BlackLily: HALIKAN KITA DYAN EH!

356 4 0
                                    

Tulad ng nasabi ko na sa panglimang kwentong part nito ay lahat ng works ni BlackLily ay nakakahumaling dahil kaya niyang gumawa lahat ng tema. Sa dami ng kanyang mga nagawa ay ang Halikan Kita Dyan Eh! ang una sa pinakapaborito ko. Mabenta lang talaga sa akin ang mga superwoman. Superwoman in the sense na alam kung paano alagaan at protektahan ang sarili kahit pa ang kapalit ay pagwasak sa kanyang puso. 

Malapit sa puso ko ang mga kwento kung saan ang babae ay nagagamit ang biyayang katalinuhan sa mas magandang landas na tatahakin. Babaeng marunong tumayo sa kanyang mga sariling paa. Babaeng marunong tumayo mula sa kanyang pagkakadapa. 

Umiyak ako ng marami sa kwentong ito dahil sa ginawang pagtitiis at paghihirap ng bidang babae. 

Ang pinakakinagandahan ng kwento ay dito nagtatagpo ang mga bida sa mga nauna nang kwentong kinahumalingan at minahal nating lahat na mga gawa ni BlackLily. 

Basahin at alamin kung anu ang nasa likod ng kwentong ito kung ayaw mong mapagsabihan na Halikan Kita Dyan Eh!

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon