MUM - 4

36 2 0
                                    

Continuation.....

Kina-umagahan maaga akong nagising. Ang  totoo talaga ay hindi naman talaga ako naka-tulog ng maayos dahil sa kaka-isip ko nangyari sa pamilya ko at sa mga posible pang mangyayari sa amin, ni nanay at Kay tatay. Huwag naman sana nilang gawin Kay tatay ang kinakakatakutan ko.

Natatakot ako sa maaaring mangyari sa tatay at nanay ko pati na rin sa sarili ko, pero dapat akong magpakatatag! Kaylangan kung magpalakas para matalo ko ang kampon ni Morphell.


Sa school......

"Hoy, Magus! Wala na naman ang nanay mo ano?" Panunukso na naman sa akin ni Benjie. Sa araw araw na ginawa ng diyos ay di talaga nagsasawa ang kaklase kung ito na e bully ako. Naging habit na ata talaga niya ang pambubully sa akin. Minsan nga naisip ko kung marunong na sana akong mag magic baka ginawa ko na siyang baboy dahil alam kong bagay iyun sa kanya dahil mataba siya. Halos magkadikit na nga ang ulo niya at ang balikat niya. Di na nga kita ang leeg niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at linisan ko na ang lugar na iyun dahil patapos na din naman ang program. Nalulungkot man dahil nga hindi na naman naka-punta ang nanay dahil nga may raket daw siya, pinilit ko pa ring ngumiti. Inintindi ko parin ang nanay dahil alam ko na para din naman sa aming dalawa ang kanyang ginagawa.

Malapit na ako sa gate ng bigla akong may narinig na mga mahinang pagaspas ng pakpak. O sabihin na nating, maliliit na pakpak.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero Wala naman akong nakita.

"Baka humming bird lang yun!" Sabi ko sa sarili ko.
At tumuloy na palabas sa gate.

May sa kalayuan din ang bahay namin sa school na pinapasukan ko. Dahil nga sa mahirap lang kami kaylangan kong maglakad ng limang kilometro papunta sa eskwela at pauwi sa bahay.

Malapit na ako sa bahay, isang liko nalang at bahay na namin. Pero narinig ko na naman ang mahihinang pagaspas ng mga pakpak. Para bang malapit lang ito sa akin. Pakiramdam ko tuloy, sinusundan ako nito kung ano man ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala na naman akong nakita.

"Baka guni-guni ko lang yun!" Sabi ko sa sarili ko.

"Hindi mo ako guni-guni, Magus!" Sabi ng isang boses.......boses ng isang babae. Pero, gaya kanina wala naman akong tao na nakita. Nagtatago ba siya?

"S-sino ka?" Kinakabahan kung tanong. Wala kasi akong taong nakikita pero meron namang nagsasalita. "M-magpakita ka sa akin!" Nagtatapang-tapangan ako pero sa loob-loob ko ay nanginginig na ako sa takot. Di kaya maligno ito? Hindi naman Sana!

"Andito ako, Magus!" Tawag nito ulit sa pangalan ko.

Tumingala ako at may nakita akong nilalang na lumulutang sa eri. Kulay berdi ang suot niya. Mahaba din ang mga tenga niya katulad ng Kay Black pero makinis ang mukha niya, maganda siya. May pakpak din siya sa likod na gaya ng sa tutubi. Maliit lang siya, sa tingin ko kasing laki lang siya ng aking hinlalaki sa Paa at may habang Lima hanggang anim na pulgada.

"Anong klaseng nilalang ka?" Tanong ko sa kanya.
Medyo nagulat ako sa biglaan niyang pagpapakita. Medyo lang naman kasi sinabi na sa akin ni Black na marami pang kakaibang nilalang na magpapakita sa akin.

"Isa akong Pixie." Naka-ngiting sagot niya sa akin.

"A-anong Pixie?" Naguguluhan kung tanong.

"Sabihin na nating pinsan naming buo ang mga fairies."

"Fairies? Totoo pala ang mga fairies?"

"Oo naman, pero di gaya ng mga fairy maliliit kaming mga Pixie."

Magus - UNFOLDING MAGICWhere stories live. Discover now