Pangatlong Kwento

1.7K 12 5
                                    

Dahil sa ako ay isang dakilang mambabasa at ang mga kwentong aking sinusubaybayan ay wala munang karugdutong at ineexplore ko pa lang ang wattpad ay gumala ako ng gumala hanggang mapadpad ako sa What's Hot Category. Doon ko nakita ang mga bagong mga pangalan na laging nakalagay everytime na magsesearch ako. 

Bago pa lang ako kaya curious ako dun sa kwentong napakataas ng kanyang number of reads. kaya naman sinubukan kong basahin. Sa una pa lang ay nagandahan ako kasi light lang siya at maganda talaga ang takbo ng story. Namiss ko ng husto ang high school and somehow, nakakarelate ako. Favorite ko ang school compitetions kaya nadala ako talaga. 

Pero, dahil baguhan pa lang ako sa paggamit ng wattpad at di ko pa alam na pwede pa lang ma-download ng app ay naubusan ako ng load sa kakaload para matuloy ang kwento. Nung nagkataon na nag-out-of-town kami ay di ko tinantanan ang basahin ng todo kasi oppurtunity ko na yun na makasagap ng malakas na network. Di ko namalayan na kinaumagahan ako ng tulog kaya ang ang resulta ay sabog ako kinaumagahan. Mabuti na lang at di masyado ako ginisa dun sa debriefing session namin. 

Nalungkot lang ako na hindi natapus ang kwentong ito dito sa wattpad. Ibig sabihin, kung anu lang ang meron dito ay dun lang hanggan ang malalaman ko sa story. The story has been published even if its not yet completed. Hindi madali para sa akin na magbili ng mga published books kasi malayo po sa kabihasnan ang aking kinalalagyan. Gayunpaman, hindi ko malilimutan ang story na  ito na talaga namang walang pinatawad na reading numbers. 

Public vs. Private by hannalove

Craziness Over Wattpad: RECOMMENDED AUTHORS/STORIESWhere stories live. Discover now