Kapitulo. Siete

Magsimula sa umpisa
                                    

Lahat kami ay napatingin kay Jufran. Naluluha na siya.

"Then after three years, Paeng married me." Ma'am Nadia said. "Dalawa na ang anak ni Juan at Luisa noon. Ang buong akala ko magkakabalikan silang dalawa because he pursued your mother habang nasa Mindanao noon ang Papang ninyo but he married me and I was very happy, iyon pala rebound ako at pagkatapos ng sampung taon, napagod ako." She said. Noon ako napatitig kay Ma'am Nadia.

"Napagod akong magmahal nang ako lang. May dalawang anak kami ni Paeng pero ni minsan hindi niya ako nagawang tingnan sa paraang tinitingnan niya si Luisa tuwing magkikita ang mga pamilya natin sa simbahan. He simply just loves her and I was nothing but a rebound. Matagal nang panahon iyon pero hanggang ngayon dama ko ang sakit for being just the last choice. Napakahirap magmahal nang nag-iisa ka lang. Napakahirap magpanggap na masaya ka kahit hindi, napakahirap makiamot ng pagmamahal. Sabi ko noon kahit sana isang porsyento lang ng pagmamahal niya ibigay niya sa akin, pero hindi ako nagawang mahalin ni Paeng. He is kind but he is cruel when it comes to love."

Wala akong ibang naalala kundi si Mona at ang huling pinag-usapan namin noon. Natulala lang ako. Iyong litanya ni Ma'a, Nadia ay siyang litanya rin ni Mona. Limang porsyento nga lang ang hinihingi niya sa akin pero halos pareho.

"Anong kinalaman ng Papang sa inyo?" Tanong ko. Si Ma'am Celeste ang nagsalita.

"Mahal ko ang Papang ninyo. Ganoon na lang ang pagkalungkot ko nang mamatay siya nang hindi ko man lang siya nakakausap." She told us. Hindi ako nagsalita. "Ang gusto ko lang naman, tulad ng sinasabi sa akin ni Nadia, na sana kung isa nga sa inyo ang anak ko, sana naman, bigyan ako ng karapatan ni Luisa na makasama siya."

"Paano po ba kayo nakasiguro na isa sa amin ang anak ninyo?" Hindi nakasagot ang dalawa sa tanong ni Toto. Doon ako kinutuban na may hindi sila sinasabi sa amin. I took a deep breath.

'Hindi naman kami bastos, pero dama kong may hindi kayo sinasabi sa amin." Sabi ko sa kanila. "And the moment you two decide to come clean, pwede kayong bumalik dito pero sa ngayon, mawalang galang na lang po pero pwede na kayong umalis." Tumayo ako at nagpunta sa pinto. Wala silang nagawa kundi umalis. Isinara ko ang pinto at hinarap ang mga kapatid ko.

"Mahal pa rin kaya ni Mamang si Don Paeng?" Tanong sa akin ni Toto. Hindi ako nagsalita. Si Pepe ay umakyat na sa silid niya, sumunod naman si Toto. Naiwan kaming dalawa ni Jufran sa salas.

"Whaty are you thinking?"

"DNA test, Fonso." Sabi niya sa akin.

"But that's so cliché, Jufran. So, paano kung hindi ikaw ang anak ni Mamang o Papang, o kung ako man iyon? May mababago ba? Mahal nila tayo, walang mababago doon,"

"Sa akin wala. Paano kung ikaw? Di Magkapatid kayo ni Mona."

Bigla akong natigilan.

"Hindi ka ba naaawa sa kanya? Mahal na mahal ka noon. Hindi mo ba talag tutumbasan kahit five per cent lang tulad nang palagi niyang hinihingi sa'yo?"

'Arandia siya. Ampon man siya pero mahal na mahal siya ng taong naging dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin? Why the hell are you expecting me to love her? I used Mona to spite the old man. I only used her. I made her fall for me to spit on that man's face. Ngayong nagising na siya hindi na matutuloy ang plano ko. And it's okay, wala naman akong gusto kundi ang tahimik na buhay ng pamilya natin."

"You're a monster." Jufran told me.

"Hindi mo alam kung ano iyong pakiramdam na nakita at narinig ko si Papang na tinatanong si Mamang kung mahal ba siya nito. Hindi mo nakita iyong sakit sa mga mata niya, hindi mo alam kung gaanong effort ni Papang na magpanggap na okay lang siya kahit hindi at lahat iyon ay dahil sa lalaking iyon. Paano ko mamahalin si Mona kung sa bawat pagkakataong makikita ko siya, naalala kong nahirapan si Papang dahil sa kinikilala niyang ama?!"

As long as you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon