Pang Labing Apat na Kwento

170 0 0
                                    

Ang bilis ng pagsikat ng wattpad ngayon. Parang kailan lang ay kokonti pa lang ang mga readers. Di rin ganun kabilis ang pagsikat ng mga stories kaya nakakaabot pa yung isang magandang kwento sa madaming mambabasa. Ngayon, kahit on-going pa ang ibang mga stories ay for publishing na. Kaya, ang mga katulad kong taga bundok ay di na nakakabasa ng ibang magagandang stories. Mabuti na lang at ay madami pa din ang magagaling na author na hindi nagsasawang ibahagi ang kanilang mga gawa bago pa ipublish.

Isa sa mga authors na magaling na di ko nasubaybayan ang unang mga gawa nya bago pa mapublish ay si YUICHIZURU. Nakita ko ang pangalan nya sa isang fanpage. Kaya naman, hinanap ko ang pangalan nya. Dun ko nakita na published na ang ibang mga works nya. Isa lang ang pwede kong mabasa. Ito ay A HERRERA'S SECRET.

Ang A Herrera's Secret ay isang kwentong kompleto-rekados. Ang major theme nya ay mystery-action. Ang daming thrill sa bawat chapters. Hindi mo agad mahuhulaan ang mga susunod na kabanata. Punong-puno ito ng drama. Ang daming beses na akong pinaiyak ng kwentong ito. Sobrang nakakahawa kasi ang mga emotions sa bawat chapters. Syempre, ang pinakahinahanap natin sa bawat kwento ay ang love story na tema nito. Wala akong maipintas sa ganda ng pagkakagawa ng bawat tagpo. Kung conflict lang ang pag.uusapan ay hitik na hitik ang isang ito. Mas masakit ang sakit na susubok sa bawat leading character. Kung kilig din naman ang hahanapin ay panalo ito. Ang lakas ng dating kasi ng leading man. Grabe ang mga bawat banat, sobrang nakakainlove.

Ang isa sa pinaka nagustuhan ko dito ay ang pag build-up sa main characters. Nakakainspire ang bawat paraan ng pagbangon nila. Sa mga taong may mga matinding pinagdadaanan ay magbibigay ito ng inspirasyon na patuloy na lumaban sa bawat pagsubok ng buhay.

Gusto nyo bang malaman ang sekretong tinatago sa kwentong ito? Alamin ito sa A HERRERA'S SECRET.

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESWhere stories live. Discover now