Napahinga nalang ako ng malalim. Ewan ko ba sa adik na toh kung bakit bigla bigla nalang syang naghayag ng bararamdaman sa akin. Pero tama naman sya di sya ang tamang taong tatanungin ko sa mga bagay na masadaktan sya kaya tumahimik nalang ako at nag isip ng mga pwede kong gawin manaya.

Nang mag-uwian na ay nagpasya akong magpasundo nalang kay manong sa may grocery store dahil bibili pa ako ng mga ihahanda para mamaya.

Saktong pagdating ni manong Vlad ay natapos din ako sa aking pamimili. Agad na kaming umiwi dahil excited ako sa ihahanda ko para sa monthsary namin ni Uji. Usually 11pm pa ang uwi ni nya lately dahil naging sobrang busy na nya kaya marami pa akong oras dahil alas kwatro pa lang naman ng hapon.

Papasok na sana ako ng bahay nang mapansin ko ang isang matandang babae na tila nakamasid sa labas ng fence. Nacurious ako at naghanda ng pera dahi marahil ay pulubi itong manghihingi ng konteng barya base sa suot nito.

"Magandang hapon poh lola. May hinahanap po ba kayo?" Ang bungad ko dito ng makalapit ako.

Nakita king ngumiti ito sa akin at sinuklian ko din ito ng ngiti.

"Mabuti kang bata ijo, nakikita ko sa awra mo ang kabutihan. Pero ang bahay na yan ang magdadal ng kalungkutan sa buhay mo." Saad nito na hindi ko maintindihan.

"Nako ho, lola di nyo poh alam kung anong klaseng saya ang idinulot ng bahay na ito sa buhay ko kaya imposible yang sinasabi nyo lola." Nakangiti kong saad sa kanya.

Nakita kong lumungkot ang ngiti nya.

"Nawa ay magpakatatag ka. Paparito nako at napadaan lang ako sa dating lugar kung san ako nagtatrabaho." Nangiti itong muli at umalis na.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng matanda at pumasok na sa bahay upang maghanda.

Decorate doon decorate dito. Tadtad doon luto dito ang ginawa ko hanggang mag gabi. Sobrang pagod ko pero sobrang fulfilling ng makita ko ang outcome ang aking pagod. Dati nung sa resto pa ako nagtatrabaho ay nagdedecorate din kami para sa mga vip na nagrerequest na rentahan ang resto.

Napangiti nalang ako at napahinga ng malalim. Hinanda ko ang bath tub namin at lumusong matapos ko malagyan ng bath oils.

Matapos kong maglinis ng katawan ay saktong alas onse na ng gabi. Nakahanda na ang aming candle lit dinner table. Nakadim na din ang lights. Si Uji nalang ang hinihintay ko. Nakangiti kong pinagmasdan ang mga hinanda at paniguradong magugustuhan ito ni Uji dahil lahat ng ito ay paborito nya.

Pumunta ako ng sala at ngumiti ulit sa mga decor na ginawa ko. Mga pictures namin na idinikit ko sa may pahabang creep paper at idinikit ko sa ceiling. Nagmistulang umuulan ng memories ang dating dahil sa mga pictures namin na pumuno sa buong sala.

Umupo muna ako sa sofa habang pinagmamasdan ang ginawa ko. Last month kasi dinala ako ni Uji sa isang mamahaling resto at hotel. Sobrang ganda talaga kaya naenjoy ko ng sobra ang monthsary namin. Kaya naman oras na para ako naman ang bumawi sa kanya.

"Sana sapat na itong mga toh para kay Uji." Ang naibulong ko nalang sa sarili ko habang nakabgiting pinagmamasdan ang mga dekorasyon sa ceiling. Nakadim lang yung lights kaya ramdam ko yung ambiance ng paligid kaya naman sana talaga magustuhan ni Uji ang lahat ng efforts ko.

Ilang minuto nalang at darating na si Uji kaya inihanda ko na ang buong sala. Pinatugtog ko na din ang piano cover ng vmga paboritong music nya para mas gumanda pa ang mood ng buong bahay.

Halos isang oras na akong nakaupo sa sofa pero wala parin Ryuuji na dumarating. Inisip ko nalang na marahil ay nastuck lang ito sa traffic kaya ganun.

"Bau, Bau. Mahal na mahal kita." Malambing na boses ni Ryuuji ang naririnig ko at tila ba hinahalikan ako.

Nang ibinuka ko ang mga mata ko ay liwanag nang sikat ng araw ang sumalubong sa aking paningin.

Hindi ko namalayang umaga na pala at magdamag akong nakatulog sa sofa. At kagaya kagabi ay walang Uji ang dumating.

Nanatili ang mga pagkain sa kanilang kinalalagyan at walang naiba. Ang tanging nagiba lang sa hinanda ko ay ang upos nang kandila na nakalagay sa isang ceramic mould.

Tinignan ko ang cp ko at walang ni isang text na dumating mula sa kanya. Para akong tangang ngumingiti habang lumuluha at isa isang inayos ang mga hinanda kong pagkain kagabi.

"Nako masyado lang ata busy yun kaya di na nakauwi." Kausap ko sa sarili ko.

"Pero sana kahit man lang text or tawag ginawa nya para hindi ako napuyat kakahintay sa pag-uwi nya." Tuluyan na nga akong humagulhol. Mejo maarte ako sa moment ko ngayon, pero kasi ineexpect ko talagang masusurprise ko sya kasi pinaghirapan ko naman ang lahat ng ginawa ko. Ano ba naman yung magtext syang di sya uuwi para sana kumain nalang ako kagabi ng mag-isa.

Matapos kong mailigpit lahat ng ginawa ko kagabi ay naligo muna ako at kinalma ang sarili. Naghire ako ng uber para pumunta ng condo ni Uji. Baka kasi napano na sya ehh kahit naman papano ay nag-aalala ako sa kanya.

Nang makaakyat na ang elevator ay bigla na lamang itong hinarang ng floor kung saan ang pad ni manong Thrace.

Bumungad ito ng bumukas ang pinto ng elevator.

"Manong bakit mo poh ako hinarang? Bibisitahin ko lang si Uji, di kasi sya umuwi kagabi eh." Direktang tanong ko dito.

"Au, tingin ko hindi ngayon ang tamang panahon. Mas maigi siguro kung hintayin mo nalang sya sa bahay nyo." Seryosong saad nito.

"Ipapahatid kita kay Vlad pauwi." Dagdag nito na akma nang papasok ng elevator. Pero pinigilan ko ang tuluyan nyang pagpasok at tinitigan sya sa mata.

Alam kong ramdam nya ang lungkot sa mga mata ko. Mariin din itong tumitig sa akin at kita ko ang simpatya sa mga titig nya.

"Manong please poh. Gusto kong makita si Uji ngayon." Pagsusumamo ko dito.

Napahinga ito ng malalim at di na tumuloy sa pagpasok, bagkus ay pinindot nya ang ok button para umakyat ang elevator sa floor ng pad ni Uji.

Hindi ko alam kung bakit tila ba iba ang aking pakiramdam. Nasa harap na ako ng pinto ng pad at iniaabot na ng kamay ko ang door bell ng pad ni Uji.

Parang may pumupigil sa akin na kung anong pwersa at hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Siguro dala ito ng kakaibang reaksyon ni manong kanina ng makita ako.

Ano ba ang meron ngayon dito sa loob ng condo at bakit ayaw ni manong na tumuloy ako? At anong dahilan kung bakit di man lang nakauwi si Uji sa monthsary namin?

Limang beses kong pinindot ang doorbell nang bumukas ito at tumambad sa paningin ko ang isang babaeng nakaling sleeve polo na tatlo lang ang nabubutones. Kita ko pa ang panty nito at halos mabungaran ko narin pati ang hinaharap nya dahil sa di maayos na pagsuot ng damit. Ang babaeng ito na di ko inaasahang makikita ko ngayon. Ang babaeng pilit ipinapakasal kay Uji ng tatay nya.

"Uji, bakit?" Ang halos bulong kong tanong sa hangin.



Itutuloy....

------------------------

Ayan sana naman mapatawan nyo na ako nyan mejo hinabaan ko ng konte. Konte lang naman lols.

Soar high!!!

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now