[P.D] CHAPTER 14: OVERPOWERED?

239 16 4
                                    

A  S  H  E

Tumayo na ako nang biglang dumilim ang paligid. Idinilat ko na ang mga mata ko nang unti-unti ng lumiwanag ang lugar at sa isang iglap, nagbago na ang paligid.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng mga matataas na gusali. Maraming mga kakaibang hayop ang nagsisiliparan. Iba't-ibang castles din ang natatanaw ko sa malayo. Iba't-ibang mga kakaibang istruktura ang aking mga natunghayan.

Halos lahat futuristic na.

(ctto of the image below)

(ctto of the image below)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wait a minute--"

Tumakbo ako at nilibot pa ang lugar. Napahinto ako sa harap ng isang napakataas sa simbahan.

"No. This can't be." 

Ako ang nagdisensyo ng mga ito ah! 

"'Yun, ang mga gusali doon, dito pa at sa kabilang dako, ako lahat ang gumawa nito! Kaya pala pamilyar ako sa circulation ng daanan. Grabe, totoo ba 'to?!" di makapaniwalang sambit ko.

Natutuwa ako sa mga nakikita ko. Hindi ako makapaniwala na ang mga disenyong ginawa ko pala ang gagamitin para sa PD.

"This is unbelievable." sambit ko.

Kaka-atras ko para makita ang buong view, hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.

"Oh! I'm sorr--." naputol na sabi ko at bigla akong napaharap sa kanya ngunit nakatalikod na siya sa'kin. Hindi na niya ako nilingon at patuloy na siya sa paglalakad. Tiningnan kong mabuti ang likod at tindig niya.

T-teka.

"Zeth!" tawag ko sa kanya. Hinabol ko siya pero dahil sa dami ng tao, bigla na siyang nawala.

Alam kong siya 'yun. Sigurado ako sa nakita ko.

Tumakbo pa uli ako para hanapin siya pero mukhang mahihirapan na ako dahil sa sobrang dami talaga ng tao. Magkahalo ang mga players ang NPCs' sa buong lugar. Tinitingnan ko din ang bawat pangalan nila sa virtual screen na nasa ibabaw ng ulo nila. 

Maya-maya, bigla nalang may sumabog. Napasigaw ang lahat, maging ako rin ay nagulat. A giant phoenix suddenly came out of nowhere at sumigaw ng malakas. Meron siyang limang life bars at halatang malakas siya. Ang pagsabog ay nanggaling sa--

"What?! Ganun lang kadali ang ang role dito ng simbahan na 'yun? Nasira agad, sayang naman!" panghihinayang ko.

Napatakip ako sa mukha ng sumigaw muli siya. Lumikha siya ng malakas na hangin at nagsiliparan ang mga debris na galing sa simbahan. Nang mawala na iyon, inayos ko ang buhok ko at inipit ko sa tenga ko.

Mahaba buhok ko na naka-ponytail. Kulay ash blonde na almost white na at medyo kulot sa dulo. Ang kulay naman ng mga mata ko ay silver dahil yun ang ibinigay sakin na kulay para sa virtual vision. Namangha din ako sa suit ko. Kulay white ito na may linings na gold and black.

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon