[P.D] CHAPTER 17: INESCAPABLE TOWN

Start from the beginning
                                    

Aray. Ang sakit nun ah.

"Are you alright?" tanong niya habang ina-alalayan niya akong tumayo. Tinanguan ko naman siya.

"Ano naman 'yun?" tanong ko sa kanya.

"Obviously, an explosion." pilosopo niyang sagot.

Sira talaga ulo ng lalaking 'to. Kala mo walang nangyari eh. Cool lang ng dating habang ako dito, natataranta na.

"Look out!" sigaw ni Eigen at bigla niya akong tinulak.

*boooogsh*

May nagpasabog nanaman sa amin kung nasaan kami kanina.

"Eigen!" tawag ko sa kanya.

Nakita ko siya sa di kalayuan na umuubo gawa ng makapal na usok. Nag-thumbs up siya sakin para iparating na ayos lang siya. Ibinuka ko ang kanang kamay ko at lumabas ang sword ko.

Mula sa makakapal na usok, may naglalakad na isang babae. Makikita mo sa silhouette niya na slim siya at medyo may katangkaran. Maikli din ang buhok niya.

Tinutok ko sa kanya ang sword ko. Nagulat nalang ako nang biglang humarang sa harap ko si Eigen.

Pa'nong--nandun lang  siya kanina diba? Ano 'yun? Teleportation?

"Huy!" tawag ko sa kanya pero di niya ako pinapansin. Nawala na ang usok at nakita ko na ang mukha ng babae.

Woah. Woman in black. As in all black siya with gold highights at may hawak siyang dalawang gun. Tinutok niya ang isa niyang hawak sa amin.

(ctto of the image below)

(ctto of the image below)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oooh. Angas ng dating niya.

"Hands up. Weapons down." utos niya at sinunod naman siya ni Eigen.

Nagulat ako nang biglang may dumaplis na arrow sa likod ko at tumama iyon sa lapag. Ramdam ko iyon at medyo nasira din ang laylayan ng damit ko.

Pinulot ko 'yung arrow at inilibot ko ang paningin ko.

Saan nanggaling 'to? Wala naman akong makita na iba pang tao dito.

Isa lang ang masasabi ko, magaling siya sa accuracy. Binitawan ko narin ang sword ko at itinaas ang mga kamay ko.

"We mean no harm." sabi ni Eigen sa kanya.

"Sino siya? NPC ba siya? Ano ba' to? Quest?" sunud-sunod na tanong ko kay Eigen.

"Idiot. She's not a NPC. You should know the difference between a player and a NPC. Geez." sabi niya.

Na-idiot pa nga. Tingnan mo 'yan, nagtatanong lang naman eh.

"Players?" tanong ng babae sa amin.

"Yes." sagot naman ni Eigen. Tinanggal na niya ang pagkakatutok niya ng baril niya sa amin.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldWhere stories live. Discover now