Pangpitong Kwento

1.4K 14 9
                                    

Ang susunod na kwento ay Rated SPG. 

Dahil ako ay likhang curious at ang isang ito ay di rin mawala-wala sa what's hot list ng mga panahon na yun. Medyo di lang ako comfortable sa title niya kaya di ko pinapansin nuong una. Nang ubos na ang aking mga binabasa ay dun na ako nagdecide na subukan ang isang ito. 

Habang binabasa ko ito, ang daming pumapasok na tanung sa isip ko. Bakit ko nga ba binabasa ito? Gusto ko na talagang itigil sa sobrang inis ko sa takbo ng mga pangyayari at sabunutan ang bida kasi naiinis na ako sa kanyang katangahan. Ang nakakatawa ay di ko na namalayan na inabot na pala ako ng umaga sa kababasa ng kwentong ito. 

Ang hindi ko malilimutan sa lahat ng experience sa pagbabasa nito ay kinabukasan, nang babalikan ko ito para tingnan kung may karugtung na ba ay nawala na lang bigla sa listahan. Na-delete!!! Grabe, first time ko pa namang magbasa ng ganung tema ng kwento nawala agad. 

Mabuti na lang at naibalik na din kasi hindi ako makatulog while SLEEPING WITH MY RAPIST.

SPG man ay may laman ang kwento. May patutunguhan ang bawat tagpo. Hindi lang talaga siya para sa lahat ng klase ng mambabasa. 

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESWhere stories live. Discover now