Pangalawang Kwento

1.8K 15 5
                                    

Nang dahil nawili na ako sa aking kakabasa ng mga ebooks ay di ko na mapigilan na manghingi pa ng iba. Until one day, nabasa ako ang kwentong malapit sa aking puso. Kwentong madami nang ibat-ibang version pero may similar na plot. Nang dahil sa aking pagkaaliw dito to the point na kahit super busy na ako sa trabaho that time, kahit na halos sa opisina na nga ako nakatira ay naisisingit ko pa din na basahin ang kwentong ito. Ang haba kasi ng kwento, hindi ko matapus-tapus sa isang araw. Naka apat na araw ata ako nang matapus kong basahin yun.

Hindi din doon natapus ang kahibangan ko sa kwentong yon, binasa ko ulit kahit na malabo na ang paningin ko sa kakabasa ay binabasa ko pa din. Ang pinakanakakabitin sa kwentong ito ay may book 2 at wala akong makunan sa kwentong ito kaya naman ako'y napadpad sa wattpad online reading. 

Hindi ko akalain na dahil sa paghahanap ko ng kwentong iyon ay magiging simula ng walang kasawaan kong magbasa ng mga kwento. Ikaw ba naman ang addict magbasa at mahainan ka ng madaming pagpipilian.

Kaya lubos akong nagagalak at nagpapasalamat kay Yam-Yam28 dahil sa GIRLFRIEND FOR HIRE niya. 

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon