MUM - 6

29 3 0
                                    

Continuation.......

This is supposed to be a happy day for me, pero anong nangyari? Nasira ang lahat! Sinira ng mga walang hiyang nilalang na naka hood na yun! Sila ba ang kampon ni Morphell?

Teka? Si Morphell kaya iyung pumigil na patayin ni Garuto si nanay kanina? Kung ganun nga, bakit niya ginawa yun? Ano kayang mas masamang plano ang balak niyang gawin sa aking Ina. Baka bihagin din niya si Ina gaya ni ama.

Kaylangan ko silang hanapin. Pero Saan ako magsisimula? Paano ako makakapunta sa wizarding world? May portal ba na dadaanan? Anong gagawin ko? Napuno na ng question mark ang ulo ko.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Mula nang makabalik ako dito, wala na akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Wala naman akong kayang gawin kundi ang umiyak na lang at magdasal na sana ay manatiling ligtas ang aking mga magulang.

Sa tuwing malungkot ako isa lang ang lugar na pinupuntahan ko. Ang batis!

Naupo ako sa isang malapad na bato at doon, lalo ko pang ibinuhos ang aking emosyon.

Natigilan ako ng........

"Nakakaramdam ako ng labis na kalungkutan at pighati!"

Isang boses ng babae ang aking narinig. Bakit ba sa tuwing nag-iisa ako may bigla nalang sumusulpot na kung ano-anong mga nilalang? Ano ba talaga ang pakay nila sa akin? Sa tuwing kaylangan ko naman sila eh wala namang lumalabas para sumaklolo.

"Bakit ka umiiyak munting binata? Sabihin mo sa akin kung ano ang dahilan ng iyung pighati?"

Sinuyod ng Mata ko ang buong paligid Pero wala akong makita.

Tumingala ako sa langit sa pag-Akala na isa naman itong pixie, Pero wala naman.

"Andito ako!"

Dumako ang tingin ko sa gitna ng ilog. Muntik na akong malaglag sa batong kinauupuan ko ng biglang lumitaw ang isang babae sa gitna ng tubig. Mahaba ang buhok nito, ang kinis at ang puti ng kanyang balat, maganda ang hubog ng kanyang katawan, ngunit napansin ko na hindi paa ang kanyang pambaba kundi buntot! Para siyang si little mermaid.

"Inaasahan ko na kakaripas ka na ng takbo dahil sa takot, ngunit kung nanaisin mong tumakbo huwag munang tangkain. Hindi mo ako matatakasan lalo pa't napapalibutan ka ng tubig. Tubig ang aking elemento kaya sinasabi ko sa iyo, huwag mo ng tangkain."

"Hindi ako takot sayo. Hindi lang ako naka-imik agad dahil namangha ako ng husto."

"Totoo ba ang iyong tinuran?"

"Oo, hindi ko inakala na totoo pala ang mga gaya mo? Akala ko sa mga libro at palabas lamang ako makakakita ng sirena, pero heto ka ngayon.....nasa harapan ko!"

"Mabuti naman at napawi ko saglit ang iyong kalungkutan, ngunit maari mo bang sabihin sa akin ang iyung pighati?"

"Mapagkakatiwalaan ba kita?"

"Oo naman, Magus!"

"Kilala mo ako?"

"Lahat kami ay kilala ka Magus."

Sa tingin ko ay nagsasabi ng totoo ang sirenang ito kaya ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Sabi niya, inaasahan na daw nila na maghahasik ng kasamaan si Morphell pero hindi nila akalain na Ganito ka aga ang kanyang pagkilos!

Tila nagmamadali ito. Mukhang may ikinatatakot si Morphell.

"Magus, sa tingin ko ito na ang tamang oras para malaman mo ang totoo."

"Totoo? Anong ibig mong sabihin?''

"Magus, isa kang........"

Isang malakas na ugong ang aking narinig, nakakabinging Tunog!
Sa pagkaka-alam ko, kami lang naman ang nakatira dito. Hindi rin pwedi na si manang Ason dahil ayaw nun sa maingay. Sino naman ang magpapatunog ng tambol?

Magus - UNFOLDING MAGICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon