya namalayan ang patagong pagsalakay sa kanya. Lingid sA kanyang kaalaman na ang kapangyarihang taglay ni Draco ay ang kontrolin ang isip ng sinuman at yun ang pagkakamali na kanyang nagawa. Sobra-sobra ang tiwala ni Olivia sa isang tao na pinakamalapit sa puso niya....."

"S-sino ang t-taong iyun?" Sa hindi maipaliwanag na Dahilan bakit ako kinakabahan? Bakit ako nakakaramdam ng takot? Ano to?

Matagal bago naka sagot si Black. Matapos ang ilang Sandaling pamamayani ng katahimikan ay binasag din niya ito.

"Ang taong iyun ay ang kambal wangis ng iyung ama!"

"K-kambal? Wala namang nababanggit na kambal ang aking ama ah!" Nagtataka kung tanong Kay Black!

"Makinig kang mabuti Young Master, dahil medyo komplikado ang susunod kung ipapaliwanag sa iyo....

Ang sinasabi kung kambal-wangis ng iyong ama ay hindi literal na kambal. Kung sa inyung mundo o sa mundo ng mga tao ang tawag dito Ay split personality......"

"Hindi baliw ang tatay ko. Sinungaling ka!" Sigaw ko sa kanya. Wala siyang karapatan na pagsalitaan ng masama ang tatay ko.

"Tama ka, hindi baliw ang tatay mo. Ang sinasabi ko lang parang may split personality ang iyong ama. Dahil nasa wizarding world ang concern natin.....naglalaban ang light at dark spirit ng iyong ama........"

"Light and dark spirit? Ano yun?"

"Iyun ang sinasabi ko na parang split personality. Sobrang paghihirap ang pinagdaanan ng iyong ama matalo lang ang dark spirit na pilit komukontrol sa kanyang katawan........

Kaya kailangan niyang bumalik sa wizarding world kahit na pinagbawalan siyang bumalik doon para narin sa kaligtasan niya at sa inyo."

"Naguguluhan ako, ano ang koneksyon nun sa pagkamatay ng ninuno kong si Olivia?"

"Ang gaya ng tatay mo na may kakayahang kontrolin ang lahat ng elemento ay tinatawag na Elemental Wizard........

Ibig sabihin ng Elemental Wizard ay kaya nilang kontrolin ang lahat ng elemento sa mundo gaya na lamang ng kalupaan, apoy, tubig, Hangin kidlat........

Ang mga elemental wizard ay iisang beses lamang ipinapanganak sa loob ng isang daang taon at may kakahayang mabuhay sa loob ng napakahabang panahon. Eto ang tandaan mo Young Master, walang isisilang na elemental wizard hanggat nabububay pa ang naunang isinilang na Elemental Wizard.

"Ganun kalakas ang kapangyarihan ni tatay?"

"Oo, young Master!"

"Kung ganun, bakit Parang wala akong kapangyarihan? Diba't anak nia ako? Dapat namana ko ang kapangyarihan niya!"

"Dahil nga ang kapangyarihan mo ay nanggagaling Kay Olivia."

"Hindi mo pa nasasagot ang aking tanong Black. Ano ang kinalaman ni Tatay sa pagkamatay ng ninuno kong si Olivia?''

"Pinaniniwalaan na si Draco ay hindi talaga napaslang ni Olivia."

"Sandali, diba sabi mo si Draco ang pumatay sa kanya?"

"Oo, dahil nung malapit ng mamatay si Olivia gumamit siya ng isang Grand Spell na naging dahilan para maisama niya sa hukay si Draco."

"Pero kung naniniwala sila na buhay pa si Draco, Paano naman kaya siya naka-ligtas sa Grand Spell ni ninunong Olivia?"

Magus - UNFOLDING MAGICWhere stories live. Discover now