[P.D] CHAPTER 12: MYSTERIOUS GIFT

266 14 0
                                    

A  S  H  E

"Ak..." sabi ni Wish ng may lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko siya sinagot ngunit nginitian ko nalang siya.

Sa totoo lang, nalulungkot din talaga ako. Isa-isa na kasing napuntahan ni Mr. Wallhaven sina Wish, Silver at maging si Kiro ay kasali na rin. Dalawang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayon, wala paring pumupunta na taga-Wallhaven Inc. sa bahay para sabihing kasama ako sa mga magbe-beta test. 

Hindi ko na nga din alam kung makakasama pa ba ako doon. Wala naman na akong magagawa kung hindi ako mabibigyan ng pagkakataon.

"Ano ba naman kayo, ayos lang na hindi ako makasama sa beta test. Makakapaglaro pa rin naman ako nun eh." sabi ko sa kanila. "Wag na kayong masayadong malungkot. Hindi naman big deal para sa'kin 'yun no." dugtong ko.

"Pero mas maganda pa rin kung magkakasama tayo. Iba kasi kapag buo tayo." sagot ni Mist.

"Tsaka imposible namang hindi makasali si Asky. Napaka-imposibleng hindi siya mapabilang doon." sabi naman ni Silver. 

Tumingin ako kay Kiro. Nginitian ko siya na nagsasabing 'ayos lang kahit di na ako makasali' kaya nagbuntong-hininga siya.

"Tama si Ashe, wag na tayong malungkot. Tsaka, beta test lang naman 'yun. Oo mas masaya nga kung buo tayo pero kung ganun talaga, wala naman tayong magagawa." pagsang-ayon sa'kin ni Kiro.

"Oh ayan na ah, wag niyo na akong alalahanin. Malay niyo bukas diba? Kaya wag na kayong malungkot dahil hindi pa naman huli ang lahat. May isang linggo pa naman bago matapos ang pagbisita nila." sabi ko at isa-isa na silang ngumiti sa'kin. 

Um-order na sila ng pagkain at nagsimula na kaming kumain.

"Excited na talaga ako. Di na ako makapaghintay na malaro yung PD." sabi ni Wish.

"Ako rin eh. Hirap na akong makatulog sa gabi dahil sa kakaisip sa PD." sabi naman ni Mist.

"Hindi pwede 'yan." biglang sabi sa kanya ni Clyde kaya napatingin kami sa kanya. "Dapat hindi mo pinapabayaan ang sarili mo. Masama ang nagpupuyat tsaka uminom ka ng gatas sa gabi para mabilis kang makatulog." dugtong niya pero hindi siya nakatingin kay Mist dahil nagbabasa siya.

"Tss. Oo na, senpai." nakangusong sagot sa kanya ni Mist.

Alam niyo, may napapansin talaga ako sa dalawang 'to. Parang may kakaiba eh. Parang may... something?

*pinch-pinch*

Napatingin si Mist kay Wish na nakangiting aso dahil kinalabit siya nito.

"Anong meron sa inyo ni Kuya Carl?" tanong niya habang taas baba ng kilay.

"W-wala no! Ano bang sinasabi mo?" utal na sagot ni Mist kasabay ng pamumula ng pisngi niya. Hindi pa nakuntento si Wish at si Kuya Carl naman ang kinalabit niya.

Napapangiti nalang din ako ng patago. Ang cute kasi nilang dalawa at kung tama man ang iniisip ko, bagay na bagay naman sila para sa isa't-isa.

"Kuya, anong meron sa inyo ni Mist?" tanong ni Wish sa kanya.

"She's the apple of my eye."

Nagulat kaming napatingin kay Kuya Carl dahil sa sinabi niya.

"Ano Kuya?!" sigaw ni Wish sa kanya kaya napatakip siya sa tenga niya. Maging si Mist ay nagulat din sa sinabi ni Kuya Carl.

"Ano bang sinisigaw mo dyan? Teka, at bakit ka ba sumisigaw?" takang tanong niya kay Wish.

Don't tell me?

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldWhere stories live. Discover now